Kambriyano

(Idinirekta mula sa Cambriano)

Ang Kambriyano (Ingles:Cambrian) ay ang unang panahong heolohiko ng panahong Paleozoiko na tumagal mula 541 milyong taon ang nakalilipas hanggang 485.4 milyong taon ang nakalilipas milyong taon ang nakalilipas(million years ago o mya) (ICS, 2004[4]). Ito ay sinundan ng Ordoviciano. Ang mga subdibisyon nito at base ay medyo pabago bago. Ang yugtong ito ay inilatag ni Adam Sedgwick na nagpangalan nito sa Cambria na pangalang Latin ng Wales kung saan ang mga batong Cambrian sa Britanya ay pinakamahusay na nalantad.[5] Ang Cambrian ay walang katulad sa hindi karaniwang mataas na proporsiyon nito ng lagerstätten. Ito ang mga lugar ng hindi ordinaryong pag-iingat kung saan ang mga bahaging malambot ng mga organismo ay naingatan rin gayundin ang mga mas resistante nitong mga shell. Ito ay nangangahulugang ang ating pagkaunawa ng biolohiyang Cambrian ay lumalagpas sa mga kalaunang panahon.[6] Ang panahong Cambrian ay minarkahan ng isang malalim na pagbabago sa buhay sa mundo. Bago ang panahong Cambrian, ang mga buhay na organismo sa kabuuan ay maliit, uniselular (isang selula) at simple. Ang mga komplikadong mga organismong multiselular (maraming selula) ay unti unting naging mas karaniwan sa mga milyong taon na agarang naunang panahon sa Cambrian at hanggang sa panahong Cambrian lamang nang ang mga mineralisado at kaya ang handang ma-fossilisang mga organismo ay naging karaniwan.[7] Ang mabilis na pagdami ng mga anyo ng buhay sa panahong Cambrian at tinatawag na pagsabog na Cambrian na lumikha ng mga unang representatibo ng maraming mga modernong phyla na kumakatawan sa mga tangkay ng mga modernong pangkat ng mga espesyeng gaya ng mga arthropod. Bagaman ang iba ibang mga anyo ng buhay ay yumabong sa mga karagatan, ang lupain ay maihahambing na tigang at hindi mas komplikado kesa sa isang mikrobyal na patong ng lupa [8] at ilang mga anyo ng buhay na maliwanag na lumitaw upang manginain sa mga materyal na mikrobyal.[9][10] Ang karamihan sa mga kontinente ay malamang tuyo sanhi ng kawalan ng mga halaman. Iginilid ng mga mababaw na dagat ang mga hangganan ng ilang mga kontinente na nalikha sa paghahati ng superkontinenteng Pannotia. Ang mga dagat ay relatibong mainit at ang yelong polar(polar ice) ay hindi umiral sa karamihan ng panahong ito. Ang Estados Unidos ay gumagamit ng may barang kapital na karakter na C upang ikatawan ang Panahong Cambrian.[11]

Kambriyano
538.8 ± 0.2 – 485.4 ± 1.9 milyong taon ang nakakalipas
Mapa ng mundo noong huling Kambriyano
Kronolohiya
Etimolohiya
PormalFormal
Impormasyon sa paggamit
Celestial bodyEarth
Paggamit panrehiyonGlobal (ICS)
Ginamit na iskala ng panahonICS Time Scale
Kahulugan
Yunit kronolohikalPeriod
Yunit stratigrapikoSystem
Unang minungkahiAdam Sedgwick, 1835
Pormal na time spanFormal
Kahulugan ng mababang hanggananAppearance of the Ichnofossil Treptichnus pedum
Lower boundary GSSPFortune Head section, Newfoundland, Canada
47°04′34″N 55°49′52″W / 47.0762°N 55.8310°W / 47.0762; -55.8310
GSSP ratified1992[1]
Upper boundary definitionFAD of the Conodont Iapetognathus fluctivagus.
Upper boundary GSSPGreenpoint section, Green Point, Newfoundland, Canada
49°40′58″N 57°57′55″W / 49.6829°N 57.9653°W / 49.6829; -57.9653
GSSP ratified2000[2]
Atmospheric at climatic data
Taas ng dagat kesa kasalukuyanRising steadily from 4m to 90m[3]

