Basta Pinoy
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Basta Pinoy ay Pelikulang Tagalog na ginawa ng Premiere Productions noong ika 2 ng Agosto. Sa Pelikulang ito ay ipinapakita ang kaugaliang Pilipino na minsan may drama sa buhay minsan ay may katuwaan at kasayahan. Sa pelikulang ito ay pinagbidahan ng magaling na aktor na si Efren Reyes katambal si Lani Oteyza. Kasama rin dito ang pareha ng dalawang mag-asawa sa totoong buhay man o sa pelikula ay sina Zaldy Zshronack at Shirley Gorospe.
Kabituin din nila ang Elvis Presley ng Pilipinas na si Eddie Mesa, Ruben Rustia, ang komedyanteng si Teroy de Guzman, ang Prewar Actress na si Mary Walter, ang character aktor na si Jose Garcia, ang magaling na Supporting Actor ng Premiere na si Paquito Salcedo at ang baguhang si Boy Soriano.
Ito ay sa ilalim ng pagdidirihe ni Efren Reyes kug saan siya rin ang gumawa ng itorya ng nasabing pelikula, Potograpiya ni Felipe Sacdalan, Senaryo mula rin kay Efren Reyes katulong ang aktor na si Ruben Rustia at Musika] ni Tony Maiquez. Ito ay ipinalabas nonng ika 2 ng Agosto, 1960 sa sinehang Life Theater.