Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,(*), o kilala rin sa tawag na Kidlat ng Silanganan (Chinese: 东方闪电; pinyin: Dōngfāng Shǎndiàn), ay isang makabagong kilusang pangrelihiyon na itinatag sa Tsina noong 1991,[1] kung saan ayon sa pinagmulang gobyerno ng Tsina ay mayroong tatlo hanggang apat na milyong miyembro,[2] bagaman ayon sa mga iskolar, ang bilang na ito ay medyo labis.[3] Ang pangalang " Kidlat" ay galing sa Bagong Tipan, Ebanghelyo ni Mateo 24:27: "Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silangan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao." Ang tampok ng kanilang itinuturo ay na si Hesukristo ay bumalik sa mundo sa ating panahon bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos (全能神), pero sa pagkakataong ito hindi bilang isang lalaki ngunit bilang isang babaeng pilipino.[4] Ang kilusang ito ay tinatawag ng mga awtoridad sa Tsina,[5] bilang xie jiao (isang terminong nangangahulugang “masamang kulto” ngunit sa katunayan ay ginagamit mula pa noong Dinastiyang Ming na nangangahulugang “mga turong heterodoks”)[6] at inaakusahan ng iba’t ibang krimen, kabilang na ang kilalang Pagpatay sa Kulto ng Zhaoyuan McDonald[7] Dahil dito, ang mga kalabang Kristyano at internasyonal na midya ay inilarawan ito bilang isang erehe[8] Itinatanggi ng Iglesia ang lahat ng akusasyon, at may mga iskolar na napagtanto na ang ibang mga akusasyon na inimbestigahan nila ay hindi totoo at may pagmamalabis lamang.[9]

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pinuno Zhao Weishan
Lugar ng Pagtatag 1991
Tsina
Bilang ng Kasapi 4 milyon
Opisyal na Websayt https://tl.kingdomsalvation.org/

Kasaysayan

baguhin

Muling Pagkatatag noong 1989 at ang Shouters

baguhin

Bagaman hindi kailanman nabanggit sa kilusan ang kanyang pangalan o pagkakakilanlan (tinukoy lamang na siya ay isang babae), at may babala na ang kahit anong impormasyong mula sa labas ay maaaring mali,[10] maraming mga iskolar ang naniniwala na siya ay nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos sa isang babaeng Tsino, Yang Xiangbin (b. 1973), na ipinanganak sa hilagang-kanluran ng Tsina.[11] Noong 1989, sa panahong muling itinatatag ang mga malayang Tsinong iglesia, ang taong tinukoy ng kilusan bilang ang Makapangyarihang Diyos ay pormal na pumasok sa kilusang House Church (Tsina), i.e. ang mga iglesiang Protestant na Malaya mula sa gobyerno, at nagsimulang magsalita ng mga salitang ikinumpara ng mga tagasunod ang awtoridad at kapangyarihan sa ipinahayag ni Hesukristo.[12] Sa panahong iyon, siya ay dumadalo ng mga pagpupulong ng grupong itinatag ng Witness Lee, kilala bilang Local churches sa Kanluran at bilang The Shouters sa Tsina,[13] na ginagawa rin ng marami sa kanyang mga unang deboto.[14] Maraming tagapaniwala sa kilusang Chinese House Church ang naniniwala na ang mga salitang iyon ay galing sa Espiritu Santo at nagsimulang basahin sa kanilang pagpupulong noong 1991, kung kaya ang pinagmulan ng iglesia ay maaaring sa taong iyon, bagaman sa pagtatapos lamang ng 1992 tinukoy ang taong pinanggagalingan ng mga mensage bilang si Kristo, ang nagkatawang-taong Diyos, ang iisang tunay na Diyos, at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nabuo sa pangalang ito.[15]

