Paniqui

bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Tarlac
(Idinirekta mula sa Paniqui, Tarlac)

Ang Paniqui, opisyal na Bayan ng Paniqui (Ilokano: Ili ti Paniqui; Pangasinan: Baley na Paniqui; Kapampangan: Balen ning Paniqui), ay isang unang-klaseng bayan sa lalawigan ng Tarlac, Pilipinas. SAyon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 103,003 sa may 24,942 na kabahayan.

Paniqui

Bayan ng Paniqui
Opisyal na sagisag ng Paniqui
Sagisag
Mapa ng Tarlac na nagpapakita sa lokasyon ng Paniqui.
Mapa ng Tarlac na nagpapakita sa lokasyon ng Paniqui.
Map
Paniqui is located in Pilipinas
Paniqui
Paniqui
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 15°40′05″N 120°34′44″E / 15.6681°N 120.5789°E / 15.6681; 120.5789
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon (Rehiyong III)
LalawiganTarlac
DistritoUnang Distrito ng Tarlac
Mga barangay35 (alamin)
Pamahalaan
 • Punong-bayanMax Roxas
 • Manghalalal70,802 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan105.16 km2 (40.60 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan103,003
 • Kapal980/km2 (2,500/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
24,942
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan9.85% (2021)[2]
 • Kita₱304,206,550.42 (2020)
 • Aset₱1,093,211,807.81 (2020)
 • Pananagutan₱360,971,014.25 (2020)
 • Paggasta₱244,313,210.85 (2020)
Kodigong Pangsulat
2307
PSGC
036910000
Kodigong pantawag45
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Pangasinan
Wikang Iloko
wikang Tagalog
Wikang Kapampangan
Websaytpaniqui.gov.ph

Matatagpuan ang Paniqui sa pagitan ng mga bayan ng Gerona sa timog, Moncada sa hilaga, Anao at Ramos sa kanluran, habang sa silangan naman nito ang Camiling at ang Santa Ignacia. Nasa layo itong 146 na kilometro (91 milya) mula sa Maynila, ang pambansang kabisera, at 22 kilometro (14 milya) mula sa Lungsod ng Tarlac, ang panlalawigang kabisera.

Nagmumula ang pangalang "Paniqui" sa salitang Ilokano na "pampaniki", na nagngangahulugang "paniki",[3] sapagkat tampok ng bayan ang mga yungib na tinitirhan ng mga paniki. Ito ang lugar ng kapanganakan ni dating Pangulo Corazon Aquino.

Unang naging bahagi ng Pangasinan ang Paniqui.

Pisikal na katangian

baguhin

Ang bayan ng Paniqui ay may kabuuang sukat na 10,520 hektarya o 105.2 km2. 8,321.8 hektarya nito ay angkop sa agrikultura. May kabuuang sukat naman na 894.72 hektarya ang naipatayong istraktura tulad ng kabahayan at pribadong at pampublikong esteblishemento bukod pa diyan 694 hektarya ang sakop ng katubigan ng bayan at 609.48 hektarya sa ibang gamit.

Maburol ang topograpiya ng bayan sa kanluran bahagi nito at sa nalalabi namang lugar ay kapatagan. Malaking porsyento ng kalupaan nito ay mataba at mabuhangin na angkop sa pagsasaka.

Mga barangay

baguhin

Ang bayan ng Paniqui ay nahahati sa 35 mga barangay.

  • Abogado
  • Acocolao
  • Aduas
  • Apulid
  • Balaoang
  • Barang
  • Brillante
  • Burgos
  • Cabayaoasan
  • Canan
  • Carino
  • Cayanga
  • Colibangbang
  • Coral
  • Dapdap
  • Estacion
  • Mabilang
  • Manaois
  • Matalapitap
  • Nagmisaan
  • Nancamarinan
  • Nipaco
  • Patalan
  • Poblacion Norte
  • Poblacion Sur
  • Rang-ayan
  • Salumague
  • Samput
  • San Carlos
  • San Isidro
  • San Juan de Milla
  • Santa Ines
  • Sinigpit
  • Tablang
  • Ventenilla

Demograpiko

baguhin
Senso ng populasyon ng
Paniqui
TaonPop.±% p.a.
1903 12,982—    
1918 16,603+1.65%
1939 19,124+0.68%
1948 27,554+4.14%
1960 35,416+2.11%
1970 47,718+3.02%
1975 53,031+2.14%
1980 55,006+0.73%
1990 64,949+1.68%
1995 70,979+1.68%
2000 78,883+2.29%
2007 83,311+0.76%
2010 87,730+1.90%
2015 92,606+1.04%
2020 103,003+2.11%
Sanggunian: PSA[4][5][6][7]

83,311 katao ang kabuuang populasyon ng bayan noong taong 2007, at 23,689 nito ay may trabaho. Pagkalipas ng 3 taon, noong 2010 umabot naman sa 87,730 ang populasyon ng bayan o 1.90% na mas-mataas mula noong 2007. Nangangahulugan na 830 katao ang nakatira sa kada 100 hektarya. Taong 2008 ayon sa CBMS umabot sa 18,856 na mga kabahayan sa buong bayan ng Paniqui.

