Saudi Arabia

bansa sa Asya
(Idinirekta mula sa Arabyanong Saudi)

Ang Kaharian ng Saudi Arabia (Arabe: المملكة العربية السعوديةal-Mamlakah al-‘Arabīyah as-Su‘ūdīyah tungkol sa tunog na ito Bigkas Arabe ) o Saudi at sa Arabe bilang as-Su‘ūdīyah (Arabe: السعودية‎), ay ang pinakamalaking estado sa Gitnang Silangan ayon sa sukat ng lupaing sakop, na halos sumasakop sa kabuuan ng Tangway ng Arabia, at ikalawa sa pinakamalaki sa Mundong Arabe. Naghahanggan ito sa Jordan, at sa Iraq sa hilaga at sa hilagang silangan, sa Kuwait, Qatar, at sa United Arab Emirates sa silangan. Sa Oman naman sa timog silangan, at sa Yemen sa timog. Nakaugnay din ito sa Bahrain sa pamamagitan ng King Fahd Causeway. Matatagpuan sa kanluran nito ang Dagat Pula, at ang Golpo ng Persiya ang nasa hilagang silangan, kung saan ang pangalan nito ay naging dahilan ng kontrobersiya sa pangalan nito simula noong ika-20 dantaon. Kahit na ang pandaigdigang pagpapangalan dito ay Golpo ng Persiya, ang Golpo ng Arabya ang opisyal na pangalan nito sa Saudi Arabia at sa halos lahat ng mga bansa sa Arabya. May tinatayang 25.7 milyon populasyon ang Saudi Arabia kung saan 5.5 milyon dito ay mga hindi tunay na mamamayan.[6]

Kaharian ng Saudi Arabia
المملكة العربية السعودية
al-Mamlaka al-ʻArabiyya as-Suʻūdiyya
Watawat ng Saudi Arabia
Watawat
Eskudo ng Saudi Arabia
Eskudo
Salawikain: "لا إله إلا الله محمد رسول الله"
"Walang ibang diyos kung hindi si Allah, at si Muhammad ang sugo ni Allah" (ang Shahada)[1]
Awiting Pambansa: "Aash Al Maleek"
"Mabuhay Ang Hari"
Location of Saudi Arabia
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Riyadh
Wikang opisyalArabic
KatawaganSaudi, Saudi Arabian
PamahalaanUnitary Islamic absolute monarchy
• Hari
Salman ng Saudi Arabia
• Punong Ministro
Salman ng Saudi Arabia
LehislaturaCouncil of Ministers[2]
(appointed by the king)
Establishment
• First Saudi State established
1744
• Second Saudi State established
1824
• Third Saudi State declared
8 Enero 1926
• Kinilala
20 Mayo 1927
• Napagkaisang Kaharian
23 Setyembre 1932
Lawak
• Kabuuan
2,149,690 km2 (830,000 mi kuw) (14th)
• Katubigan (%)
negligible
Populasyon
• Pagtataya sa 2009
28,686,633[3] (41st)
• Densidad
12/km2 (31.1/mi kuw) (205th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$592.886 billion[4] (22nd)
• Bawat kapita
$23,814[4] (38th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2008
• Kabuuan
$469.426 billion[4] (23rd)
• Bawat kapita
$18,855[4] (41st)
TKP (2007)0.843[5]
napakataas · 59th
SalapiSaudi Riyal (SR) (SAR)
Sona ng orasUTC+3 (AST)
• Tag-init (DST)
UTC+3 ((not observed))
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono966
Kodigo sa ISO 3166SA
Internet TLD.sa
  1. Population estimate includes 5,576,076 non-nationals.

Naitatag ni Abdul-Aziz bin Saud (na kilala noong panahon niya bilang Ibn Saud) ang Kaharian ng Saudi Arabia noong 1932. Ngunit nagsimula ang pagbuo nito noong 1902 nang makuha niya ang Riyadh na siyang katutubong lupain ng kanyang pamilya - ang Bahay ng Saud na tinatawag na Al Saud sa wikang Arabe. Ang pamahalaang Saudi Arabia, na sa simula pa lamang ay isang ganap na monarkiya, ay tinutukoy na Islamiko ang kanilang sistema ng pamahalaan. Subali't ito ay pinagtatalunan sapagkat ito ay labis na nakabatay sa Salapismo na isang maliit na sangay ng paniniwalang Islam. Kadalasang tinatawag na "Ang Lupain ng Dalawang Banal na Moske" ang kaharian dahil dito matatagpuan ang dalawang pinakabanal na lugar sa Islam, ang Masjid al-Haram (sa Mecca), at Al-Masjid al-Nabawi (sa Medina.

