Kapangan

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Benguet

Ang Munisipalidad ng Kapangan ay isang ika-4 na klaseng munisipalidad sa lalawigan ng Benguet, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 19,297 sa may 4,626 na kabahayan.[3]

Kapangan

Munisipalidad ng Kapangan
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Kapangan.
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Kapangan.
Map
Kapangan is located in Pilipinas
Kapangan
Kapangan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 16°34′35″N 120°36′19″E / 16.5764°N 120.6053°E / 16.5764; 120.6053
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR)
LalawiganBenguet
DistritoMag-isang Distrito ng Benguet
Mga barangay15 (alamin)
Pamahalaan
 • Punong-bayanRoberto K. Canuto
 • Manghalalal14,132 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan164.39 km2 (63.47 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan19,297
 • Kapal120/km2 (300/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
4,626
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan2.51% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Kodigong Pangsulat
2613
PSGC
141108000
Kodigong pantawag74
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Kankanaey
Wikang Ibaloi
Wikang Iloko
wikang Tagalog
Websaytkapangan.gov.ph

Kasaysayan

baguhin

Panahon Bago ang Kastila

baguhin

Dating tinatawag na Takdang (o Tacdang) ang Kapangan, na nangangahulugang "mga taong mula sa silangan". Ang mga sinaunang katutubo, na nagmula sa mga silanganang pamayanan tulad ng Tinec sa Buguias at Bontoc, ay nanirahan sa tabi ng Ilog Amburayan at namuhay sa pamamagitan ng kaingin system. Naglalakbay sila patungong Naguilian sa La Union upang makipagkalakalan sa mga Ilokano. Ang unang itinalagang presidente ng bayan (bago pa man maging alkalde) ay si Espiritu Cariño (1898–1900).

Panahon ng Kastila

baguhin

Sa panahon ng Espanyol, ang Kapangan ay inorganisa sa apat na barrio: Balacbac, Paykek, Pongayan, at Taba-ao. Itinalaga ng mga Kastila si Espiritu Cariño bilang unang Capitan del Barrio, na ang tungkulin ay ang pangangasiwa sa pagkolekta ng buwis mula sa mga lokal na may-ari ng lupa. Sila rin ang nagtalaga kay Juan Ora-a Cariño sa posisyon, bago siya itinaas sa ranggo ng Commandantes sa huli, isa sa pinakamataas na ranggo sa opisina noong panahong iyon. Parehong itinalaga nina Espiritu Cariño at Juan Ora-a Cariño ang walong tao sa walong magkakaibang barrio upang maging barrio capitans, na ang mga gawain ay ang pangasiwaan ang ginagawang daan ng mga Espanyol sa buong rehiyon ng bundok.

Panahon ng Amerikano

baguhin

Sa ilalim ng Pamahalaang Sibil ng Amerika, ang Kapangan ay itinatag bilang isa sa 19 na nayon ng lalawigan ng Benguet, sa paglabas ng Act No. 48 noong Nobyembre 22, 1900.

Noong Agosto 13, 1908, itinatag ang Benguet bilang isang parte ng lalawigan ng bagong likhang Mountain Province sa pagpapatupad ng Act No. 1876. Anim na nayon ng Benguet ang kalaunan ay inalis, isa sa mga ito ang Balakbak, na isinama sa nayon ng Kapangan.

Ayon sa ilang kwento, nakuha ng Kapangan ang pangalan nito nang minsang magtanong ang isang Amerikano sa isang lokal na residente kung ano ang pangalan ng lugar. Dahil hindi nakakaintindi ng Ingles ang residente at nagkataon na sila ay kakain na sa isang handaan, sinabi niya lang "kapangan" na nangangahulugang "kumain na" sa Ingles. Inakala ng Amerikano na ang pangalan ng lugar ay Kapangan at mula noon, iyon na ang naging pangalan nito.

Panahon Pagkatapos ng Digmaan

baguhin

Noong Hunyo 25, 1963, ang pangulo sa panahong iyon na si Pangulong Diosdado Macapagal ay naglabas ng Executive Order No. 42 na nagconvert sa walo (8) mula sa labing-tatlong (13) bayan (itinakdang mga munisipal na distrito) na parte ng lalawigan ng Benguet sa regular na mga munisipalidad. Kasama ang Kapangan sa mga ito.

Noong Hunyo 18, 1966, ang parte ng lalawigan ng Benguet ay nahiwalay mula sa dating Mountain Province at naging isang regular na lalawigan. Ang Kapangan ay nanatiling kabilang sa munisipalidad ng bagong tatag na lalawigan.

Mga Barangay

baguhin

Ang Bayan ng Kapangan ay nahahati sa 15 mga barangay. Bawat barangay ay binubuo ng purok at sitios.

  • Balakbak
  • Beleng-Belis
  • Boklaoan
  • Cayapes
  • Cuba
  • Datakan
  • Gadang
  • Gaswiling
  • Labueg
  • Paykek
  • Poblacion Central
  • Pudong
  • Pongayan
  • Sagubo
  • Taba-ao

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Kapangan
TaonPop.±% p.a.
1903 28—    
1918 3,916+39.01%
1939 6,539+2.47%
1948 8,184+2.52%
1960 10,707+2.26%
1970 12,221+1.33%
1975 12,793+0.92%
1980 13,381+0.90%
1990 15,537+1.51%
1995 15,326−0.26%
2000 18,137+3.68%
2007 18,221+0.06%
2010 20,084+3.61%
2015 19,361−0.70%
2020 19,297−0.07%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]


Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Benguet". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Census of Population (2020). "Cordillera Administrative Car (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population (2015). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of Benguet". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.