Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas
Ang Bangko sa Pagpapaunlad ng Pilipinas[1] (Ingles: Development Bank of the Philippines o DBP) ay isang bangko sa pagpapaunlad na pag-aari ng estado na humihimpil sa Lungsod ng Makati, Pilipinas.
Uri | Kompanyang pampamahalaan |
---|---|
Industriya | Pananalapi at Seguro |
Itinatag | Maynila, Pilipinas (1935) |
Punong-tanggapan | Lungsod ng Makati, Pilipinas |
Pangunahing tauhan | Patricia A. Santo Tomas, Tagapangulo Reynaldo G. David, Pangulo at Punong Opisyal sa Tagapagpaganap (CEO) |
Produkto | Serbisyong pananalapi |
Kita | PHP 3.73 daplot (14.21%) (2006) [1] |
Dami ng empleyado | di-matukoy |
Website | www.devbankphil.com.ph |
Ito ay ang ikapitong pinakamalaking bangko sa Pilipinas sa larangan ng mga pag-aari (assets), at ang ikalawang pinakamalaking bangko na pag-aari ng pamahalaan, kasunod sa Landbank. Ito rin ay isa sa mga pinakamalaking korporasyong pag-aari ng pamahalaan (government-owned and/or controlled corporations) sa Pilipinas.
Ang kaibuturan ng mga gawain
baguhinAng DBP ay naglilingkod sa mga iba't ibang sektor ng pamayanang Pilipino, mula sa mga magsasaka hanggang sa mga negosyante. Bagama't ang Pilipinas ay may ekonomiya na umaasa nang malawakan sa pagsasaka, isang bagay na tinututok ng Landbank, ang DBP ay nagtutuon ukol sa pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong-pananalapi sa mga iba't ibang negosyo at sektor pang-ekonomiya upang mapanatili ang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas. Tulad ng Landbank, ito'y nagbibigay ng mga paglilingkod ng isang regular na bangkong panlahatan (universal bank); gayumpaman, ito'y nakilala nang opisyal bilang "nagpakadalubhasang bangkong pampamahalaan" na may lisensiya sa pagbabangkong Panlahatan. Tulad din ng Landbank, ang DBP ay may malawak na kabalagan ng sangay na pangrural. Gayumpaman, ang layunin ng kabalagan ng sangay na pangrural ng DBP ay hindi magkatulad sa Landbank. Sa halip, nag-iiba-iba ng DBP ang mga pagpipiliang pambangko kapag ang isang sektor ng pagbabangko ng isang lugar ay maaaring mangibabaw ng isa o ilang bangko, sa kabila ng lahat ng katayuan.
Anyo ng organisasyon
baguhinAng Punung-Himpilan ng DBP sa Lungsod Makati ay siyang nangangasiwa at nagkokontrol sa lahat ng mga tanggapan ng sangay ng DBP. Ang Lupon ng mga Tagapangasiwa ay nagpapasya sa mga bagay na patakaran na ipapamahala ng Pangulo o Punung-Opisyal sa Tagapagpaganap. Ang Pangulo ay nagpapaako ng mga atas na pampatakaran at pamamahala sa mga Pangalawang Pangulo sa Tagapagpaganap at mga Pangalawang Pangulo na Nakatatanda na nakatalaga sa mga nagpakadalubhasa Kagawaran ng bangko. Ang mga Tagapamahala at mga Katulong na Tagapamahala ay nangangasiwa ng mga Hepeng Dibisyon sa pagpapairal ng mga gawaing pang-araw-araw na hinahawakan ng mga tauhang bumubuo ng isang organisasyon.
Kasaysayan
baguhinAng kasaysayan ng DBP ay maaaring magbaliktanaw noong panahon ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. Noong 1935, nilikha ang Pambansang Lupon sa Pautang at Pamumuhunan (NLIB) upang ayusin at mamahala ang mga pondong tiwala ng pamahalaan tulad ng Pangkoreong Pondong Pang-impok at Pondong Panretiro ng mga Guro. Noong 1939, ibinuwag ang NLIB at ang gawain nito ay inilipat sa bagong katawan, ang Bangkong Pansakahan at Pang-industiya (AIB). Tinuloy ng AIB ang mga operasyong ito hanggang sa biglaang pagsabog ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pagkatapos ng digmaan noong 1947, naparam ang AIB at nabuo ang Korporasyong Pananalapi sa Rehabilitasyon (RFC) bilang kapalit sa bisa ng Batas Republika Blg. 85, na naglalagom ng mga kapangyarihan at gawain ng AIB. Ang RFC ay nagbibigay ng mga kreditong pasilidad para sa mga kaunlaran ng pagsasaka, kalakalan at industriya at muling-pagbubuo ng mga ari-arian na nawasak ng digmaan. Noong 1958, ang RFC ay muling isinaayos sa kasalukyuang DBP, na bumabaliktanaw sa malawakang pagtatapos ng muling pagsasabuo, ang RFC ay maaaring makipagsapalaran sa mga ibang kaalamang pinagdalubhasaan.
Ang DBP ay nakaakma sa mga gawain ng pagpapalawak ng kanyang mga pasilidad at operasyon na may panimulang kapital ng P500 angaw upang iangat ang mga pagpupunyagi sa pambansang kaunlarang pang-ekonomiya. Itinatag ito bilang isang kabalagan ng sangay na laganap sa buong bansa at nakapagtampi sa mga pamamaraang lokal at panlabas upang makapuno ng kanyang kapital. Naghihiram din siya ng salapi mula sa mga sabansaang institusyong pananalapi. Habang ang istratehiyang ito ay nakakatulong sa pag-angat ng talatag ng kapital at propesyon, lalo na sa kanayunan, ang istratehiya ay napatunayang mapinsala.
Nang naging pangulo si Corazon Aquino, naglabas siya ng Kautusang Pantagapagpaganap Blg. 81, na nagsasabuo muli ang bangko at nagbigay ng bagong karta. Lahat ng mga pag-aaring di-gumagalaw at mga utang ay kasunod na inilipat sa pamahalaan noong 30 Hunyo 1986 at humantong sa DBP na nagbubuo ng programa ukol sa masidhing pagpapatupad ng bagong pagsulong ng pagpapautang. Gayun din, nagbukas muli ng DBP sa pagpapautang para sa pabahay, pagsasaka at maliliit na negosyo.
Noong 1995, naging bangkong panlahatan ang DBP nang ipagkaloob ng lisensiya sa pagbabangkong panlahatan, at pagkalipas ng tatlong taon, ang kartang ito ay nabago. Sa ilalim ng nabagong karta, nagpalaki ng DBP ang kapital na may pahintulot mula limang daplot na piso sa 35 daplot na piso at humantong sa paglilikha ng mga posisyon ng Pangulo at Punung-Opisyal sa Tagapagpaganap.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Septiyembre 23, 2021. Nakuha noong 27 Marso 2018.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)