Bangko Nasyonal ng Pilipinas

Ang Bangko Nasyonal ng Pilipinas (Ingles: Philippine National Bank, dinadaglat bilang PNB)[2] ay isang bangkong panlahatan (universal bank) na nakabase sa Pilipinas. Ito ay na nagbibigay ng saklaw ng pagbabangko at serbisyong pananalapi sa mga korporasyon (corporate), sentrong pamilihan, mga maliliit na negosyo (small-medium enterprises) at mamimiling pantingi, kabilang ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat (overseas Filipino workers), na kasing antas din sa pambansang pamahalaan, mga ahensiya ng pambansang pamahalaan, mga lokal na pamahalaan (local government units) at mga korporasyong may-ari ng pamahalaan sa Pilipinas.

Bangko Nasyonal ng Pilipinas
Philippine National Bank
UriPubliko (PSEPNB)
IndustriyaPananalapi at Seguro
ItinatagMaynila, Pilipinas (22 Hulyo 1916)
Punong-tanggapanLungsod ng Pasay, Pilipinas
Pangunahing tauhan
Edgar Cua, Tagapangulo
Florido P. Casuela, Pangulo at Punong Opisyal sa Tagapagpaganap
ProduktoSerbisyong pananalapi
Kita sa operasyon
PHP 14.5 bilyon ( 9.06%) (2007)[1]
PHP 1.5 bilyon (82.73%) (2007)[1]
Kabuuang pag-aariPHP 240 bilyon (1.55%) (2007)[1]
Kabuuang equityPHP 26.5 bilyon (15.53%) (2007)[1]
Dami ng empleyado
8,550
Websitewww.pnb.com.ph
Sentrong Pananalapi ng PNB, ang himpilan ng PNB.

Ang mga pangunahing gawain sa pagbabangkong pangkalakal ng kompanya ay sumasaklaw sa pagtanggap ng lagak o deposito, pautang, kalakalang pampananalapi, pag-aawas sa mga tala ng mga bilihin, serbisyong paglilipat/pagpapadala ng mga salaping pondo, mga operasyong pang-ingatang yaman, at serbisyong pagbabangkong sa tiwala sa pagbabayad ng utang at pantingi. Ang mga gawaing pagbabangko ng PNB ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga sektor pangnegosyo sa loob ng Bangko, kabilang ang pangkat ng pagbabangkong pantingi (Retail Banking Group), pangkat ng pagbabangkong sabansaan at nagpapadala ng mga salapi na nasa ibayong-dagat (Global Filipino Banking Group), pangkat na pangnegosyong pangkaunlaran (Institutional Banking Group), pangkat ng pananalapi para sa mga mamimili (Consumer Finance Group), pangkat na pang-ingatang-yaman (Treasury group), pangkat ng pagbabangko ng mga tiwala sa pagbabayad ng utang (Trust Banking Group), pangkat ng mga tagapamahalang pangremedyo at pagpapautang (Remedial and Credit Management Group) at pangkat ng mga tagapamahala sa pangangari (Special Assets Management Group).

Sa kasalukuyan, ang PNB ay may mahigit na 100 sangay sa dako ng Asya, Europa, Gitnang Silangan at Hilagang Amerika.

Kasaysayan

baguhin
 
Mga dating salaping papel ng Bangko Nasyonal ng Pilipinas

Ang Philippine National Bank ay itinatag bilang bangkong institusyon na pinag-aari ng pamahalaan noong 22 Hulyo 1916. Ang kanyang pangunahing utos ay magkaloob ng serbisyong pananalapi sa industriya at pagsasaka ng Pilipinas at lingapin ang punyaging pangkaunlaran sa ekonomiya ng pamahalaan. Ang Unang Digmaang Pandaigdig, na lumaganap nang walang puknat sa Europa, ay naglikha ng malaking pangangailangan ukol sa mga pangunahing luwas ng bansa: asukal, kopra, langis ng niyog, abaka at tabako. Gayumpaman, nagampanan ito nang di-gaano upang mapaunlad ang mga industriya na gumagawa ng bagong ani mula't sapul na ang pagdaan sa mga kagaanan sa pautang ay may kasagaran. Upang malutas ang problemang ito, nagbalangkas si Henderson Martin, pangalawang gobernador ng Pilipinas, kasama si Miguel Cuaderno (na naging tagapangasiwa ng Bangko Sentral) ng karta para sa pambansang bangko.[3]

Noong 4 Pebrero 1916, ipinasa ang Batas Blg. 2612 ng Asamblea Pilipina na ipinagkaloob ukol sa pagkatatag ng PNB upang ihalili ang maliit na P1 angaw na pag-aari ng Bangkong Pansakahan na pag-aari ng pamahalaan. Ang unang tanggapan ng PNB ay nasa Templong Masoniko sa Kalye Escolta, Maynila, ang dating "Wall Street ng Pilipinas" sa loob ng umuunlad na distrito ng Santa Cruz sa Maynila. Ang unang pangulo ay si Henry Parker Willis, isang Amerikano. Nang itinatag ang PNB, nagkaroon ng mga Pilipino ang sariling bangko. Ang PNB ay nagsagawa na may kapangyarihan na magkaloob ng pansandalian at pangmatagalang pautang sa pagsasaka at industriya. Ang mga magsasakang Pilipino ay nakinabang sa mga pautang na may pataw sa pagitan ng 8% at 10% bawat taon. Ang PBP ay nagsasagawa rin sa pagtanggap ng mga deposito, pagbubukas ng mga pautang na panlabas at muling pagdiskuwento ng mga babayaran.