Stratigrapiya

baguhin

Sa kabila ng mahabang pagkilala ng distinksiyon nito mula sa mas batang mga batong Ordoviciano at mas matandang mga batong Prekambriyano, hanggang noong 1994 lamang nang ang panahong ito ay internasyonal na pinagtibay. Ang base ng Cambrian ay inilalarawan sa pagtitipong komplikado ng mga bakas na fosill na kilala bilang pagtitipong Treptichnus pedum.[12] Gayunpaman, ang paggamit ng Treptichnus pedum na isang reperensiya sa ichnofossil para sa mas mababang hangganan ng Cambrian para sa deteksiyong stratigrapiko ng hangganang ito ay palaging mapanganib dahil sa pag-iral ng parehong mga bakas na fossil na kabilang sa pangkat na Treptichnids na mababa sa T.pedum sa Namibia, Espanya, Newfoundland at posibleng sa Kanluraning Estados Unidos. Ang saklaw na stratigrapiko ng T.pedum ay sumasanib sa saklat ng mga fossil na Ediacaran sa Namibia at malamang sa Espanya.[13][14]

Mga subdibisyon

baguhin

Ang panahong Cambrian ay sumusunod sa Ediacaran at sinusundan ng panahong Ordoviciano. Ang Cambrian ay nahahati sa apat na mga epoch o serye at sampung mga edad o mga yugto. Sa kasalukuyan, ang tanging dalawang serye at apat na yugto ang pinangalanan at may isang GSSP. Dahil sa ang internasyonal na subdibisyong stratigrapiko ay hindi pa kompleto, maraming mga lokal na subdibisyon ay malawak pa ring ginagamit. Sa ilan sa mga subdibisyong ito, ang Cambrian ay nanahati sa tatlong mga epoch na may lokal na pagkakaiba sa mga pangalan: Maagang Cambrian(Caerfai o Waucaban), 541 milyong taon ang nakalilipas hanggang 509 milyong taon ang nakalilipas mya, Gitnang Cambrian (St Davids o Albertian, 509 milyong taon ang nakalilipas hanggang 497 milyong taon ang nakalilipas mya) at Furongian (497 milyong taon ang nakalilipas hanggang 485.4 milyong taon ang nakalilipas mya; na kilala rin bilang Huling Cambrian, Merioneth o Croixan). Ang mga bato sa mga epoch na ito ay tinutukoy na kabilang sa Mas Mababa, Gitna, o Mataas na Cambrian. Ang sonang Trilobite ay pumapayag sa korelasyong biostratigrapiko sa Cambrian. Ang bawat mga lokal na epoch ay nahahati sa ilang mga yugto. Ang Cambrian ay nahahati sa ilang mga pang rehiyong yugtong pang fauna kung saan ang sistemang Russian-Kazakhian system ang pinaka ginagamit sa parlanseng internasyonal:

Tsino Hilagang Amerikano Russian-Kazakhian Australiano Pang rehiyon
C
A
M
B
R
I
A
N
Furongian Ibexian (part) Ayusokkanian Datsonian Dolgellian (Trempealeauan, Fengshanian)
Payntonian
Sunwaptan Sakian Iverian Ffestiniogian (Franconian, Changshanian)
Steptoan Aksayan Idamean Maentwrogian
Marjuman Batyrbayan Mindyallan
Gitnang
Cambrian
Maozhangian Mayan Boomerangian
Zuzhuangian Delamaran Amgan Undillian
Zhungxian Florian
Templetonian
  Dyeran Ordian
Simulang
Cambrian
Longwangmioan Toyonian Lenian
Changlangpuan Montezuman Botomian
Qungzusian Atdabanian
Meishuchuan Tommotian
PREKAMBRIYANO Nemakit-Daldynian*

*In Russian tradition the lower boundary of the Cambrian is suggested to be defined at the base of the Tommotian Stage which is characterized by diversification and global distribution of organisms with mineral skeletons and the appearance of the first Archaeocyath bioherms.[15][16][17]

Pagpepetsa ng Cambrian

baguhin
 
Mga Archeocyathid mula sa pormasyong Poleta sa areang Death Valley.