Pinakamalaki sa daigdig ang reserbang langis ng Saudi Arabia. Halos 90% ng kalakal na iniluluwas ay mula sa langis, at 75% ng kita ng pamahalaang Saudi ay mula rin dito. Ito ang naging kagamitan ng bansa upang ito ay maging isang Estadong Panlipunan.[7] Subali't ang mga pangkat ng mga Karapatang Pantao gaya ng Amnesty International at Human Rights Watch ay paulit-ulit na nagpapahayag ng pag-aalala sa estado ng karapatang pantao sa Saudi Arabia.

Etimolohiya

baguhin

Pagkatapos ng pag-iisa ng mga Kaharian ng Hejaz at Nejd, pinangalanan ang bagong estado na al-Mamlaka al-ʻArabiyya as-Saʻūdiyya (ang pagsasatitik ng المملكة العربية السعودية sa wikang Arabe) ayon sa kautusan ng nagtatag nito na si Haring Abdul Aziz Al Saud noong 23 Setyembre 1932. Ito ay karaniwang sinasalin sa "ang Kaharian ng Saudi Arabia" o "the Kingdom of Saudi Arabia" sa Ingles.[8]

Heograpiya

baguhin

Nasasakop ng Saudi Arabia ang halos 80 bahagdan ng Tangway ng Arabya,[9] na matatagpuan sa pagitan ng latitud 16° at 33° N, at longhitud 34° and 56° E. Dahil sa ang hangganan ng bansa sa timog na naghahanggan sa Mga Pinag-isang Arabong Emirado at Oman ay hindi wastong naitakda o namarkahan, ang tumpak na sukat ng bansa ay nananatiling hindi alam.[9]

Napapaibabawan halos lahat ng Disyerto ng Arabya at nang iba pang maliliit na mga disyerto ang Saudi Arabia.[10] Wala halos permanenteng mga ilog at lawa sa bansa, ngunit maraming mga wadis.[10] Ang kakaunting mga mayayabong na bahagi ay matatagpuan sa mga naanuran ng mga wadis at mga oasis.[10] Ang gitnang talampas ang pangunahing topograpikal na tampok ng bansa kung saan ay matarik ito mula sa Dagat Pula at unti unting pababa patungo sa Nejd hanggang sa Golpo ng Persiya.[10] Ang timog kanlurang lalawigan ng Asir ay mabundok, kung saan matatagpuan ang Bundok Sawda, kung saan sinasabing pinakamataas na bahagi ng bansa.[10]

 
Ang tanawin ng Nejd: disyerto at ang bangin ng Tuwaiq malapit sa Riyadh

.

Maliban sa timog kanlurang lalawigan ng Asir, may klimang pandisyerto ang Arabyang Sadui na may labis na temperaturang mainit sa araw at mabilis namang bababa pagdating ng gabi.[11] Nasa 45 °C ang karaniwang temperatura tuwing tag-araw ngunit maaaring umabot sa taas na 54 °C.[11] Tuwing taglamig naman ay madalang kung umabot ng 0 °C ang temperatura.[11] Katamtaman naman ang klima tuwing tagsibol at taglagas na may karaniwang temperatura na nasa 29 °C.[11] Mababa lang taunang pag-ulan.[11]

Politika

baguhin

Isang ganap na monarkiya ang Saudi Arabia,[12] subalit, ayon sa Pangunahing Batas ng Saudi Arabia na pinagtibay ng kautusan ng hari noong 1992, dapat sumunod ang hari sa Sharia (ang batas ng Islam), at sa Qur'an. Inihayag na ang Quran at ang Sunna (mga tradisyon ni Muhammad) ang magiging saligang batasm subalit walang nakasulat na makabagong saligang batas na isinulat sa Saudi Arabia, at nanatili ang Saudi Arabia na bansa sa mga Bansang Arabo na walang halalang nagaganap, simula maitatag ito.[13] Walang mga partidong pampolitika o pambansang halalan ang pinapahintulutan[12] at ayon sa 2010 Demomcracy Index ng The Economist, ika-pito sa pinaka-awtoritaryang rehimen ang pamahalaang Saudi mula sa 167 bansang inuri.[14]

Noong 25 Setyembre 2011, Inihayag ni Haring Abdullah ng Saudi Arabia na magkakaroon ang mga kababaihan ng karapatan upang humalal sa susunod na halalang lokal at sumali sa lupon ng mga tagayong ng Shura bilang isang ganap na kasapi at maaaring tumakbo bilang kandidato sa mga eleksiyong munisipal, ngunit hindi nabanggit ng Hari kung papayagan nito na magmaneho ng mga sasakyan at mabuhay ng normal na walang bantay na lalaki.[15]

Monarkiya at ang pamilya ng Hari

baguhin

Magkakasamang tungkulin ng hari ang tagapagbatas, tagapagpaganap at tagapaghukom.[10] at ang mga kautusan ng hari ang bumubuo sa batayan mga batas ng bansa.[16] Ginagampanan din ng hari ang katungkulang ng punong ministro, ang nangunguna sa mga Konseho ng mga Ministro (Majlis al-Wuzarāʾ) na binubuo ng pangunahin at pangalawang mga kinatawan.

