Distritong pambatas ng Benguet
Ang solong Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Benguet ang kinatawan ng lalawigan ng Benguet sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Kasaysayan
baguhinUnang nabigyan ng representasyon ang noo'y sub-province ng Benguet na bahagi ng dating Mountain Province noong 1917 sa bisa ng Kautusan Blg. 2711 (Revised Administrative Code). Nagtalaga ang Gobernador-Heneral ng tatlong assemblymen at-large na kinatawan ng Mountain Province sa mababang kapulungan.
Nagsimulang maghalal ng kinatawan ang Mountain Province kasama ang Benguet noon lamang 1935 sa bisa ng Kautusan Blg. 4203. Ang sub-province ay bahagi ng kinakatawan ng ikalawang distrito ng Mountain Province, kung saan kabilang rin ang Lungsod ng Baguio.
Noong panahon ng Ikalawang Republika, nagpadala ang noo'y Mountain Province ng dalawang assemblymen at-large sa Kapulungang Pambansa. Bilang nakakartang lungsod, may sariling representasyon ang Baguio. Nang manumbalik ang Komonwelt, ibinalik ang lungsod sa ikalawang distrito ng Mountain Province.
Sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 4695 na naaprubahan noong Hunyo 18, 1966, naging ganap na lalawigan ang Benguet. Ayon sa Seksiyon 10 ng batas, naging bahagi ng solong distrito ng lalawigan ang Baguio na nagsimulang maghalal ng kinatawan noong eleksyon 1969.
Bahagi ito ng kinakatawan ng Rehiyon I sa Pansamantalang Batasang Pambansa, mula 1978 hanggang 1984. Mula 1984 hanggang 1986, nagpadala ng isang assemblyman at-large ang lalawigan sa Regular Batasang Pambansa. Nagpadala ng sariling kinatawan ang Baguio.
Sa ilalim ng bagong Konstitusyon, muling ipinangkat ang Baguio sa Benguet na nirepresentahan bilang unang distrito ng lalawigan mula 1987 hanggang 1992.
Mula 1992, hiniwalay ang Baguio mula sa Benguet at nabigyan muli ng sariling distrito. Mula dalawa, nabawasan sa isa ang distrito ng lalawigan.
Solong Distrito
baguhin- Munisipalidad: Atok, Bakun, Bokod, Buguias, Itogon, Kabayan, Kapangan, Kibungan, La Trinidad, Mankayan, Sablan, Tuba, Tublay
- Populasyon (2015): 446,224
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1992–1995 |
|
1995–1998 |
|
1998–2001 | |
2001–2004 |
|
2004–2007 | |
2007–2010 | |
2010–2013 |
|
2013–2016 | |
2016–2019 | |
2019–2022 |
|
Notes
1969–1972
baguhin- Kasama ang Lungsod ng Baguio
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1969–1972 |
Unang Distrito (defunct)
baguhinPanahon | Kinatawan |
---|---|
1987–1992 |
Notes
- ↑ Mataas na urbanisadong lungsod; Malaya mula sa lalawigan at hindi bumoboto para sa mga panlalawigang posisyon mula Setyembre 1, 1909 sa bisa ng Kautusan Blg. 1964.
Ikalawang Distrito (defunct)
baguhin- Munisipalidad: Atok, Bakun, Bokod, Buguias, Itogon, Kabayan, Kapangan, Kibungan, La Trinidad, Mankayan, Sablan, Tuba, Tublay
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1987–1992 |
At-Large (defunct)
baguhin- Hindi kasama ang Lungsod ng Baguio
Panahon | Kinatawan |
---|---|
1984–1986 |
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- Philippine House of Representatives Congressional Library
- ↑ Cimatu, Frank (Disyembre 19, 2019). "Benguet Representative Nestor Fongwan dies at 68". Rappler.com. Nakuha noong Enero 30, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "House names party-list solon as Benguet caretaker". Philippine News Agency. Enero 22, 2020. Nakuha noong Enero 30, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)