Ang saklaw ng panahon para sa Cambrian ay klasikong inakala na mula 542 mya hanggang sa mga 488 mya. Ang mas mababang hangganan ng Cambrian ay tradisyonal na itinakda sa pinakamaagang paglitaw ng mga trilobite at gayundin ang mga hindi karaniwang anyo na kilala bilang archeocyathids na inakalang ang pinakamaagang mga sponge at gayundin ang unang tagatayong hindi mikrobyal na mga reef. Ang huli ng panahon ay kalaunang itinakda sa isang katamtamang depinidiong pagbabagong pang-fauna na ngayon ay tinutukoy bilang pangyayaring ekstinksiyon. Ang mga pagkakatuklas ng fossil at pagpepetsang radiometriko sa huling kwarter nang ika-20 siglo ay humahamon sa mga petsang ito. Ang mga inkonsistensiya sa petsa na kasing laki nang mga 20 milyong taon ay karaniwan sa pagitan ng mga may akda. Ang pagbabalangkas ng mga petsa na ca. 545 hanggang 490 mya ay iminungkahi ng International Subcommission on Global Stratigraphy na kamakailan lamang noong 2002. Ang petsang radiometriko mula sa New Brunswick ay naglalagay sa dulo ng Mas Mababang Cambrian sa mga 511 mya. Ito ay nag-iiwan ng 21 mya para sa iba pang serye/epoch ng Cambrian. Ang isang mas tumpak na petsa na 542 ± 0.3 mya para sa pangyayaring ekstinksiyon sa simula nang Cambrian ay kamakailang isinumite.[18] Ang rationale para sa tumpak(precise) na pagpepetsang ito ay interesante sa sarili nito bilang halimbawa ng pangangatwirang deduktibong paleolohikal. Sa eksaktong sa hangganang Cambrian ay mayroon markadong pagbagsak sa kasaganaan ng karbon-13 isang baligtad na spike na tinatawag ng mga paleontolohikong excursion. Ito ay labis na malawak na ito ang pinakamahusay na indikador ng posisyon ng hangganang Prekambriyano-Cambrian sa mga sekwensiyang stratigrapiko ng tinantiyang panahong ito. Ang isa sa mga lugar ng mahusay na napatunayang excursion ng karbon-13 ay nangyayari sa Oman. Inilarawan ni Amthor (2003) ang ebidensiya mula sa Oman na nagpapakitang ang excursion na karbon-isotopo ay nag-uugnay sa isang ekstinksiyong pang-masa. Ang paglaho ng mga nagtatanging mga fossil mula sa Precambrian ay eksaktong sumasabay sa anomalyang karbon-13. Sa kabutihang palad, ang sekwensiyang Oman, gayundin ang isang abong bolkanikong horison kung saan ang mga zircon ay nagbibigay ng isang labis na tumpak(precise) na edad na 542 ± 0.3 mya (na kinuwenta sa rate ng pagkabulok ng uranium sa lead). Ang bago at tumpak na petsang ito ay tumutugon sa mas hindi tumpak na mga petsa para sa anomalyang karbon-13 na hinango mula sa sekwnsiya sa Siberia at Namibia.

Paleoheograpiya

baguhin

Ang muling rekonstruksiyon ng plato(tectonic plates) ay nagmumungkahing ang isang pandaigdigang superkontinenteng Pannotia ay nasa proseso ng paghahati sa simula ng panahong ito [19][20] na ang Laurentia (Hilagang Amerika), Baltica, at Siberia ay humiwalay mula sa pangunahing superkontinenteng Gondwana upang bumuo ng mga hiwalay na masa ng lupain.[21] Ang karamihan sa lupaing kontinental ay nakumpol sa katimugang hemispero sa panahong ito ngunit unti unting lumilipat sa hilaga.[21] Ang malaki at mataas na belosida na galaw ng pag-iikot ay lumilitaw na nangyari sa Simulang Cambrian.[22] Sa kawalan ng yelo sa dagat, ang malalaking mga glasyer ng Marinoan na mundong bolang niyebe ay matagal nang natunaw[23] – ang lebel ng dagat ay mataas na tumungo sa malalaking sakop ng kontinente na mabaha sa isang mainit at kanais nais na mga mababaw na dagat para sa pagyabong ng buhay. Ang mga lebel ng dagat ay medyo nagbago na nagmumungkahing may mga panahon ng yelo na nauugnay sa mga pulso at paglawig at pagliit ng isang kap na yelo ng timog polo.[24]

