Diyosesis ng Urdaneta
Ang Diyosesis ng Urdaneta (Lat: Dioecesis Urdanetensis) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Itinatag ang diyosesis noong 1985 mula sa dating Diyosesis ng Lingayen.
Diyosesis ng Urdaneta Dioecesis Urdanetensis Diyosesis na Urdaneta | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Bansa | Pilipinas |
Nasasakupan | Silangang Pangasinan (Alcala, Asingan, Balungao, Binalonan, Natividad, Pozzorubio, Rosales, San Manuel, San Nicolas, San Quintin, Santa Maria, Santo Tomas, Sison, Tayug, Umingan, Urdaneta at Villasis)[1] |
Lalawigang Eklesyastiko | Lingayen-Dagupan |
Kalakhan | Urdaneta, Pangasinan |
Estadistika | |
Populasyon - Kabuuan - Katoliko | (noong 2010) 703,000 594,670 (84.6%) |
Parokya | 25 |
Kabatiran | |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Ritu | Ritong Romano |
Itinatag na - Diyosesis | 12 Enero 1985 |
Katedral | Katedral ng Inmaculada Concepcion |
Patron | Inmaculada Concepcion |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Benedicto XVI |
Obispo | Jacinto Jose |
Ang Diyosesis ng Urdaneta ay isang supragan na diyosesis ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.
Kasaysayan
baguhinAng kasaysayan ng Diyosesis ng Urdaneta ay nakaangkla sa Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan, kung saan nagmula ang diyosesis at ang mga nasasakupan nito nang gawin itong diyosesis noong 12 Enero 1985. Labingpitong bayan ang nasasakupan ng diyosesis sa silangang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan. Ang pangasinan ay may lawak na 1,616 kilometrong-kwadrado at mayroong populasyon na 625,855 kung saan 85 bahagdan dito ang mga Katoliko. Ang patron ng diyosesis ay ang Immaculada Concepcion.
Mga Agustino ang unang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa lalawigan noon pa mang 1575. Sinundan ito ng mga Dominikano na nanatili hanggang sa pagputok ng Himagsikang Pilipino. Nagtagumpay sila sa pagtatatag ng mga bayan ng Binmaley, Calasiao, Santa Barbara at San Fabian. Samantalang nangyayari ito sa silangang bahagi ng lalawigan, nagtatagumpay na rin naman ang mga Agustino sa kanlurang bahagi na ngayo'y bumubuo sa Diyosesis ng Alaminos.
Hindi naglaon itinatag ng mga Dominikano ang iba pang bayan sa silangan kasama na ang Binalatongan, na ngayo'y Lungsod ng San Carlos, ang pinakamalaking bayan sa Pangasinan; ang dating Asingan noong 1698, Villasis noong 1763, Binalonan noong 1841, Rosales noong 1853, Urdaneta noong 1863, Pozorrubio noong 1879, at Sison noong 1896.
Ang mga diyosesis ng Urdaneta at Alaminos ay mga dating bahagi ng Diyosesis ng Lingayen. Ang Diyosesis ng Lingayen ay naitatag noong 1928 at namamahala sa buong lalawigan ng Pangasinan, 11 na bayan ng Tarlac, 10 na bayan ng Nueva Ecija at tatlong bayan sa Zambales. Si Lubhang Kgg. Cesar Ma. Guerrero ang una nitong Obispo.
Inilipat ang naunang diyosesis sa Dagupan noong 1954 dahil sa pagkasirang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Lingayen, kaya ito tinawag na Lingayen-Dagupan. Taong 1963 ang Diyosesis ng Lingayen-Dagupan ay naging arkidiyosesis. Nang mabuo ang Diyosesis ng Urdaneta at Alaminos noong 1985 naging mga supragan na diyosesis ito ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan; ang mga bayan ng Tarlac, Nueva Ecija, at Zambales na nasasakupan ng Lingayen-Dagupan ay muling ibinalik sa kani-kanilang mga sibil na lalawigan.
Noong 22 Abril 1985, inihayag ni L'Osservatore Romano ang pagkakatalaga kay Lubhang Kgg. Pedro G. Magugat, MSC, na noo'y Vicaryo ng Militar sa Pilipinas, bilang unang residenteng Obispo ng bagong gawang Diyosesis ng Urdaneta. Nakuha niya ang hurisdiksiyong ito noong 29 Hunyo 1990 sa Katedral ng Immaculada Concepcion sa Urdaneta, na naging luklukan ng diyosesis. Sa kanyang di inaasahang pagkamatay itinalaga ng Batikano si Lubhang Kgg. Jesus C. Galang bilang ikalawang Obispo ng Urdaneta noong 7 Disyembre 1991.
Mga Namuno
baguhin- Pedro G. Magugat (22 Abril 1985 – 5 Mayo 1990)
- Jesús Castro Galang (7 Disyembre 1991 – 6 Setyembre 2004)
- Jacinto Agcaoili José (21 Setyembre 2005 - kasalukuyan)
Tignan rin
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ "Diocese of Urdaneta." Claretian Publications. Web. 18 Disyembre 2011. (sa Ingles)