Zhao Weishan

baguhin

Kabilang sa mga tumanggap sa tao at mensahe ng Makapangyarihang Diyos ay si Zhao Weishan (Chinese: 赵维山; ipinanganak noong December 12, 1951), ang pinuno ng malayang sangay ng The Shouters.[16] Siya ay naging importanteng tao sa kilusan kung kaya’t tinawag siya ng mga pinagmulang Tsino na “tagapagtaguyod,” bagaman naniniwala ang mga taga-Kanlurang iskolar na ito ay dahil sa pagkiling sa kanya ng mga Tsinong pulis opisyal, na hindi matanggap na ang isang malaking kilusang pangrelihiyon ay itinatag ng isang babae, at na ang titulong “tagapagtaguyod” ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay dapat ibigay sa isang (babaeng) tao na tinutukoy ng kilusan bilang Makapangyarihang Diyos.[17] Ayon sa Awstraliyanong iskolar na si Emily Dunn, noong 1991, ang organisasyon ay mayroon nang hight sa isang libong miyembro. Pagtapos na salakayin ng mga pulis ang kanyang grupo, umalis si Zhao sa Heilongjiang at ipinagpatuloy ang organisasyon sa Qingfeng County, Henan, kung saan ito patuloy na lumawak.[18] Di nagtagal, kinilala siya bilang pinuno at ang Pari ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Iginigiit ng iglesia na ito ay personal na itinatag at ipinapastol ng taong kinikilalang Makapangyarihang Diyos, at si Zhao, "ang Lalaking ginamit ng Espiritu Santo," ay ang pinunong tagapangasiwa ng kilusan.[19]

Paglawak at Pagsupil

baguhin

Ang gobyerno ng Tsina ay madaling naghinala sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa mga turo nitong taliwas sa mga Erehiya,[20] at ang malupit na pagsupil noong kalagitnaan ng 1990 ay nakatutok sa Shouters at sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na ang pagkakaiba sa turong pangrelihiyon ay hindi klaro sa mga Tsinong awtoridad.[21] Noong 2000, nagpunta sina Zhao at Yang sa Estados Unidos, kung saan pumasok sila noong Setyembre 6, at noong 2001 sila ay pinagkalooban ng proteksyong pampulitikal. Mula noon, tumira sila at tinuon ang kilusan sa Estados Unidos.[22] Sa mga unang buwan ng 2009, si He Zhexun, na dati ay nakatalagang magtrabaho sa Iglesia sa Mainland China, ay inaresto ng mga Tsinong awtoridad. Noong July 17, 2009, si Ma Suoping (babae, 1969–2009), ang pumalit sa posisyon ni He Zhexun, ay inaresto rin ng mga Tsinong pulis at namatay habang nasa kustodiya nila.[23]

Sa kabila ng pagsupil ng gobyerno, at ang katotohanan na ang iba sa mga pinuno ng mga pangunahing Kristyanong iglesia ay inakusahan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng erehe,[24] ang Iglesia ay lumaki sa Tsina at, ayon sa mga pinanggalingang Tsinong opisyal, ay umabot ng tatlo o apat pa ngang milyong miyembro noong 2014,[25] bagaman ayon sa mga iskolar, ang bilang na ito ay medyo labis.[26] Mula noong Pagpatay sa kulto ng Zhaoyuan McDonald's noong 2014, ang pagsupil sa Tsina ay mas pinaigting, at libu-libong miyembro ang tumakas sa ibang bansa, kung saan nila itinayo ang mga iglesia sa South Korea, Estados Unidos, Italya, Pransiya, Espanya, Canada, Japan, Pilipinas, at iba pang mga bansa, dagdag pa sa mga itinayo sa Hong Kong at Taiwan, kasama ang mga hindi Tsinong miyembro na sumali sa kilusan.[27] Ang naging bunga ng pagkakawatak-watak na ito ay ang paglaki, sa mga bansa kung saan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay malayang nakapagpapatakbo, ng produksyon ng mga naipinta at pelikula, kabilang na ang ilang mga pelikulang nanalo ng gantimpala sa mga paligsahan ng pelikula.[28]

Mga Paniniwala

baguhin

Tatlong Kapanahunan

baguhin

Ang “Silangang Kidlat,” ayon sa Iglesia, ay si Hesukristong nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos, mula sa bansa sa silangan, ang Tsina, para pasinayaan ang ikatlong kapanahunan ng sangkatauhan, ang Kapanahunan ng Kaharian, na sinusundan ang Kapanahunan ng Kautusan, i.e. panahon ng Lumang Tipan, at ang Kapanahunan ng Biyaya, kung saan nagmula sa pagkapanganak kay Hesus hanggang sa pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa ika-20 siglo.[29] Dahil sa pagsasakripisyo ni Hesus sa krus, ang mga kasalanan ng mga tao ay napatawad, pero ang kanilang pagiging likas na makasalanan ay hindi nawala.[30] Sa sariling salita ng Makapangyarihang Diyos, "Ang kabuuan ng aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ay tumutugma sa pangangailangan ng tao"; at: "Bagaman maraming ginawa si Hesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. ... At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan."[31]

