Si Black Lightning (Jefferson Pierce) ay isang superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Unang lumabas ang karakter, na nilikha ng manunulat na si Tony Isabella at tagaguhit na si Trevor Von Eeden, sa Black Lightning #1 (Abril 1977), noong Panahong Tanso ng Komiks.[1] Muling kinokenta ang istorya ng kanyang pinagmulan ng ilang beses, sinasabi sa kanyang kasalukuyang istorya ng pinagmulam na ipinanganak siya sa DC Universe bilang isang metahuman, isang indibiduwal na may higit-sa-taong kakayahan. Si Black Lightning ay ang unang Aprikano-Amerikanong superhero ng DC na nagkaroon ng sarili niyang serye.[2]

Black Lightning
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasBlack Lightning #1 (Abril 1977)
TagapaglikhaTony Isabella
Trevor Von Eeden
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanJefferson "Jeff" Pierce
EspesyeMetahuman
Kasaping pangkatOutsiders
Justice League
Kakayahan
  • Electrokinesis
  • Pagsipsip ng lakas
  • Paggawa ng puwersang pang-sanggalang o force field
  • Eksperto sa sining pandigma
  • Olimpikong-antas na atleta
  • Rurok na kondisyong pisikal
  • Higit-sa-taong tibay

Unang sinalarawan si Black Lightning bilang guro sa paaralan sa mataas na krimeng Suicide Slum na lugar ng Metropolis na nakuha ang kapangyarihang elektrikal mula sa masulong na teknolohiyang sinturon na sinusuot niya upang gamitn sa pagpuksa ng krimen sa kanyang lugar. Sa paglipas ng panahon, naitatag ni Pierce ang sarili bilang isang matagumpay na superhero sa DC Universe, at sinalarawan siya ng kalaunang istorya na nakuha ang kapangyarihan ng sinturon bilang isang resulta ng kanyang nakatagong metagene. Sa kalaunang muling pagsasalaysay ng pinagmulan ni Black Lightning, pinapayak ang kanyang istorya at sinalarawan siya bilang isang metahuman na may likas na kakayahang manipulahin at gumawa ng elektrisidad.

Si Tony Isabella, isang may karanasang manunulat na ginawa ang karakter na Luke Cage sa Marvel Comics, ay nagtrabaho upang gawin ang unang bidang itim na karakter ng DC. Binato niya ang ideya para sa Black Lightning at ginawa ito sa 11 isyu lamang na nalathala sa unang serye dahil sa DC Implosion noong 1978. Bagaman, nagpatuloy ang karakter na lumabas sa ibang titulo sa paglipas ng panahon, kabilang ang isang linya ng istorya sa Justice League of America kung saan inalok si Pierce ng posisyon sa grupo ngunit tinanggihan niya. Naging kontrobersyal ang mga elemento ni Black Lightning nang unang lumabas ang karakter. Noong unang mga panahon ng karakter, sinalarawan si Black Lightning na may isang pinagsamang Afro na peluka/maskara at may nakakapektong pinagrabeng istilong bernakulong Harlem bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na itago ang kanyang identidad bilang isang mataas na pinag-aralang propesyunal ng paaralan na si Jefferson Pierce. Sa kalaunan, isa si Black Lightning sa nagtatag ng pangkat ng mga superhero na Outsiders na pinamunuan ni Batman.

Noong dekada 2000, ipinakilala ng DC Comics ang mga anak na babae ni Black Lightning na namana ang kanyang kapangyarihan. Ang kanyang panganay na anak, si Anissa, na kilala bilang Thunder, ay may kakayahang baguhin ang kanyang densidad, na ginagawa siyang halos di malipol at may kakayahan din siyang gumawa ng mga shockwave sa pagdabog sa lupa. Ang bunsong anak ni Pierce, si Jennifer, na kilala din bilang ang superhero na si Lightning, ay may kapangyarihan na halos katulad sa kanyang ama bagaman wala pa siyang karanasan at hindi pa niya lubos na makontrol ito.

Naka-ranggo si Black Lightning sa ika-86 sa tala ng IGN na "Pinakamataas na 100 Bayani ng Komiks" noong 2011.[3]

Kasama ng kanyang presensya sa komiks, lumabas ang karakter sa iba't ibang seryeng animasyon ng DC, larong bidyo, at istrip ng komiks. Unang lumabas bilang isang totoong-tao (o sa live-action) sa eponimong serye sa The CW, at si Cress Williams ang gumanap na Black Lightning. Lumabas din ang karakter sa kaganpang crossover na "Crisis on Infinite Earths" kasama ang ibang serye ng Arrowverse.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "DC, Tony Isabella Reach Agreement on Black Lightning". Comic Book Resources (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 19, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Tandaan na ang opisyal na kredito ay nababasa bilang Isabella "WITH" Von Eeden at hindi "AND".
  2. Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Manning, Matthew K.; McAvennie, Michael; Wallace, Daniel (2019). DC Comics Year By Year: A Visual Chronicle (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 165. ISBN 978-1-4654-8578-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Black Lightning is number 85". IGN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 5, 2011. Nakuha noong Mayo 9, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)