Ekonomiya

baguhin

Agrikultura

baguhin

Ang bayan ng Paniqui ay isang agrikultural na pamayanan. Palay ang pangunahing produkto na siyang sumasaklaw sa malaking bahagdan ng ekonomiya ng bayan, patunay nito 5,876 hektarya ang lawak ng lupang sakahan ng palay. Ilan pa sa mga produkto ng agrikultura ng bayan ay ang kamote, pakwan, talong, gabi, singkamas, kamoteng kahoy, kalabasa, dilaw na mais, mani, ampalaya, manga, melon, kamatis at marami pang iba. 1,525 hektarya ang lawak ng plantasyon ng tubo, 228 hektarya naman ang pangisdaan at 202 hektarya sa iba pang gawaing agrikultural tulad ng manukan, babuyan at plantasyon ng mga bungang kahoy.

Pagtutuos at Komersyo

baguhin

Mabilis ang pagusbong ng komersyo sa bayan lalong-lalo na sa sentrong bayan ang Poblacion na kung saan matatagpuan ang maraming negosyo at nangyayaring pangangalakal. Ang Pampublikong Pamilihan ng bayan ay may 354 na puwesto o tindahan, samatala ang kapapagawang Annex ng Pamilihang Bayan na mas kilala bilang Paniqui Commercial Arcade ay may 125 tindahan. Ang mga barangay ng Poblacion Sur, Poblacion Norte at Estacion naman ang siyang nagsisilbing sentro ng komersyo ng bayan. Sakabuuan humigit kumulang na 1,597 na gusali ng pangangalakal ang matatagpuan sa buong bayan.

Turismo

baguhin

Isinusulong din ng bayan ang kanyang turismo upang makadagdag pa sa ekonomiya sa hinaharap. Ilan sa mga atraksyon ay ang:

  • Alimuddin Binyagan Festival
  • Saint Rose Of Lima Church
  • YC Compound
  • Paniqui, Sugar Mills - The Oldest Sugar Central In the Philippines
  • Don Melencio Freedom Park
  • Paniqui Track & Field Oval
  • Paniqui Tennis Ground

Mga panlipunang paglilingkod

baguhin
 
Gusaling Pambayan ng Paniqui

Edukasyon

baguhin

Ang bayan ng Paniqui ay sentro ng edukasyon sa hilagang lalawigan ng Tarlac. Patunay nito marami ang mga mag-aaral ang nangagaling pa sa mga kalapit na bayan tulad ng bayanng Gerona, Pura, Ramos, Anao, Moncada, Camiling, Nampicuan, at Cuyapo.

Sa kasalukuyan may tatlong Paaralang Distrito ang pinamumunuan ng pamahalaan, ang mga Distrito ng Timog Paniqui na may paaralang Central na Paniqui South Central Elementary School sa Barangay Poblacion Sur; Ang Distrito ng Hilagang Paniqui na may paaralang Central na Paniqui North Central Elementary School sa Barangay Poblacion Norte; at ang kaitatatag na Distrito ng Kanlurang Paniqui na may paaralang Central na Balaoang Central Elementary School sa Barangay Balaoang.

Pampribadong Mababang Paaralan

baguhin
  • Paniqui Christian School
  • St. Vincent School Foundation Inc.
  • St. Rose Catholic School
  • Interworld Colleges Foundation
  • CIT Colleges
  • Collegio de San Lorenzo Ruiz
  • Church of the Nazarene School
  • Bethany Christian School
  • Cariño Adventist School
  • P.O Domingo Montessori School


Pampublikong Mataas na Paaralan

baguhin
  • Eduardo Cojuangco National Vocational High School
  • Balaoang National High School
  • Balaoang High School Annex

Pampribadong Mataas na Paaralan

baguhin
  • Paniqui Christian School
  • St. Vincent School Foundation Inc.
  • St. Rose Catholic School
  • Interworld Colleges Foundation
  • CIT Colleges
  • Collegio de San Lorenzo Ruiz
  • Church of the Nazarene School
  • Central Luzon High School
  • Bethany Christian School
  • St. Paul Colleges Foundation Inc.
  • Plebian Academy

Pampribadong Paaralang Tersiyaryo/Teknikal

baguhin
  • Interworld Colleges Foundation
  • CIT Colleges
  • Collegio de San Lorenzo Ruiz
  • St. Augustine Colleges
  • St. Rose Colleges
  • Luzon Polytechnic College
  • Paniqui Institute of Technology
  • St. Paul Colleges Foundation Inc.
  • Paniqui School of Science and Technology
  • Paniqui Fashion School

Pasilidad Pangkalusugan

baguhin

Ang pamahalaan at pribadong sector ng pangkalusugan ang nangangasiwa sa pangangailangang medikal ng mamamayan ng bayan. Matatagpuan naman sa Barangay Samput ang Paniqui General Hospital na isa sa nagbibigay ng serbisyong medikal sa mga mamamayan ng Paniqui at gayundin sa mga kalapit na bayan. May dalawaring RHU o Rural Health Unit (RHU I at RHU II) ang bayan na nakaestasyon sa barangay Poblacion at Barangay Balaoang. Mayroon din tatlong pribadong hospital at mahigit kumulang na 17 pribadong klinika ang estratehikong matatagpuan sa Poblacion na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Ang mga iba pang pasilidad pangkalusugan ay ang Family Planning centers, EENT clinic, & Physical Therapy.