Ang daigdig ay pangkalahatang malawig sa simulang Cambrian na malamang ay sanhi na ang mga sinaunang kontinente ng Gondwana na nagtatakip sa Timog Polo at pumuputol sa mga agos ng karagatang pang-polo. Ang mga ito ay malamang mga kap ng yelo at isang sunod sunod na pagkakaroon ng mga glasyer dahil ang planeta ay nagpapagaling pa rin sa mas naunang mundong bolang niyebe. Ito ay naging mas mainit tungo sa huli ng yugtong ito. Ang mga glasyer ay umurong at kalaunan ay naglaho at ang mga lebel ng dagat ay dramatikong tumaas. Ang kagawiang ito ay nagpatuloy tungo sa panahong Ordoviciano.

Bagaman mayroon iba ibang mga halamang pagdagat na makroskopiko, pangkalahatang tinatanggap na walang tunay na mga halamang lupa(mga embryophyte) sa panahong ito. Gayunpaman, ang mga biofilm at mga mat na mikrobyal ay naging mahusay na umunlad sa ilang mga dalampasigang Cambrian.[25]

Ang karamihan sa mga buhay ng hayop sa panahong Cambrian ay akwatiko(pang-dagat). Ang yugtong ay minarkahan ng isang matarik na pagbabago sa dibersidad at komposisyon ng biospero ng daigdig. Ang kasalukuyang biotang Ediacaran ay dumanas ng isang ekstinksiyong pang-masa sa base ng yugtong ito na tumutugon sa pagtaas ng pagiging sagana at kompleksidad ng pag-aasal na paglulungga. Ang pag-aasal na ito ay malalim at hindi mababaliktad na epekto sa substrato na nagbago sa mga ekosistema ng kama ng dagat. Bago ang Cambrian, ang sahig ng dagat ay natatakipan ng mga mat na mikrobyal. Sa huli ng yugtong ito, ang mga lumulunggang hayop ay wumasak sa mga mat sa pamamagitan ng bioturbasyon at unti unting ginawa ang mga kama ng dagat sa kung ano ngayon ang mga ito sa kasalukuyang panahon. Dahil dito, marami sa mga organismong nakasalalay sa mga mat ay nagkaroon ng ekstinksiyon samantalang ang ibang mga espesye ay umangkop sa pagbabago ng kapaligiran na nag-alok ngayon ng bagong mga niche na ekolohikal.[26] Sa mga parehong panahon, may tila mabilis na paglitaw ng mga representatibo ng lahat ng mga mineralisadong phyla.[27] Gayunpaman, ang marami sa mga phylang ito ay kumatawan lamang sa mga pangkat na tangkay-pangkat, at dahil ang mga mineralisadong phyla ay pangkalahatang may pinagmulang bentiko, ang mga ito ay hindi maaaring isang mabuting kahalili ng mas masaganang mga hindi mineralisadong phyla.[28] Ang ilang mga organismong Cambrian ay nakipagsapalaran sa lupain na lumilikha ng mga bakas na fossil na Protichnites at Climactichnites. Ang ebidensiya ng fossil ay nagmumungkahing ang mga euthycarcinoid na pangkat ng mga arthropoda na sumailalim sa ekstinksiyon ay kahit papaano lumikha ng ilang mgaProtichnites.[29][30] Ang mga fossil ng mga gumawa ng Climactichnites ay hindi natagpuan. Gayunpaman, ang mga trackway at mga nakahimlay na mga bakas ay nagmumungkahi ng isang malaking tulad ng slug na molluska.[31][32] Salungat sa mga kalaunang panahon, ang fauna ng Cambrian ay medyo nalilimitahan. Ang mga malayang lumulutang na mga organismo ay bihira na ang karamihan ng nabubuhay o malapit sa sahig ng dagat[33] at ang mga nagmimineralisang mga hayop ay mas bihira kesa sa mga panahong pang hinaharap na sa isang bahagi ay sanhi ng hindi kanais nais na kemika ng karagatan.[33] Ang karamihan ng mga karbonatang Cambrian ay binuo ng mga prosesong mikrobyal at hindi biolohikal.[33] Ang maraming mga paraan ng pag-iingat ay walang katulad(unique) sa Cambrian na nagresulta sa kasaganaan ng lagerstätte.