Pulo ng Babuyan
Ang Pulo ng Babuyan (tinatawag minsan bilang Babuyan Claro) ay ang pinakamataas at pinakahilagang pulo sa Kapuluang Babuyan sa Kipot ng Luzon sa hilaga ng Pulo ng Luzon sa Pilipinas at diretsong timog din ng Taiwan sa pamamagitan ng Bambang ng Bashi tungo sa Kipot ng Luzon. Binubuo ng buong pulo ang barangay ng Babuyan Claro, na kabilang sa bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan. May populasyon ang mabulkan na pulo na 1,910 ayon sa senso ng 2020, na tumaas mula 1,423 noong 2010.[3]
Heograpiya | |
---|---|
Mga koordinado | 19°31′20″N 121°57′13″E / 19.52222°N 121.95361°E |
Arkipelago | Kapuluang Babuyan |
Katabing anyong tubig | |
Sukat | 100 km2 (40 mi kuw)[1] |
Haba | 8 mi (13 km) |
Lapad | 6 mi (10 km) |
Pinakamataas na elebasyon | 1,064 m (3,491 tal)[2] |
Pinakamataas na punto | Babuyan Claro |
Pamamahala | |
Rehiyon | Lambak ng Cagayan |
Lalawigan | Cagayan |
Bayan | Calayan |
Barangay | Babuyan Claro |
Demograpiya | |
Populasyon | 1,910 (2020) |
Densidad ng pop. | 19.1 /km2 (49.5 /mi kuw) |
Kasaysayan
baguhinInuuri minsan ang wika ng Pulo ng Babuyan bilang diyalekto ng Ibatan. Tinanggal ang panirahan ng Babuyan ng mga Kastila at muli lamang nagkaroon ng populasyon noong katapusan ng ika-19 na dantaon na may mga pamilya mula sa Pulo ng Batan, na karamihan sa kanila ay tagapagsalita ng isa sa mga diyalekto ng Ibatan.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Genevieve Broad; Carl Oliveros. "Biodiversity and conservation priority setting in the Babuyan Islands, Philippines" (PDF). The Technical Journal of Philippine Ecosystems and Natural Resources (sa wikang Ingles). 15 (1–2): 1–30. Nakuha noong 18 Abril 2018.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Babuyan Claro". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution. Nakuha noong 2013-04-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles) - ↑ "Municipality/City: CALAYAN". Philippine Standard Geographic Code (PSGC) Interactive (sa wikang Ingles). Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-01-05. Nakuha noong 2013-04-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ross, Malcolm (2005). "The Batanic Languages in Relation to the Early History of the Malayo-Polynesian Subgroup of Austronesian" (PDF). Journal of Austronesian Studies (sa wikang Ingles). 1 (2). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-03-22. Nakuha noong 2012-10-15.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)