Distritong pambatas ng Taguig

Ang solong Distritong Pambatas ng Lungsod ng Taguig ang kinatawan ng kanlurang bahagi ng mataas na urbanisadong lungsod ng Taguig (ikalawang distritong pangkonsehal) sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin

Mula 1907 hanggang 1972, nirepresentahan ang noo'y munisipalidad ng Taguig bilang bahagi ng unang distrito ng Rizal. Mula 1978 hanggang 1984, ito ay bahagi ng kinakatawan ng Rehiyon IV sa Pansamantalang Batasang Pambansa.

Mula 1984 hanggang 1986, ipinangkat ang Taguig, Pateros at Muntinlupa bilang Distritong Pambatas ng Taguig–Pateros–Muntinlupa na kinatawan nila sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, ipinangkat ang Taguig at Pateros bilang Distritong Pambatas ng Taguig–Pateros.

Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 8487 noong 2004, ginawang lungsod ang Taguig. Ayon sa parehong batas, ang kanlurang bahagi ng Taguig na siya ring Ikalawang Distritong Pangkonsehal ng lungsod, ay hiniwalay upang bumuo ng sariling distrito na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2007.

Solong Distrito

baguhin
  • Barangay: Central Bicutan, Central Signal Village, Fort Bonifacio (maliban sa mga lugar na kinokontrol ng Makati), Katuparan, Maharlika Village, North Daang Hari, North Signal Village, Pinagsama (maliban sa mga lugar na kinokontrol ng Makati), South Daang Hari, South Signal Village, Tanyag, Upper Bicutan, Western Bicutan (maliban sa mga lugar na kinokontrol ng Makati)
  • Populasyon (2015): 440,815
Panahon Kinatawan
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Henry M. Dueñas Jr.[a]
Angelito P. Reyes[b]
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Sigfrido R. Tiñga
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Lino Edgardo S. Cayetano
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Pia S. Cayetano
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Ma. Laarni L. Cayetano

Notes

  1. Natalo sa protestang inihain ni Angelito P. Reyes, ayon sa desisyon ng House Electoral Tribunal noong Pebrero 25, 2010.
  2. Nanalo sa protestang inihain niya laban kay Henry M. Dueñas Jr.; nanumpa sa tungkulin noong Mayo 24, 2010 at nanilbihan sa nalalabing termino.

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  • Philippine House of Representatives Congressional Library