Mga Banal na Kasulatan

baguhin

Sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ang Bibliya ay tinatanggap bilang banal na kasulatan para sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, bagaman sinasabing "itinala ng mga tao, ito ay naglalaman ng mga mensahe mula Diyos at ilang mga makatotohanang pananaw, na nakakatulong upang malaman ang mga gawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, ngunit naglalaman din ng maraming pagkakamali ng tao."[32] Sa ating panahon, naniniwala ang iglesia na makakahanap tayo ng mas ligtas na gabay sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na nakatala sa malaking librong The Word Appears in the Flesh, na mayroong higit isang milyong salita, na tumutugon sa ilang mga tanong tungkol sa sagradong kasaysayan, teolohiya, etiko, at espirituwalidad, at tinutukoy din bilang prinsipyo ng kilusan.[33]

Millenialism

baguhin

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagtuturo ng isang uri ng millennialism. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay hindi dapat pagkalituhan sa Kapanahunan ng Milenyal na Kaharian, isang hinaharap na panahon kasunod ng mga pahayag na sakunang naitala bilang propesiya sa Bibliya, kung kailan ang mensahe ng Makapangyarihang Diyos ay matatanggap sa lahat ng bansa, ang pagiging likas na makasalanan ng tao ay mababago, at ang mga taong nilinis ng gawa ng Diyos ay mabubuhay ng walang hanggang sa mundo.[34] Ayon sa iglesia, pagtapos ng nagkatawang-taong Diyos (na hindi pinaniniwalaang mabubuhay ng walang hanggan sa mundo) makumpleto ang mga gawain ng Diyos sa mundo sa mga huling araw, ang mga sakunang naitala bilang propesiya sa Libro ng Rebelasyon sa Bibliya ay darating, sa anyo ng taggutom, lindol at giyera. Ngunit, “ang Mundo ay hindi malilipol, at ang mga nilinis ng Diyos ay maliligtas sa delubyo sa mga huling araw, at mabubuhay sa mundo habang buhay.”[35] Ayon sa Amerikanong iskolar na si Holly Folk, “ang dibisyon ng kasaysayan sa maraming yugto ay sumasalamin sa impluwensya ng Plymouth Brethren at iba pang mga ebanghelikong misyonaryo sa Tsina. Ang Dispensationalism, isang paraan ng interpretasyon ng Bibliya na sumusuporta sa kosmikong pananaw sa kasaysayan kabilang na ang mga panahon ng pagtatapos, ay binuo ni John Nelson Darby noong ika-19 na siglo,” bagamat mayroon ding mga pagkakaiba sa pagitan nina Darby at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.[36]

Malaking Pulang Dragon

baguhin

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naniniwala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na si Hesus sa ating panahon at na ipinanganak sa Tsina, isang bansang, ayon sa iglesia, kumakatawan din sa lugar kung saan ang masamang Malaking Pulang Dragon ayon sa Libro ng Rebelasyon ay nagpakitang may pagkakahawig sa Komunistang Partido ng Tsina at kung saan magpapakita rin si Hesukristo sa Ikalawang Pagdating Niya.[37] Gaya ng napansin ni Emily Dunn, ang teolohiya na tumutukoy sa Malaking Pulang Dragon na may politikal na kapangyarihang umuusig sa Kristyano ay hindi inimbento ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ngunit matagal nang tradisyon ng mga Tsinong Kristyano, kabilang na ang Shouters.[38]

Kawalan ng mga Sakramento; pagsamba

baguhin

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naniniwala na ang mga sakramento, kabilang na ang baptismo, ay mga kaugalian sa Kapanahunan ng Biyaya at walang lugar sa Kapanahunan ng Kaharian. Kung kaya, walang baptismo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ang isang tao ay nagiging miyembro ng iglesia sa pamamagitan ng pagkukumpisal na ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay ang Ikalawang Pagdating ni Hesukristo at ang pagpapakita ng natatanging tunay na Diyos sa mga huling araw, umaayong magdasal sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos, at naiintindihan at tinatanggap ang mga paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.[39] Ang kawalan ng mga sakramento ay hindi nangangahulugang ang pagpupulung-pulong, pagdadasal at pagsamba sa Diyos ay hindi mahalaga para sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Mayroon silang regular na “fellowship” sa pamamagitan ng pagkikita at pag-uusap tungkol sa kanila mga banal na kasulatan, pakikinig ng mga sermon, pagkanta ng mga himno, at pagbabahagi ng mga testimonya. Napansin ng Italyanong iskolar na si Massimo Introvigne na, sa ganitong lagay, "ang sidhi ng kanilang buhay pangrelihiyon ay taliwas sa pangunahing elemento na estilo ng pagsamba. "[40]

