Eduardo Cojuangco Jr.

Pilipinong politiko at negosyante
(Idinirekta mula sa Eduardo Cojuangco, Jr.)

Si Eduardo "Danding" Murphy Cojuangco Jr. (10 Hunyo 1935 – 16 Hunyo 2020) ay isang negosyante at politiko sa Pilipinas. Siya ay naging tagapangulo (chairman) at Punong Kawaning Tagapagpaganap (CEO) ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng pagkain at inumin sa Pilipinas at Timog-silangang Asya. Siya ay naglingkod bilang Embahador ng Pilipinas at Gobernador ng Tarlac. Noong 2016, ang kanyang pansariling yaman ay tinantiya na US$1.1 billion. Tinantiya na, sa isang panahon, ang kanyang imperyong negosyo ay kabilang sa 25% ng kabuuang gawang pambansa (GNP) ng Pilipinas. Sa Hulyo 2017, ang kanyang pansariling yaman ay tinantiya na US$1.16 billion. Siya ay tinawag na "isa sa nangungunang mga negosyante ng bansa".

Eduardo Cojuangco, Jr.
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Unang Distrito ng Tarlac
Nasa puwesto
30 Disyembre 1969 – 23 Setyembre 1972
Nakaraang sinundanJose Cojuangco Jr.
Sinundan niJose Cojuangco Jr.
Gobernador ng Tarlac
Nasa puwesto
30 Disyembre 1967 – 30 Disyembre 1969
Personal na detalye
Isinilang
Eduardo Murphy Cojuangco, Jr.

10 Hunyo 1935(1935-06-10)
Paniqui, Tarlac, Pilipinas
Yumao16 Hunyo 2020(2020-06-16) (edad 85)
Kalakhang Maynila, Pilipinas
KabansaanFilipino
Partidong pampolitikaNPC (1991–2020)
Ibang ugnayang
pampolitika
Nacionalista Party (1967–1991)
AsawaSoledad Oppen Cojuangco
Domestikong kaparehaAileen "Leng" Damiles (2018–2020)
Anak6
Alma materSan Beda College
De La Salle University
University of the Philippines, Los Baños
California State College
TrabahoBusinessperson

Kawing palabas

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Politiko at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.