Daang Panlihis ng Gandara
Ang Daang Panlihis ng Gandara (Ingles: Gandara Diversion Road) ay isang pambansang daang sekundarya sa bayan ng Gandara, Samar, Silangang Kabisayaan. Ang haba nito ay 1.4 na kilometro (0.57 milya).[1]
Daang Panlihis ng Gandara Gandara Diversion Road | ||||
---|---|---|---|---|
Impormasyon sa ruta | ||||
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan | ||||
Haba | 1.4 km (0.9 mi) | |||
Bahagi ng | ||||
Pangunahing daanan | ||||
Dulo sa hilaga | N1 / AH26 (Pan-Philippine Highway) malapit sa kanluran ng kabayan ng Gandara | |||
Dulo sa timog | N1 / AH26 (Pan-Philippine Highway) malapit sa silangan ng kabayan ng Gandara | |||
Lokasyon | ||||
Mga lawlawigan | Samar | |||
Mga bayan | Gandara | |||
Sistema ng mga daan | ||||
Mga daanan sa Pilipinas
|
Mula noong 2017, itinakda ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ang buong daan bilang Pambansang Ruta Blg. 677 (N677) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Bago nito, isa pa itong walang bilang na pambansang daang tersiyaryo.
Paglalarawan ng ruta
baguhinTulad ng ibang mga daang panlihis (diversion roads) sa bansa, nilalampasan ng Daang Panlihis ng Gandara ang kabayanan ng Gandara. Ang mga manlalakbay mula Calbayog at karamihan ng mga manlalakbay mula Luzon ay dumadaan dito upang mabawas ang oras ng biyahe sa Pan-Philippine Highway na dumadaan sa kabayanan. Karamihang bahagi ng daan ay isang matanawing ruta na dumadaan sa luntiang maburol na tanawin at mga punong palma.
Mga sangandaan
baguhinAng buong ruta matatagpuan sa Gandara, Samar. Nakabilang ang mga sangandaan ayon sa mga palatandaang kilometro, itinakda ang Liwasang Rizal sa Maynila bilang kilometro sero.
km | mi | Mga paroroonan | Mga nota | ||
---|---|---|---|---|---|
763.315 | 474.302 | N1 (Pan-Philippine Highway) / AH26 – Calbayog, Allen, Maynila (sa pamamagitan ng ferry) | Hilagang dulo. | ||
764.369 | 474.957 | N1 (Pan-Philippine Highway) / AH26 – Catbalogan, Tacloban | Katimugang dulo. | ||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Samar 1st". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2018. Nakuha noong 9 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)