Mga Kontrobersiya

baguhin

Ang mga akusasyon ng mga seryosong krimen laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na madalas lumalabas sa midya, ay may dalawang pinanggagalingan: ang Komunistang Partido ng Tsina at ang ibang mga iglesiang Kristyano.[41] Ang gobyerno ng Tsina at ang midya ay paminsan-minsang inaakusahan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng mga krimen. Ang tema ng madalas na akusasyon ay ang apat na mga pangunahing insidente: ang Pagpatay sa kulto ng Zhaoyuan McDonald's noong 2014, ang pagtanggal sa mga mata ng isang batang lalaki noong 2013 sa Shanxi,[42] ang pagkidnap sa mga Kristyanong pinuno noong 2002,[43] at ang mga riot na konektado sa mga anunsyo na ang pagkagunaw ng mundo ay mangyayari sa 2012.[44]

Binabanggit din paminsan-minsan ng mga pinanggalingang Tsinong opisyal ang iba pang mga akusasyon. Noong 2017, ang mga taga-Kanlurang iskolar, kabilang na sina Massimo Introvigne at Holly Folk, na nag-aral tungkol sa iglesia, ay inimbita sa Henan ng opisyal na Asosasyon Laban sa Kulto ng Tsina para sa isang pagpupulong tungkol sa mapanganib na mga kulto at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.[45] May ikalawa pang pagpupulong na inayos ng parehas na Asosasyon Laban sa Kulto ng Tsina noong 2017 sa Hong Kong, at ang mga iskolar ay nakatanggap mula sa mga Tsinong tagapagpatupad ng batas ng mga impormasyon at dokumento tungkol sa mga krimen na ayon sa mga tagapagpatupad ng batas ay kinasasangkutan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.[46] Napansin nilang ang mga dagdag na akusasyon ay hindi ganoon kadalas nababanggit at hindi gaanong nasusuportahan ng mga dokumento, di tulad ng mga akusasyon tungkol sa apat na mga pangunahing insidente.[47]

Bagamat madalas inaakusahan ang Iglesia bilang "laban sa pamilya," isang pag-aaral ang nailathala ng parehas ni Introvigne noong 2018 sa Baylor University's Interdisciplinary Journal of Research on Religion na nagsasabing sa katunayan ang teolohiya ng pamilya nito ay medyo tradisyonal at konserbatibo, at nagpresenta ng ebidensya sa pamamagitan ng survey na karamihan ng mga Tsinong miyembro na tumakas sa South Korea, Estados Unidos at Pilipinas ay pinapalitan ng kanilang mga sariling pamilya ng relihiyon para maging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.[48]

Pagpatay sa Kulto ng Zhaoyuan McDonald's

baguhin
 
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:

Noong ika-28 ng Mayo 2014, anim na “mga misyonaryo” na nagsasabing kumakatawan sa "Makapangyarihang Diyos " ang nagpasiklab ng isang pambansang gulo nang atakihin nila at patayin ang isang babae sa McDonald's restaurant sa Zhaoyuan, isang lungsod sa Shandong na Probinsya ng Tsina.[49] Lima sa “mga misyonaryo” (ang pang-anim ay isang menor de edad) ang nilitis at nakulong noong ika-10 ng Oktubre. Dalawa ang nahatulan ng bitay at kinulong noong 2015, isa ay nahatulan ng panghabang-buhay na pagkakabilanggo, at ang dalawa pa ay nahatulan ng 7 hanggang 10 taon na pagkakakulong.[50]

