Domodossola
Ang Domodossola ([3] Lombardo: Dòm) ay isang lungsod at comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Verbano-Cusio-Ossola, rehiyon ng Piamonte, hilagang Italya. Kilala rin ito bilang Oscela, Oscella, Oscella dei Leponzi, Ossolo, Ossola Lepontiorum, at Domo d'Ossola (dahil sa posisyon nito sa lambak ng Ossola). Ang Perubyanong nanguna sa paglilipad, si Jorge Chávez ay namatay rito noong 1910 sa isang pagbagsak ng eroplano.
Domodossola | ||
---|---|---|
Città di Domodossola | ||
| ||
Mga koordinado: 46°07′N 8°17′E / 46.117°N 8.283°E | ||
Bansa | Italya | |
Rehiyon | Piamonte | |
Lalawigan | Verbano-Cusio-Ossola (VB) | |
Mga frazione | Campoccio, Cisore, Crosiggia, Domodossola-Oltrebogna, Monte Ossolano, Prata, Quartero, Rogoledo, Trontana | |
Pamahalaan | ||
• Mayor | Fortunato Lucio Pizzi | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 36.89 km2 (14.24 milya kuwadrado) | |
Taas | 272 m (892 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 18,237 | |
• Kapal | 490/km2 (1,300/milya kuwadrado) | |
Demonym | Domese(i) | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 28845 | |
Kodigo sa pagpihit | 0324 | |
Santong Patron | Gervasio at Protasio | |
Saint day | Hunyo 19 | |
Websayt | Opisyal na website |
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Domodossola sa pagtatagpo ng mga Ilog Bogna at Toce at tahanan ng 18,300 katao.
Kasaysayan
baguhinAng Domodossola ang punong bayan ng Lepontii nang sakupin ng mga Romano ang rehiyon noong 12 BK.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Domodossola ay bahagi ng isang pag-aalsa laban sa mga Aleman, kung saan ang lambak ng Ossola ay nagdeklara ng sarili bilang isang malayang partisanong republika noong Setyembre 1944 at humiwalay sa Pasistang Italya. Ang rebelyon ay dinurog ng mga tropang Aleman sa loob ng wala pang dalawang buwan ngunit isang mahalagang simbolo para sa mga kilusang anti-pasista sa loob ng Italya hanggang sa katapusan ng digmaan.
-
Piazza Mercato sa gabi
Kakambal na bayan
baguhin- Brig, Suwisa
- Busto Arsizio, Italya
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Dizionario d'ortografia e di pronunzia". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-06-05. Nakuha noong 2023-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhinGabay panlakbay sa Domodossola mula sa Wikivoyage