Distritong pambatas ng Pateros–Taguig

Ang solong Distritong Pambatas ng Pateros–Taguig ang kinatawan ng munisipalidad ng Pateros at ng silangang bahagi ng mataas na urbanisadong lungsod ng Taguig (unang distritong pangkonsehal) sa mababang kapulungan ng Pilipinas.

Kasaysayan

baguhin

Mula 1907 hanggang 1972, nirepresentahan ang noo'y munisipalidad ng Taguig at Pateros bilang bahagi ng unang distrito ng Rizal. Mula 1978 hanggang 1984, ito ay bahagi ng kinakatawan ng Rehiyon IV sa Pansamantalang Batasang Pambansa.

Mula 1984 hanggang 1986, ipinangkat ang Taguig, Pateros at Muntinlupa bilang Distritong Pambatas ng Taguig–Pateros–Muntinlupa na kinatawan nila sa Regular Batasang Pambansa.

Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, ipinangkat ang Taguig at Pateros bilang Distritong Pambatas ng Taguig–Pateros.

Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 8487 noong 2004, ginawang lungsod ang Taguig. Ayon sa parehong batas, ang kanlurang bahagi ng Taguig na siya ring Ikalawang Distritong Pangkonsehal ng lungsod, ay hiniwalay upang buuin ang Distritong Pambatas ng Taguig. Nagsimula itong maghalal ng kinatawan noong eleksyon 2007.

Solong Distrito

baguhin
  • Munisipalidad: Pateros
  • Barangay ng Taguig: Bagumbayan, Bambang, Calzada, Hagonoy, Ibayo-Tipas, Ligid-Tipas, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Napindan, Palingon, San Miguel, Santa Ana, Tuktukan, Ususan, Wawa
  • Populasyon (2015): 427,940
Panahon Kinatawan
Ika-14 na Kongreso
2007–2010
Ma. Laarni L. Cayetano
Ika-15 na Kongreso
2010–2013
Arnel M. Cerafica
Ika-16 na Kongreso
2013–2016
Ika-17 na Kongreso
2016–2019
Ika-18 na Kongreso
2019–2022
Alan Peter S. Cayetano

1987-2010

baguhin
Panahon Kinatawan
Ikawalong Kongreso
1987–1992
Dante O. Tinga
Ikasiyam na Kongreso
1992–1995
Ikasampung Kongreso
1995–1998
Ika-11 na Kongreso
1998–2001
Alan Peter S. Cayetano
Ika-12 na Kongreso
2001–2004
Ika-13 na Kongreso
2004–2007

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  • Philippine House of Representatives Congressional Library