Ang pagpatay sa McDonald's ay pinag-aralan ng mga iskolar ng mga bagong kilusang pangrelihiyon tulad ni Emily Dunn,[51] David Bromley at Massimo Introvigne.[52] Nagkaroon sila ng iba’t ibang konklusyon tungkol sa mga naunang report karamihan sa mga Tsino at taga-Kanlurang midya, at sinabing ang mga pumatay ay parte ng isang maliit at malayang kulto na hindi konektado sa Silangang Kidlat, na ginamit ang mga salitang “Makapangyarihang Diyos” upang italaga bilang “dalawang diyos” ang kanilang dalawang babaeng pinuno na sina Zhang Fan (anak ng pangunahing pumatay na si Zhang Lidong, na kinulong kasama ng kanyang ama noong 2015) at si Lü Yingchun.[53] Sa paglilitis, sinabi ng mga nasasakdal na bagamat ginamit nila ang parehong pangalang na “Makapangyarihang Diyos,” ang kanilang grupo at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na pinamumunuan ni Zhao Weishan ay dalawang magkaibang organisayon. Isa sa mga pinuno na si Lü Yingchun ang nagdeklarang, “ang estado ay binansagan ang pekeng ‘Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos’ ni Zhao Weishan bilang masamang kulto, at binansagan namin silang ‘masamang mga espirito.’ Tanging si Zhang Fan at ako … ang maaaring kumatawan sa tunay na ‘Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.’ Si Zhang Fan at ako ay mga natatanging tagapagsalita ng tunay na ‘Makapangyarihang Diyos.’ Ang gobyerno ay sinusupil ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan ni Zhao Weishan, at hindi ang ‘Makapangyarihang Diyos’ na tinutukoy namin. Sila ay pekeng ‘Makapangyarihang Diyos,’ samantalang kami ang tunay na ‘Makapangyarihang Diyos.’”[54]

Pagtapos nito, ang mga Tsinong midya ay naglathala ng mga kumpisal sa kulungan ng dalawang miyembro ng grupo na nasa kulungan na sina Lü Yingchun at Zhang Hang, na sinabing matagumpay na “naging edukadong muli”. Sinasabi nilang ang ibang mga pinuno ng grupo ay nabasa ang ilan sa mga literatura ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ngunit patuloy na iginigiit na ito ay ibang kilusan na may ibang mga pangunahing paniniwala.[55]

Kaso ni Guo Xiaobin

baguhin

Noong Ika-24 ng Agosto 2013, isang babae ang dumukot ng mga mata ng isang batang lalaki na tinatawag na Guo Xiaobin sa Shanxi. Ang bata ay naging sikat sa iba’t ibang bansa dahil sa kanyang matagumpay na ocular prosthesis surgery na ginawa sa Shenzen.[56] Pagtapos ng Pagpatay sa Kulto ng Zhaoyuan McDonald's, ang ilang mga Tsinong midya ay kinonekta ang krimen sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.[57] Isang pag-aaral ng Amerikanong iskolar na si Holly Folk, na isinulat pagtapos ng kanyang partisipasyon sa dalawang pagpupulong noong 2017 na inorganisa ng Asosasyon Laban sa Kutlo ng Tsina, ang nakapansing isinara ng Tsinong pulis ang kaso noong Setyembre 2013 sa paghihinuha na ang krimen ay ginawa ng tiyahin ni Guo Xiaobin, at walang kinalaman sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ngunit pagtapos lamang ng pagpatay sa McDonald’s noong 2014 nagsimulang banggitin ng mga ilang Tsinong laban sa kulto Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang may kinalaman sa insidente.[58] Sinabi rin ni Folk na ang mga akusasyon na pagdukot sa mata ng mga Tsinong biktima ay karaniwang tema sa mga propaganda ng Tsinong laban sa Kristyano mula pa noong ika-19 na siglo.[59]

Mga akusasyong pagdukot sa mga Kristyanong pinuno

baguhin

Ang ilan sa mga pinuno ng ibang Kristyanong iglesia ay inakusahan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng parehas na pagiging “erehe” at ng “pang-aagaw ng mga tagasunod” sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na paraan.[60] Kabilang sa mga akusasyon ang paratang noong 2002 na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay dinukot ang 34 na mga pinuno ng China Gospel Fellowship (CGF) para guluhin ang kanilang relihiyon.[61] Para sa ilang mga Kristyanong nasa Kanluran, ang mga akusasyong ito ay kapani-paniwala.[62] Sa pag-aaral na nailathala noong 2018, nakakita si Introvigne ng mga pabagu-bago sa istoryang ayon sa China Gospel Fellowship, naghinala kung bakit walang naaresto o nalitis dahil sa krimen, at napagtibay na hindi imposibleng sa pag-imbento ng istorya ng pagkidnap, ang China Gospel Fellowship ay sinusubukan lamang humanap ng dahilan kung bakit ang marami sa mga miyembro nito, kabilang na ang mga pinuno ng nasyon, ay nagpalit ng relihiyon upang maging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bagamat ang ibang interpretasyon nito ay nananatiling posible.[63]