Pinangungunahan ng pamilya ng hari ang sistemang pampolitika ng bansa. Ang malaking bilang ng pamilya ang nagbibigay daan upang makontrol ang karamihan sa mahahalagang posisyong sa Kaharian at upang mapabilang sila sa lahat ng antas ng pamahalaan[17] Tinatayang nasa 7,000 pataas ang bilang ng mga prinsipe, at karamihan sa kapangyarihan at impluwensiya ayhawak ng 200 o higit pang mga inanak na lalaki ng Haring Abdul Aziz.[18] Ang mga pangunahing mga ministro ay karaniwang nakalaan lamang sa pamiya ng hari,[12] pati rin ang labintatlong rehiyunal na pagkagubernador[19]

Pagkakahating Administratibo

baguhin

Nahahati ang Saudi Arabia sa 13 mga lalawigan[20] (manatiq idāriyya, – singular mintaqah idariyya). Nahahati pa ang mga lalawigan sa mga gubernorato (Arabe: muhafazat, محافظات, muhafaza), na may kabuuang bilang na 118 in total. Kabilang sa bilang na ito ang mga kabisera ng mga lalawigan, na may ibang estado bilang munisipalidad (amanah) na pinamumunuan ng punong bayan (amin). Nahahati pa ang mga gubernnorato sa mas maliit na gubernorato (marakiz/markaz).

Lalawigan Kabisera
 
Mga Lalawigan ng Saudi Arabia
Al Bahah (o Baha) Al Bahah
Hilagang Hangganan Arar
Al Jawf (o Jouf) Lungsod ng Sakaka
Al Madinah Medina
Al Qasim Buraidah
Ha'il Lungsod ng Ha'il
Asir Abha
Silangang Lalawigan Dammam
Al Riyadh Lungsod ng Riyadh
Tabuk Lungsod ng Tabuk
Najran Lungsod ng Najran
Makkah Mecca
Jizan Lungsod ng Jizan

Mga sanggunian

baguhin
  1. About Saufdi Arabia: Facts and figures Naka-arkibo 2019-01-06 sa Wayback Machine., The Royal Embassy of Saudi Arabia, Washington D.C.
  2. Politics of Saudi Arabia - Wikipedia, the free encyclopedia
  3. "CIA - The World Factbook - Saudi Arabia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-01-06. Nakuha noong 2010-04-11.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "Saudi Arabia". International Monetary Fund. Nakuha noong 2009-10-01.
  5. "Human Development Report 2009: Saudi Arabia". The United Nations. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-11. Nakuha noong 2009-10-18.
  6. "Saudi Arabia". CIA World Factbook. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Enero 2019. Nakuha noong 16 Enero 2011.
  7. "The Kingdom Of Saudi Arabia – A Welfare State". Royal Embassy of Saudi Arabia, London. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2011. Nakuha noong 1 Mayo 2010.
  8. "Background Note: Saudi Arabia". U.S. State Dept. Nakuha noong 28 Abril 2011.
  9. 9.0 9.1 Stokes, Jamie (2009). Encyclopedia of the Peoples of Africa and the Middle East, Volume 1. p. 605. ISBN 9780816071586.
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 10.5 "Encyclopaedia Britannica Online: Saudi Arabia (Government and Society)". Britannica.com. Nakuha noong 2011-04-28.
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 11.4 "Saudi Arabia". Weather Online. Nakuha noong 30 Hulyo 2011.
  12. 12.0 12.1 12.2 Cavendish, Marshall (2007). World and Its Peoples: the Arabian Peninsula. p. 78. ISBN 9780761475712.
  13. Robbers, Gerhard (2007). Encyclopedia of world constitutions, Volume 1. p. 791. ISBN 0816060789.
  14. The Economist Intelligence Unit. "The Economist Democracy Index 2010" (PDF). The Economist. Nakuha noong 6 Hunyo 2011.
  15. "Saudi Arabia gives women right to vote". 25 Setyembre 2011.
  16. Campbell, Christian (2007). Legal Aspects of Doing Business in the Middle East. p. 265. ISBN 9781430319146. Nakuha noong 7 Hunyo 2011.
  17. Library of Congress, Federal Research Division (2006). "Country Profile: Saudi Arabia" (PDF). Nakuha noong 20 Hunyo 2011.
  18. "The House of Saud: rulers of modern Saudi Arabia". Financial Times. 30 Setyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-06. Nakuha noong 20 Hunyo 2011.
  19. Bowen, Wayne H. (2007). The history of Saudi Arabia. p. 15. ISBN 9780313340123.
  20. "Saudi Arabia: Administrative divisions". arab.net. Nakuha noong 2008-09-21.