Baryang limang-piso ng Pilipinas
Ang baryang limang-piso ng Pilipinas (₱5) ay ang pangatlo sa pinakamataas na denominasyon ng mga barya ng piso ng Pilipinas.
Pilipinas | |
Halaga | 5.00 piso ng Pilipinas |
---|---|
Timbang | 7.4 g |
Diyametro | 25 mm |
Kapal | 2.20 mm |
Gilid | Makinis (bersyong orihinal: 2017-2019) Makinis/Hugis siyamnasulok: 2019-kasalukuyan) |
Komposisyon | Bakal na tubog sa nikel |
Taon ng paggawa | 1975–1982 1991–kasalukuyan |
Obverse | |
Disenyo | Mukha ni Andrés Bonifacio, pangalan ng republika, taon ng paggawa |
Petsa ng pagkadisenyo | 2019 |
Reverse | |
Disenyo | Tayabak at logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas |
Petsa ng pagkadisenyo | 2019 |
Sa kasalukuyan, nasa sirkulasyon ang tatlong bersyon ng baryang iyon:
- Seryeng BSP na ginawa noong taong 1995 hanggang taong 2017.
- Orihinal na barya sa Seryeng NGC na ginawa noong taong 2017 hanggang 2019; at
- Hugis siyamnasulok na barya sa Seryeng NGC na ginawa mula noong taong 2019.
Ang baryang nasa seryeng NGC (hugis bilog at siyamnasulok) ay mayroong diyametro na 25 mm (0.98 pul) at makikita sa harapan Andrés Bonifacio na kasapi ng himagsikang Pilipino. Makikita ang halamang Tayabak (isang halamang bino ng Pilipinas) sa likuran ng barya at ang logo ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Noong una ay ginawa ang baryang 5 piso na ginagawa rin ang salaping papel na limang-piso ng Pilipinas, na ginawa mula noong taong 1975 hanggang 1982 at noong taong 1991 hanggang 1996. Ngunit itinigil ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang paggawa ng salaping papel na 5-piso ng Pilipinas ay sa paggawa nito. Ang huling taon ng paggawa ng 5-pisong salaping papel ay noong 1996 (itinatak bilang 1995 ang huling taon ng paglilimbag nito).[1]
Kasaysayan
baguhinKalayaan
baguhinGinawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula taong 1975 hanggang 1982 ang paggawa ng baryang 5-piso noong seryeng Ang Bagong Lipunan na ipinagdiwang ang pagpapatupad ng Batas Militar ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Makikita sa harapan ang nakasulat na 'Ang Bagong Lipunan', taon ng paggawa, at nakaharap sa kaliwa ang mukha ni dating pangulong Ferdinand Marcos, na naging pangulo noong paggawa ng mga baryang iyon. Siya rin ang nag-apruba sa paglalagay ng kaniyang mukha. Makikita naman sa likuran ang denominasyon, ang pangalan ng republika, at ang opisyal nitong eskudo de armas. Bihira lamang makahanap ng salaping papel na iyon dahil sa malaki nitong sukat at dahil mayroong mga salaping papel na 2-piso at 5-piso.
Seryeng Flora at Fauna
baguhinMula noong taong 1991 hanggang 1994, inisyu sa sirkulasyon ang panibagong baryang limang piso. Ito ay itinampok ang sulat na 'Republika ng Pilipinas', at ang mukha ni Emilio Aguinaldo na isang Pilipinong manhihimagsik, pulitiko, at pinuno ng militar na nakilala bilang unang pangulo ng Pilipinas. Makikita naman sa likuran ang denominasyon at ang larawan ng halamang narra (Pterocarpus indicus) na isang pambansang puno ng Pilipinas.
Seryeng barya ng BSP
baguhinInisyu noong 1995. Makikita sa harapan ang denominasyon, pangalan ng republika, at ang mukha ni Aguinaldo; at sa likuran ay makikita ang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Naging makinis ang gilid ang baryang iyon.
Seryeng Bagong Salinlahing Pananalapi
baguhinInisyu noong ika-30 ng Nobyembre 2017, na ipinagdiwang ang ika-120 anibersaryo ng pagkamatay at ika-154 na kaarawan ni Andrés Bonifacio, na magiging barya sa kasalukuyan nitong serye. Idinagdag ang panibagong tampok upang maiwasan ang pamemeke. Makikita sa harapan ang pangalan ng republika at mukha ni Andres Bonifacio, samantalang ang tayabak naman sa likuran.[2] Nagtitimbang ng 7.4 gram (0.26 oz) sang bawat barya nito, mayroong diyametro na 25 millimetro (0.98 pul), at makinis ang gilid nito. Ang disenyo ng baryang iyon ay pinuna dahil sa pagkakahalintulad sa baryang 1 piso, na magkapareho ng kulay, hugis-bilog, at malapit ang laki nito.[3] Ngunit, nagpapuri ang BSP sapagkat nilagay si Andrés Bonifacio sa halip na si Emilio Aguinaldo, na naghain ng panukalang pagpatay kay Bonifacio sa gitna ng himagsikang Pilipino.[4]
Noong Setyembre 2019, inanunsyo ng kasaluikuyang tagapangasiwa ng BSP na si Benjamin Diokno na dahil sa pagkalito sa pagitan ng mga baryang ₱5 at ₱1, ilalabas noong Disyembre 2019 ang panibagong baryang limang piso. Una itong sinabi na ang hugis ay bulaklakin[5] ngunit noong inulat muli noong ika-29 ng Nobyembre 2019, naging siyamnasulok ang inanunsyong hugis nito na mayroong parang hugis-bulaklak sa gilid ng barya nito.[6]
Seryeng Ang Bagong Lipunan (1975–1982) |
Seryeng Flora and Fauna (1991–1994) |
Seryeng barya ng BSP (1995–2017) |
Seryeng Bagong Salinlahing Pananalapi (2017–kasalukuyan) | |
---|---|---|---|---|
Harapan | ||||
Likuran |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Philippine Money and Currency - PESO Bills and Coins" (sa wikang Ingles). Philippinecountry.com.
- ↑ "LOOK: BSP unveils updated 5-peso coins" (sa wikang Ingles). CNN Philippines. 29 Nobyembre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-16. Nakuha noong 30 Nobyembre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cabico, Gaea Katreena (28 Disyembre 2017). "BSP: New ₱5 coin designed by 'two expert committees'". The Philippine Star. Nakuha noong 28 Disyembre 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://www.wheninmanila.com/andres-bonifacio-replaces-emilio-aguinaldo-in-new-5-peso-coin-design/
- ↑ Lucas, Daxim L. (15 Oktubre 2019). "BSP to launch in December new P20 coin to replace banknote". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Oktubre 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Yang, Angelica Y. (29 Nobyembre 2019). "BSP releases new design for 5-peso coin, introduces 20-peso coin". GMA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Oktubre 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)