Prediksyon sa katapusan ng mundo noong 2012

baguhin

Ang prediksyon tungkol sa katapusan ng mundo sa panahong 2012 ay naging popular na usapin sa Tsina kung saan ang pelikulang 2012 ay naging sikat at ang ilan sa mga negosyante ay nagnegosyo sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga "arko" para makaligtas sa rebelasyong ito.[64] Sa loob ng global na balangkas ng kababalaghan noong 2012, batay sa mga propesiyang dinudugtong sa Kabihasnang Maya, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay inakusahang hinuhulaang ang katapusan ng mundo ay sa panahong 2012, na nagdulot ng mga riot at maging mga krimen sa Tsina.[65] Bago ang paggunaw ng mundo ayon sa “Maya” na December 21,2012, inaresto ng gobyerno ng Tsina ang 400 na miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa gitnang Tsina,[66] at mahigit 1000 pa mula sa ibang mga probinsya ng Tsina.[67] Pinuna ng Awstralyanong iskolar na si Emily Dunn, sa unang iskolar na librong alay sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos noong 2015, na tulad ng maraming Tsino, ang ibang “mga miyembro ng Silangang Kidlat ay niyakap ang propesiya ng Mayan” ngunit sila “ay mukhang nagawa ito ng walang pahintulot mula sa nagpapakilalang mga awtoridad ng grupo,” na sa katotohanan ay ang mga nagdeklarang ang “Mayan” at ang iba pang mga teorya tungkol sa paggunaw ng mundo ay “mali” batay sa teolohiya o sa mga tunay na pangyayari.[68]

Ayon kay Introvigne, ang posisyon ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na tumanggap at nagpakalat ng propesiya tungkol sa paggunaw ng mundo noong 2012, na ang ilan ay itiniwalag mula sa iglesia, “ay pabagu-bago sa teolohiya ng Iglesia. Ang Makapangyarihang Diyos ay hindi nag-aanunsyo ng katapusan ng mundo, pero ng pagbabago. At hindi ito mangyayari bago matapos ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mundo,” gaya ng bago pumanaw ang taong kinikilalang Makapangyarihang Diyos, habang siya ay buhay at malakas noong 2012.[69]

Mga isyu ng mga nakatakas

baguhin

Partikular pagtapos ng pagsupil noong 2014 sa pagpatay sa McDonald’s, libu-libong miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nakatakas sa South Korea, Estados Unidos, Canada, Japan, Italya, Pranses, Awstralya, at iba pang mga bansa, at naghanap ng proteksyon sa pamamagitan ng istadong nakatakas. Bagamat ang mga awtoridad sa mga ibang bansa ay nagsasabing walang sapat na ebidensyang inusig ang mga naghahanap ng proteksyon, ang ilang mga internasyonal na eksperto ay kontra dito at sinabing ang ebidensyang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay inusig bilang isang kilusan ay sapat na suporta sa konklusyong ang mga miyembro ay haharap sa mga seryosong panganib kung sakaling bumalik sila sa Tsina, at ang mga desisyong hindi sang-ayon sa mga aplikante ay hindi napangatwiranan.[70]

Mga pahayag ukol sa fake news

baguhin

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay sinasabing biktima ito ng mga fake news na kampanya na inuumpisahan ng Komunistang Partido ng Tsina. Iginigiit nitong ang ibang mga flyer at banner na ipinapakita sa mga Tsinong at Kanlurang website ay ebidensya na ang mga propesiya nito noong 2012 ay gawa-gawa lamang o hango sa mga inayos na larawan sa Photoshop at iba pang mga paraan ng mga materyales ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.[71] Ang ilang iskolar ay nag-aral ng ilang Tsinong kampanya laban sa Iglesia bilang isang klasikong halimbawa ng fake news.[72] Tinuligsa rin ng Iglesia ang pagkakaroon sa United Kingdom ng isang pekeng website na “Church of Almighty God UK.”[73] Ang mga pagtatangka ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na tanggalin ito ay hindi naging matagumpay, bagamat sinasabi ng mga iskolar na ang website ay hindi kumakatawan sa mga posisyon at teolohiya ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at halata ito sa kahit sinumang pamilyar dito.[74] Ang “Deklarasyon Ukol sa mga Website na Gumagaya sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos” ay inilabas ng Iglesia upang tuligsain ang insidente.[75]