Noong 24 Hulyo 1916, itinatag ng PNB ang unang sangay sa Iloilo. Noong 1917, nagbukas ng PNB ang unang sangay na nasa labas ng Pilipinas sa Bagong York. Sumunod na taon, nagtayo muli ng limang pantahanang sangay at isa pa sa labas ng Pilipinas sa Shanghai, Tsina.

Bilang de facto na bangko sentral at pambansang ingatang-yaman

baguhin
 
Ang gusaling tanggapan ng PNB sa Lungsod ng Bakolod.

Ang PNB ay gumanap din bilang de facto na bangko sentral ng Pilipinas hanggang 1949. Nabigyan ng tanging kapangyarihan na magpalabas ng mga salaping papel. Naglikat ng mga operasyon ang PNB noong Enero 1942 subali't binuksan muli sumunod ng buwan sa ilalim ng pamamahala ng mga makapangyarihang Hapones. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling binuksan agad ang PNB at nakuha ang mga yaman at naghinuha ang mga utang ng dibisyon ng pagbabangko ng Pambansang Ingatang-yaman. Kasabay ang pagkatatag ng Bangko Sentral noong 1949, ang tungkulin ng PNB bilang tagapaglabas ng mga salaping-papel, tagapangalaga ng mga pasubali ng bangko, tanging pintungan ng mga pondo ng pamahalaan, tagapaglinaw sa pangasiwaan ng sistema ng pagbabangko ay naglikat.

Kauna-unahang nakalinyang (online) Sistemang Elektroniko sa Pagpoproseso ng mga Datos

baguhin

Noong 1955, ang PNB ay nabigyan ng kapangyarihan na mangasiwa bilang bangkong pamumuhunan na may mga kapangyarihan sa mga sariling sapi at magpalabas ng mga katibayan ng pagkakautang. Noong 1963, itinatag ng bangko ang Pambansang Korporasyong sa Pamumuhunan at Kaunlaran upang mangako nang nakalalamang na mangyari sa pangmatagalan at pampananalaping ekidad ng mga pangnegosyong pakasam.

Lumipat ang PNB sa bagong punong tanggapan sa may Escolta at nagbunsod ang kauna-unahang nakalinyang (online) Sistemang Elektroniko sa Pagpoproseso ng mga Datos sa Malayong Silangan. Sa pagitan ng 1967 at 1979, nagbukas ng PNB ang mga tanggapan sa Londres, Singapura, Jakarta, Honolulu at Amsterdam, at mga 14 na panlalawigang sangay. Nagpasimula rin siya ang Programa sa Pagpapadala ng Salaping Dolyar. Noong 1980, naging kauna-unahang panlahatang bangko sa bansa. Gayumpaman, nakaranas ng bangko ng mga kagipitan sa kalagitnaan ng dekada 80 bilang dulot ng pagpilay ng ekonomiya na nag-umpisa sa asasinasyon ni Senador Benigno Aquino, Jr. at noong 1986 nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Pagsasapribado ng PNB

baguhin

Nagsimula ang pagsasapribado noong 1989 nang inalok ang 30 porsiyento sa publiko at nakapagtala sa pamilihang sapi. Noong 1992, ang PBP ay naging unang Pilipinong bangko na nakaabot ng P100 gatos pagdating sa ari-arian. Sa sumunod na taon, ang pagsasapribado ay tuluy-tuloy na may ikalawang alok na pampubliko ng kanilang sapi. Noong 1995, lumipat muli ang PNB sa punong himpilan sa Sentrong Pananalapi ng PBP sa Bulebar Diosdado Macapagal, Lungsod Pasay. Noong 1996, inaprubahan ng Komisyon ng Paseguro at Palitan ang bagong Artikulo ng Ingkorporasyon ng Bangko at sa batas at ang pagpapalit ng katayuan ng PNB mula pampamahalaan sa korporasyong pansarili na may hawak ng pamahalaan na nabawasan sa 46 na bahagdan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "PNB Annual Report 2007" (PDF). Philippine National Bank. Nakuha noong 2008-09-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. Enaño, Ray S. (5 Abril 1990). "PNOC isasapribado". Diyaryo Filipino. Nova Communications, Inc. p. 5. Sinabi ni Estanislao na isasapribado ang PNOC nang katulad din sa Bangko Nasyonal ng Pilipinas (Philippine National Bank, PNB) nang ialok sa publiko ang 30 porsiyento ng mga sapi nito noong nagdaang Mayo. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. History of Philippine National Bank Naka-arkibo 2008-06-20 sa Wayback Machine.. Mula sa website ng Philippine National Bank.

Mga panlabas na kawing

baguhin