Borgo San Dalmazzo
Ang Borgo San Dalmazzo (Occitan: Lo Borg Sant Dalmatz) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Cuneo, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya, na matatagpuan mga 80 kilometro (50 mi) sa timog ng Turin at mga 8 kilometro (5 mi) timog-kanluran ng Cuneo.
Borgo San Dalmazzo | |
---|---|
Città di Borgo San Dalmazzo | |
Mga koordinado: 44°20′N 7°29′E / 44.333°N 7.483°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Piamonte |
Lalawigan | Cuneo (CN) |
Mga frazione | Beguda, Madonna Bruna, Sant'Antonio Aradolo |
Pamahalaan | |
• Mayor | Gianpaolo Beretta (gitna-kaliwa) |
Lawak | |
• Kabuuan | 22.34 km2 (8.63 milya kuwadrado) |
Taas | 636 m (2,087 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 12,492 |
• Kapal | 560/km2 (1,400/milya kuwadrado) |
Demonym | Borgarini |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 12011 |
Kodigo sa pagpihit | 0171 |
Santong Patron | San Dalmacio ng Pavia |
Saint day | Disyembre 5 |
Websayt | Opisyal na website |
Kinuha ng Borgo San Dalmazzo ang pangalan nito mula kay San Dalmacio ng Pavia.[4] Kasama sa mga tanawin ang simbahan ng parokya ng San Dalmazzo (ika-11 siglo).
Ang Borgo San Dalmazzo ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Boves, Cuneo, Gaiola, Moiola, Roccasparvera, Roccavione, Valdieri, at Vignolo.
Ang mga rehimeng Nazi at Republikang Sosyal ng Italya ay nagtatag at nagpatakbo ng kampong konsentrasyon ng Borgo San Dalmazzo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa Borgo, humigit-kumulang 375 Hudyong Italyano (mula sa Cuneo, Saluzzo, Mondovì, at iba pang kalapit na komunidad) at 349 na Hudyong bakwit mula sa ibang mga bansa ang ikinulong at kalaunan ay ipinatapon sa Auschwitz at iba pang mga kampo ng pagpuksa ng Nazi.
Kakambal na bayan — kinakapatid na lungsod
baguhinAng Borgo San Dalmazzo ay kakambal sa:
- Breil-sur-Roya, Pransiya
- La Vega, Republika Dominikano
- Valdeblore, Pransiya
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
- ↑ San Dalmazio (Dalmazzo) di Pavia