Mga Tala

baguhin

(*) aging nakasulat sa malaking titik na “A” ang “Ang”; Chinese: 全能神教会; pinyin: Quánnéng Shén Jiàohuì

Mga Sanggunian

baguhin

Mga Sipi

baguhin
  1. Dunn (2008a).
  2. Li (2014), Ma (2014).
  3. Introvigne (2017c).
  4. Dunn (2008a); Dunn (1999), 62.
  5. Irons 2018.
  6. Palmer (2012).
  7. Gracie (2014); Shen and Bach (2017).
  8. Tiezzi (2014).
  9. Dunn (2015), 204; Introvigne (2017a); Introvigne and Bromley (2017), Folk (2017).
  10. Introvigne (2017c).
  11. Dunn (2015), 68-72.
  12. Zoccatelli (2018), 8.
  13. Introvigne (2017c).
  14. Folk (2018), 72.
  15. Dunn (2015), 48; Introvigne (2017c).
  16. Dunn (2015),48: "Other Chinese sources present a far more complex account of Eastern Lightning's origins. They charge a middle-aged man named Zhao Weishan 赵维山, once a physics teacher or railroad worker, with founding the movement. These sources ... was a member of the Shouters in the late 1980s. He left the group with other believers in 1989 to form an offshoot called the Church of the Everlasting Foundation (永存的根基教会 Yongcun de genjijiaohui), in which he presented himself as a 'Lord of Ability' ( 能力主 nengli zhu). In May, 1992, a Chinese Christian magazine reported that a group called 'the New Church of the Lord of Ability' (新能力主教会 Xin nenglizhu jiaohui) had been distributing tracts and cassette recordings in the southwest Henan since March 1991."
  17. CESNUR (2017).
  18. Dunn (2015), 48.
  19. Introvigne (2017c); Zoccatelli (2018), 9.
  20. Dunn (2008b).
  21. Introvigne (2017c); Irons (2018).
  22. Dunn (2015), 49; Introvigne (2017c).
  23. Introvigne (2017c).
  24. See e.g. China for Jesus (2002; upd. 2014); Chan and Bright (2005).
  25. Li (2014), Ma (2014).
  26. Introvigne (2017c).
  27. Zoccatelli (2018), 10.
  28. Introvigne (2017b).
  29. Folk (2018), 64.
  30. Folk (2018), 61.
  31. Quoted in Folk (2018), 61-63.
  32. Folk (2018), 62.
  33. Introvigne (2017c).
  34. Introvigne (2017c); see Church of Almighty God (2015).
  35. Folk (2018), 66.
  36. Folk (2018), 66.
  37. Dunn (2008).
  38. Dunn (2008).
  39. Introvigne (2017c)
  40. Introvigne (2017c)
  41. Introvigne (2017c).
  42. Lai and others (2014).
  43. Shen and Bach (2017).
  44. Dunn (2015), 94.
  45. KKNews (2017).
  46. Zoccatelli (2018), 6.
  47. Folk (2017); Introvigne (2017c).
  48. Introvigne (2018b).
  49. Gracie (2014).
  50. BBC News (2014).
  51. Dunn (2015), 204.
  52. Introvigne (2017a); Introvigne (2018d); Introvigne and Bromley (2017).
  53. Introvigne (2017a); Introvigne and Bromley (2017).
  54. The Beijing News (2014).
  55. The Beijing News (2014).
  56. Irvine (2014).
  57. Lai and others (2014).
  58. Folk (2017).
  59. Folk (2017), 101.
  60. See e.g. China for Jesus (2002, upd. 2014).
  61. Shen and Bach (2017).
  62. See e.g. Aikman (2003), 81 and 267; Chan and Bright (2005).
  63. Introvigne (2018a).
  64. Dunn (2016).
  65. Dunn (2016).
  66. Patranobis (2012).
  67. Jacobs (2012).
  68. China People's Daily (2014).
  69. Dunn (2015), 95.
  70. Šorytė (2018).
  71. Introvigne (2017c).
  72. Introvigne (2018c).
  73. See the (false) Web site "Church of Almighty God UK 英国全能神教会," Naka-arkibo 2018-02-21 sa Wayback Machine. last accessed February 20, 2018.
  74. Introvigne (2017c).
  75. Introvigne (2017c).

Mga Pinagmulan

baguhin
baguhin