Animismo

(Idinirekta mula sa Animism)

Ang animismo (mula sa Lating anima o "kaluluwa", "buhay"[1][2]) ay isang paniniwala na nagsasabing mayroong puwersang hindi materyal na nagpapakilos sa kapaligiran. Sinasabi rin dito na may kani-kaniaya o angking kaluluwa ang mga bagay-bagay. Bukod dito, isa itong paniniwala sa kapangyarihan at lakas ng kaluluwa.[3] Isa itong ideyang pilosopikal, relihiyoso, o espiritwal na umiiral ang mga kaluluwa o mga espiritu hindi lamang sa mga tao at mga hayop, ngunit maging sa mga halaman, mga bato, mga likas na kaganapang katulad ng kulog, sa mga heograpikong katangiang katulad ng mga bundok o mga ilog, o iba pang mga entidad ng kapaligirang likas[4], na isang proposisyong kilala rin bilang hilosoismo sa pilosopiya. Sa animismo, maaaring paniwalaan ding may mga kaluluwa ang mga konseptong walang tiyak na anyo o abstrakto, katulad ng mga salita, mga tunay na pangalan, o mga metapor sa mitolohiya. Karamihan sa mga pananampalatayang nagbibigay-diin sa animismo ay mga relihiyong-bayan, katulad ng sari-saring mga anyo ng Shamanismo, Shinto, Taoismo, Wicca, Budu, o ilang daloy ng Hinduismo.

Isang simbolo ng Animismo ito.

Sa kahabaan ng kasaysayan ng Europa, nagmuni-muni ang mga pilosopong katulad nina Plato, Aristotle, Thomas Aquinas, kasama ng iba pa, na umiiral ang kaluluwa o espiritu sa mga hayop, mga halaman, at mga tao.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Segal, p. 14
  2. "Animism", The American Heritage Dictionary of the English Language, p. 72
  3. Gaboy, Luciano L. Animism - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. May paliwanag sa Ingles na: "The concept that humans possess souls and that souls have life apart from human bodies before and after death are central to animism, along with the ideas that animals, plants, and celestial bodies have spirits" (Wenner)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.