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Brasier, Martin; Cowie, John; Taylor, Michael. "Decision on the Precambrian-Cambrian boundary stratotype" (PDF). Episodes. 17. Nakuha noong 6 Disyembre 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cooper, Roger; Nowlan, Godfrey; Williams, S. H. (Marso 2001). "Global Stratotype Section and Point for base of the Ordovician System" (PDF). Episodes. 24 (1): 19–28. doi:10.18814/epiiugs/2001/v24i1/005. Nakuha noong 6 Disyembre 2020.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Haq, B. U.; Schutter, SR (2008). "A Chronology of Paleozoic Sea-Level Changes". Science. 322 (5898): 64–8. Bibcode:2008Sci...322...64H. doi:10.1126/science.1161648. PMID 18832639. S2CID 206514545.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gradstein, Felix M.; Ogg, J. G.; Smith, A. G. (2004). A Geologic Time Scale 2004. Cambridge: Cambridge University Press. ISBN 0521786738.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sedgwick, A. (1852). "On the classification and nomenclature of the Lower Paleozoic rocks of England and Wales". Q. J. Geol. Soc. Land. 8: 136–138. doi:10.1144/GSL.JGS.1852.008.01-02.20.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Orr, Patrick J.; Benton, Michael J.; Briggs, Derek E.G. (2003). "Post-Cambrian closure of the deep-water slope-basin taphonomic window". Geology. 31 (9): 769. doi:10.1130/G19193.1. ISSN 0091-7613.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Butterfield, Nicholas J. (2007). "MACROEVOLUTION AND MACROECOLOGY THROUGH DEEP TIME". Palaeontology. 50 (1): 41–55. doi:10.1111/j.1475-4983.2006.00613.x. ISSN 0031-0239.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Schieber, 2007, pp. 53-71.
  9. Owen, 1852, pp. 214-225
  10. Getty & Hagadorn, 2010.
  11. Federal Geographic Data Committee, pat. (2006). FGDC Digital Cartographic Standard for Geologic Map Symbolization FGDC-STD-013-2006 (PDF). U.S. Geological Survey for the Federal Geographic Data Committee. p. A–32–1. Nakuha noong Agosto 23, 2010. {{cite book}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. A. Knoll, M. Walter, G. Narbonne, and N. Christie-Blick (2004) "The Ediacaran Period: A New Addition to the Geologic Time Scale." Submitted on Behalf of the Terminal Proterozoic Subcommission of the International Commission on Stratigraphy.
  13. M.A. Fedonkin, B.S. Sokolov, M.A. Semikhatov, N.M.Chumakov (2007). "Vendian versus Ediacaran: priorities, contents, prospectives. Naka-arkibo 2011-10-04 sa Wayback Machine." In: edited by M. A. Semikhatov "The Rise and Fall of the Vendian (Ediacaran) Biota. Origin of the Modern Biosphere. Transactions of the International Conference on the IGCP Project 493, August 20-31, 2007, Moscow. Naka-arkibo 2012-11-22 sa Wayback Machine." Moscow: GEOS.
  14. A. Ragozina, D. Dorjnamjaa, A. Krayushkin, E. Serezhnikova (2008). "Treptichnus pedum and the Vendian-Cambrian boundary Naka-arkibo 2011-10-04 sa Wayback Machine.". 33 Intern. Geol. Congr. August 6–14, 2008, Oslo, Norway. Abstracts. Section HPF 07 Rise and fall of the Ediacaran (Vendian) biota. P. 183.
  15. A.Yu. Rozanov, V.V. Khomentovsky, Yu.Ya. Shabanov, G.A. Karlova, A.I. Varlamov, V.A. Luchinina, T.V. Pegel’, Yu.E. Demidenko, P.Yu. Parkhaev, I.V. Korovnikov, N.A. Skorlotova (2008). "To the problem of stage subdivision of the Lower Cambrian". Stratigraphy and Geological Correlation. 16 (1): 1–19. Bibcode:2008SGC....16....1R. doi:10.1007/s11506-008-1001-3.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)[patay na link]
