Cesar Bengzon
Si Cesar Fernando Cabrera Bengzon (ipinanganak Cesar Fernando Bengzon y Cabrera; Mayo 29, 1896 – Setyembre 3, 1992) ang pangsiyam na Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Isinilang siya noong ika-29 ng Mayo taong 1896 at namatay noong ika-3 ng Setyembre taong 1992. Nagsilbi siya mula ika 28 ng Abril taong 1961 hanggang ika-29 ng Mayo taong 1966. Nobyembre ng taong 1966, Ilang buwan makalipas siyang magretiro naitalaga siya bilang kauna-unahang Pilipino sa Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan.
Cesar Bengzon | |
---|---|
Ikasiyam na Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas | |
Nasa puwesto Abril 28, 1961 – Mayo 29, 1966 | |
Appointed by | Carlos P. Garcia |
Nakaraang sinundan | Ricardo Paras |
Sinundan ni | Roberto Concepcion |
Personal na detalye | |
Isinilang | 29 Mayo 1896 Camiling, Tarlac, Captaincy General of the Philippines |
Yumao | 3 Setyembre 1992 | (edad 96)
Nagtapos siya ng kursong Laws sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1919 at pumangalawa sa ginanap na Bar Eksamin nang taong ding iyon. Nagsimula bilang clerk, napromote siya bilang solicitor General noong 1932 at katulong na kalihim ng Hustisya sa ilalim ni Gobernador-Heneral Frank Murphy taong 1933. Naitalaga siya sa Hukuman ng Apelado noong 1936 at naging katulong na mahistrado noong 1945. Nilisan niya ang Kataas-taasang Hukuman noong 1948 para magsilbing kalihim ng Hustisya sa ilalim ni pangulong Elpidio Quirino, subalit nareinstat din makalipas ang ilang buwan.
Mga Sanggunian
baguhin- Cruz, Isagani A. (2000). Res Gestae: A Brief History of the Supreme Court. Rex Book Store, Manila
Sinundan: Ricardo M. Paras |
Punong Mahistrado ng Pilipinas 1961-1966 |
Susunod: Roberto R. Concepcion |