Kibungan

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Benguet

Ang Bayan ng Kibungan ay isang ika-4 klaseng bayan sa lalawigan ng Benguet, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 17,051 sa may 4,127 na kabahayan. [3]

Kibungan

Munisipalidad ng Kibungan
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Kibungan.
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Kibungan.
Map
Kibungan is located in Pilipinas
Kibungan
Kibungan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 16°41′38″N 120°39′14″E / 16.6939°N 120.6539°E / 16.6939; 120.6539
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR)
LalawiganBenguet
DistritoMag-isang Distrito ng Benguet
Mga barangay7 (alamin)
Pamahalaan
 • Punong-bayanceasar molitas
 • Manghalalal10,055 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan254.86 km2 (98.40 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan17,051
 • Kapal67/km2 (170/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
4,127
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan7.92% (2021)[2]
 • Kita₱128,948,671.79 (2020)
 • Aset₱283,465,391.45 (2020)
 • Pananagutan₱101,968,000.93 (2020)
 • Paggasta₱110,042,390.93 (2020)
Kodigong Pangsulat
2611
PSGC
141109000
Kodigong pantawag74
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Kankanaey
Wikang Ibaloi
Wikang Iloko
wikang Tagalog

Heograpiya

baguhin

Ang Kibungan ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Benguet. Ito ay pinapalibutan ng Bakun sa hilaga, Buguias sa gitnang-silangan, Kabayan sa timog-silangan, Atok at Kapangan sa timog, at Sugpon sa gitnang-kanluran.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang munisipalidad ay may lawak na 254.86 kilometro kuwadrado (98.40 milya kuwadrado) na bumubuo ng 9.20% ng kabuuang lawak na 2,769.08 kilometro kuwadrado (1,069.15 milya kuwadrado) ng Benguet.

Ang Kibungan ay may pitong barangay: Sagpat, Poblacion, Palina, Tacadang, Madaymen, Badeo, at Lubo. Ang Barangay Sagpat at Lubo ay nagtatanim ng sayote na syang kanilang pangunahing produkto. Ang sayote ay tinaguriang 'hanging gold.' Ang Barangay Madaymen at Palina ay nagtatanim din ng iba't ibang gulay tulad ng repolyo, patatas, karot, at iba pa. Ang Barangay Tacadang at Badeo ay hindi naaabot ng sasakyan dahil sa mabatong kabundukan at mahirap ang paggawa ng kalsada.

Ang Kibungan ay kilala sa probinsya ng Benguet bilang munisipalidad na may mga natatanging bundok na madalas napagkakamalang kahawig ng mga bundok sa Switzerland. Ang mga malalalim na bangin at talampas ay pinaghihiwalay ang maraming sitios at ilang barangay. Bagamat may ilang talampas, burol, at maliliit na lambak sa lugar, ang karamihan sa Kibungan ay kabundukan.

Ang munisipalidad ay nasa loob ng malamig na kataasan sa kabundukan na may taas na higit sa 2,500 metro (8,200 talampakan) mula sa antas ng dagat. Sa pinakalamig na buwan ng Disyembre hanggang Enero, ang Barangay Madaymen ay nakararanas ng temperaturang umaabot sa 0 °C (32 °F), na nagdudulot ng kilalang Frost ng Madaymen.

Ang munisipalidad ay matatagpuan 61 kilometro (38 milya) hilaga ng Baguio, 56 kilometro (35 milya) mula sa La Trinidad, at 311 kilometro (193 milya) mula sa Manila.

Mga Barangay

baguhin

Ang Bayan ng Kibungan ay nahahati sa 7 mga barangay. Bawat barangay ay binubuo ng purok at sitios.

  • Badeo
  • Lubo
  • Madaymen
  • Palina
  • Poblacion
  • Sagpat
  • Tacadang

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Kibungan
TaonPop.±% p.a.
1903 8—    
1918 2,589+47.01%
1939 3,426+1.34%
1948 4,682+3.53%
1960 6,901+3.29%
1970 9,115+2.82%
1975 9,198+0.18%
1980 10,500+2.68%
1990 12,753+1.96%
1995 14,148+1.96%
2000 15,036+1.31%
2007 15,700+0.60%
2010 16,850+2.61%
2015 17,292+0.49%
2020 17,051−0.28%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Benguet". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Kibungan", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2024-04-06, nakuha noong 2024-08-02{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population (2015). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of Benguet". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.