  16. B. S. Sokolov, M. A. Fedonkin (1984). "The Vendian as the Terminal System of the Precambrian" (PDF). Episodes. 7 (1): 12–19. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-03-25. Nakuha noong 2012-09-02.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. V. V. Khomentovskii and G. A. Karlova (2005). "The Tommotian Stage Base as the Cambrian Lower Boundary in Siberia". Stratigraphy and Geological Correlation. 13 (1): 21–34. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-14. Nakuha noong 2012-09-02.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Gradstein, F.M.; Ogg, J.G., Smith, A.G., others (2004). A Geologic Time Scale 2004. Cambridge University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  19. Powell, C.M.; Dalziel, I.W.D.; Li, Z.X.; McElhinny, M.W. (1995). "Did Pannotia, the latest Neoproterozoic southern supercontinent, really exist". EOS (Transactions, American Geophysical Union). 76: 46–72.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Scotese, C.R. (1998). "... supercontinents: The assembly of Rodinia, its break-up, and the formation of Pannotia during the Pan...". Journal of African Earth Sciences. 27 (1): 171.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. 21.0 21.1 McKERROW, W. S.; Scotese, C. R.; Brasier, M. D. (1992). "Early Cambrian continental reconstructions". Journal of the Geological Society. 149 (4): 599–606. doi:10.1144/gsjgs.149.4.0599. ISSN 0016-7649.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Mitchell, R. N.; Evans, D. A. D.; Kilian, T. M. (2010). "Rapid Early Cambrian rotation of Gondwana". Geology. 38 (8): 755–758. doi:10.1130/G30910.1. ISSN 0091-7613.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Smith, A.G. (in press (2008)). "Neoproterozoic time scales and stratigraphy". Geol. Soc. (Special publication). {{cite journal}}: Check date values in: |year= (tulong)
  24. Brett, Carlton E.; Allison, Peter A.; DeSantis, Michael K.; Liddell, W. David; Kramer, Anthony (2009). "Sequence stratigraphy, cyclic facies, and lagerstätten in the Middle Cambrian Wheeler and Marjum Formations, Great Basin, Utah". Palaeogeography, Palaeoclimatology, Palaeoecology. 277 (1–2): 9–33. doi:10.1016/j.palaeo.2009.02.010. ISSN 0031-0182.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Schieber et al., 2007, pp. 53-71.
  26. As the worms churn
  27. Landing, E.; English, A.; Keppie, J. D. (2010). "Cambrian origin of all skeletalized metazoan phyla--Discovery of Earth's oldest bryozoans (Upper Cambrian, southern Mexico)". Geology. 38 (6): 547–550. doi:10.1130/G30870.1. ISSN 0091-7613.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Budd, G. E.; Jensen, S. (2000). "A critical reappraisal of the fossil record of the bilaterian phyla". Biological reviews of the Cambridge Philosophical Society. 75 (2): 253–95. PMID 10881389.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) edit
  29. Collette & Hagadorn, 2010.
  30. Collette, Gass & Hagadorn, 2012
  31. Yochelson & Fedonkin, 1993.
  32. Getty & Hagadorn, 2008.
  33. 33.0 33.1 33.2 Munnecke, Axel; Calner, Mikael; Harper, David A.T.; Servais, Thomas (2010). "Ordovician and Silurian sea–water chemistry, sea level, and climate: A synopsis". Palaeogeography, Palaeoclimatology, Palaeoecology. 296 (3–4): 389–413. doi:10.1016/j.palaeo.2010.08.001. ISSN 0031-0182.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)