DZEC-TV
Ang DZEC-TV, tsanel 25 (analogo) at tsanel 28 (didyital), ay ang pangunahing istasyon ng telebisyon sa UHF ng himpilang pangtelebisyon sa Pilipinas na Net 25, na pag-aari ng Eagle Broadcasting Corporation . Ang mga studio nito, ang analogong at didyital na transmitter ng himpilan ay matatagpuan sa EBC Building, #25 Central Ave., New Era, Lungsod Quezon. Ang Net 25 ay sumasahimpapawid sa loob ng 19 na oras araw-araw mula 5:00 AM hanggang 12:00 MN sa analogo at didyital na telebisyon, habang ito ay sumasahimpapawid ng 24 na oras araw-araw sa cable at satellite at pati na rin sa mga live streaming provider at sa buong mundo.
Metro Manila Philippines | |
---|---|
Lungsod ng Lisensiya | Quezon City |
Mga tsanel | Analogo: 25 (UHF) Dihital: 28 (UHF) (ISDB-T) (Test Broadcast) Birtuwal: 28.01 |
Tatak | Net 25 |
Pagproprograma | |
Mga tagasalin | See list of subchannels |
Kaanib ng | Net 25 |
Pagmamay-ari | |
May-ari | Eagle Broadcasting Corporation |
Mga kapatid na estasyon | DZEC Radyo Agila 1062 95.5 Eagle FM |
Kasaysayan | |
Itinatag | 27 Hulyo 1999 |
Dating mga tatak pantawag | DWMJ-TV (1999–2008) |
(Mga) dating numero ng tsanel | Analog: 39 (UHF) (1999–2000) |
Dating kaanib ng | ACWS-United Broadcasting Network (1999–2000) |
Kahulugan ng call sign | DZ Eagle Broadcasting Corporation |
Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglilisensya | NTC |
Kuryente | Analog: 50,000 watts Digital: 10,000 watts |
Lakas ng transmisor | Analog: 150,000 watts Digital: 25,000 watts |
Mga link | |
Websayt | net25.com |
Ito ay nasa Channel 25 sa analogong free TV, Channel 28 (LCN 28.1) sa didyital na free TV sa Metro Manila gamit ang ISDB-T format. Ang istasyong ito ay makikita rin sa mga pangunahing cable operator sa bansa na pinamumunuan ng SkyCable, Cablelink, Destiny Cable, G Sat, Cignal at SatLite.
Noong Oktubre 1, 2018, isinara na nito ang analogong signal ng istasyon, ngunit noong Abril 2022, muling sumahimpapawid ang himpilan sa analogong pantelebisyon.
Mga istatistika ng himpilan
baguhinDigital na telebisyon
baguhinMga didyital na tsanel
baguhinAng DZEC-TV ay sumasahimpapawid sa didyital sa UHF Channel 28 (557.143MHz) at ito ay multiplexed sa mga sumusunod na subchannel:
Tsanel | Video | Aspeto | Maikling pangalan | Palabas | Tanda |
---|---|---|---|---|---|
28.1 | 1080i | 16:9 | NET25 HD | Net 25 (Pangunahing palabas ng DZEC-TV)/ Eagle Broadcasting Corporation | Test broadcast |
28.2 | 480i | NET25 SD | |||
28.3 | 1080i | INCTV HD | INC TV (Pangunahing palabas ng DZCE-TV) | ||
28.4 | 480i | INCTV SD | |||
28.5 | 1080i | EBC RESERVED | Net 25 |
Bilang karagdagan, pinapatakbo ng Eagle Broadcasting Corporation ang channel nito sa DZCE-TV UHF Channel 49 (683.143MHz)
Channel | Video | Aspeto | Maikling pangalan | Palabas | Tandaan |
---|---|---|---|---|---|
01.1 | 1080i | 16:9 | INCTV HD | INC TV (Pangunahing palabas ng DZCE-TV) | Pagsubok sa broadcast |
01.2 | NET25 HD | Net 25 (Pangunahing palabas ng DZEC-TV) | |||
01.3 | 480i | INCTV SD | INC TV |
Analog-to-digital conversion
baguhinMula Setyembre 7, 2017, kasabay ng ika-8 taon mula nang maging Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC si Eduardo Manalo, ang INCTV ay binigyan ng "espesyal na awtoridad" mula sa National Telecommunications Commission na ilipat ang analog feed nito mula sa UHF Channel 49 patungo sa UHF Channel 48 upang payagan ito na mag-simulcast nang digital sa buong araw, na nagsimula dalawang araw na mas maaga (Setyembre 5). Naging pansamantala lamang ang ayos nito hanggang sa ipahayag ng management nito ang intensyon nitong permanenteng isara ang mga analogong signal nito at sumahimpapawid na lamang sa digital na telebisyon.
Noong Oktubre 1, 2018, isinara ng Net 25 ang analog TV signal nito, hanggang Abril 7, 2022 kung saan sumahimpapawid muli ito.
Noong Oktubre 2021, sinimulan na ng NET 25 ang Digital Terrestrial TV (DTT) brodkast nito sa mga piling lugar ng Metro Manila sa pamamagitan ng UHF channel 28 (557.143 MHz). Noong Enero 29, 2022, muling pinalakas ang Digital Terrestrial TV ng NET 25 mula 500 watts patungong 5kW. Noong Abril 27, 2022, mas pinalakas pa ito patungo sa 10kW transmitter power.
Mga Lugar ng Saklaw
baguhinPangunahing lugar
baguhinIba pang mga lugar
baguhin- Bahagi ng Bataan
- Bahagi ng Pampanga
- Bahagi ng Nueva Ecija
- Bahagi ng Batangas