Baryang sampung-piso ng Pilipinas

pangalawang pinakamataas na denominasyon ng piso ng Pilipinas

Ang baryang sampung-piso ng Pilipinas (₱10) ay ang pangawalang pinakamataas na denominasyon ng piso ng Pilipinas. Dalawang uri ng baryang sampung-piso na nasa sirkulasyon sa kasalukuyan; ang baryang bimetal na unang ginawa noong taong 2000, na mayroong dalawang mukhang sina Andrés Bonifacio at Apolinario Mabini sa harapan, at sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ginamit mula noong 1993 hanggang 2017 sa likuran. Ang kasalukuyang bersyong unang ginawa mula noong 2018, na mayroong iisang mukha ni Apolinario Mabini sa harapan, at makikita sa likuran ang kapa-kapa at ang kasalukuyang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Noong una, ginawa ang baryang 10-piso na isinabay sa salaping papel na sampung-piso ng Pilipinas na ginawa mula noong 2000 hanggang 2002. Subalit, itinigil na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang paggawa ng salaping papel na sampung piso noong 2002 (na ang huling paggawa ng salaping papel na iyon ay mayroong tatak na taong 2001).

Sampung piso
Pilipinas
Halaga10.00 piso ng Pilipinas
Timbang8.0 g
Diyametro27 mm
Kapal2.05 mm
GilidMayroong bahaging makinis at mala-tinubuan ng tambo (bersyong bimetal)
Mala-tinubuan ng tambo na mayroong nakasulat na "BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS"
KomposisyonBimetal (tanso-nikel sa argola at aluminyo-bronse sa gitna) (2000–2017)
Bakal na tubog sa nikel (2018–kasalukuyan)
Taon ng paggawa2000–kasalukuyan
Obverse
Disenyo"Republika ng Pilipinas", mukha ni Apolinario Mabini; halaga; maliit na imprenta ng "Republika ng Pilipinas"; taon ng paggawa; marka ng paggawa
Petsa ng pagkadisenyo2017
Reverse
DisenyoMedinilla magnifica (Kapa-kapa); sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas; maliit na imprenta ng "Bangko Sentral ng Pilipinas"; maliliit na tuldok
Petsa ng pagkadisenyo2017

Disenyo

baguhin

Gawa sa bakal na tubog sa nikel ang kasalukuyang baryang nasa sirkulasyon. Mayroon itong diyametro na 27 milimetro, at mayroong bigat na 8.0 gramo. Mala-tinubuan ng tambo na mayroong sulat ang gilid ng baryang iyon. Makikita sa harapan si Mabini, na hindi tulad noong nandoon pa si Bonifacio na kasama si Mabini sa seryeng barya ng BSP.

Kasaysayan

baguhin

Kalayaan

baguhin

Seryeng barya ng BSP

baguhin

Ipinakilala noong ika-10 ng Hulyo 2001 ang 10-pisong barya ukol sa pangkalahatang sirkulasyon para sa ika-8 anibersayo ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Makikita sa harapan ang magkatambalang mukha nina Andrés Bonifacio at Apolinario Mabini. Makikita naman sa likuran ang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ginamit din sa ibang denominasyon sa seryeng BSP. Ito ay isang karagdagang denominasyon ng barya sa kasalukuyang sirkulasyon at ang pagpapalit nito sa salaping papel na 10-piso noong serye ng Bagong Disenyo/BSP.[1]

Seryeng Bagong Salinlahing Pananalapi

baguhin

Inisyu noong taong 2018. Makikita si Apolinario Mabini sa harapan ng barya, samantala ang halamang kapa-kapa at sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay makikita sa likuran nito.

Seryeng Barya ng BSP
(2000–2017)
Seryeng Bagong Salinlahing Pananalapi
(2018–kasalukuyan)
Harapan
 
 
Likuran
 
 

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Bangko Sentral ng Pilipinas - BSP Notes and Coins - Coins in Circulation". www.bsp.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Hulyo 2021. Nakuha noong 25 Oktubre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)