Libangan at Palakasan

baguhin

Sabahagi ng Hilagang probinsiya, sentro ng palakasan at sport ang bayan ng Paniqui. Ang bayan ay may mga pasilidad na maaring pagdausan ng mga paligsahan at palakasan tulad ng track and field, tennis, swimming, football, basketball, volleyball, baseball at boxing. May mga pasilidad rin na angkop sapagdaraos ng konsyerto, paligsahan ng awit, musika at litertura, welga at pagpupulong.

Pinakamalaking pasilidad na sentro ng palakasan ay ang kilalang Don Eduardo Cojuangco Athletic Bowl. Dito ginaganap ang taonang Municipal Athletic Meet at Tarlac Provincial Athletic Meet. Ang Don Melencio Freedom Park ay siya namang pinakamalaking pookpasyalan sa bayan na matatagpuan sa harap ng gusali ng pamahalaang bayan. Ilan pa sa mga pasilidad ay ang Paniqui Public Auditorium, Paniqui Basketball Court, Paniqui Tennis Court, Doña Luwalhati Gym at Paniqui Municipal Gym.

Kapayapaan at Kaayusan

baguhin

Ang seguridad ng bayan ay kapupunan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP), Barangay Tanod, Kababayan Center at Peace and Order Councils.

Imprastraktura

baguhin

Kalsada

baguhin

Konektado nang Paniqui sa ibang bayan sa pamamagitan ng maayos na mga lansangan. Sa kabuuan humigit kumulang sa 218.232 kilometro ang kalsadang (Nasyonal, Probinsiyal, Munisipal, at Barangay) sa buong bayan. 75% nito ay kongkreto, 5% ay aspaltado, 17% naman ay graveled at 19% nito ay earth o lupa.

Ang bayan ay nanatili sa kabuuang 16,451.63 metrong kanal sa pagkontrol ng bahaang matatagpuan sa Poblacion. Sa magkabilang bahagi naman ng Ilog Tarlac, itinayo ang dike upang mapigilan ang baha sa mga kalapit na barangay. Anim na kilometro nito ay matatagpuan sa mga bahagi ng barangay ng Brillante, Rang-ayan, Balaoang, Aduas, Barang at Mabilang. Apat na kilometro naman nito ay matatagpuan sa bahaging barangay Colibangbang, Rang-ayan at Nancamarinan.

Karamihan sa mga tulay ay matatagpuan sa Barangay Cabayaoasan, Tablang San Isidro, Rang-ayan, Balaoang at Sta. Ines.

Kuryente

baguhin

Lahat ng barangay ay naabotan g kuryente. Ang pinagmumulan ng elektrisidad nito ay inilalaan ng TARELCO I (Tarlac Electric Corporation I).Ang subistasyon nito ay matatagpuan sa Barangay Matalapitap na pinakukumpay ng National Power Corporation.

17 na mga barangay ang pinagseserbisyohan ng Paniqui Water District samantalang ang nalalabing 18 na mga barangay ay umaasa naman sa mga deepwell o bombahan.

Komunikasyon

baguhin

Ang serbisyo ng komunikasyon sa loob at labas ng bayan ay inilalaan ng PLDT, PT & T, RCPI.l Two-way radio, PHLPost (PHILPost bago 2012), BUTEL, LBC, JRS, Internet/E-mail at SMART/GLOBE/SUN Cellular.

Transportasyon

baguhin

Traysikel ang pangunahing transportasyon ng bayan. Bawat barangay nito ay may kani-kanilang terminal sa poblacion. Sa poblacion din matatagpuan ang terminal ng mga jeep na papunta sa mga kalapit na bayan at lungsod tulad ng Lungsod ng Tarlac, Gerona, Cuyapo, Villasis, at Camiling.

Ang bayan ng Paniqui ay nadaraanan ng Lansangang MacArthur (N2) kaya maraming malalaking sasakyan ang dumaraan dito. Pangunahing daan din ito patungong Maynila at Baguio patunay na maraming bus ang dumaraan tulad ng Victory Liner, Five Star, Florida, Viron, Solid North, Genesis, Dagupan Bus, Philippine Rabbit, Partas, Citybus, Fermina, Santrans, Bataan Transit

Imprastrakturang Panlipunan

baguhin

Ang Paniqui General Hospital, Don Juan Cojuangco Memorial Health Center, Multipurpose Barangay Halls, Day Care Centers, Children playgrounds, Municipal Gym, Convention Center, Municipal Jail, Municipal Building, Puericulture Center, PNP Building, Paniqui Fire Station, School Buildings; Covered Court at iba pa ay matatagpuan sa bayan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Province: Tarlac". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "History of Paniqui". Municipal government of Paniqui. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 15 Disyembre 2015. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of Tarlac". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

baguhin