Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños

pamantasan ng Pilipinas sa Los Baños, Laguna

Ang Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (U.P. Los Baños, U.P.L.B. o mas kilala sa tawag na Elbi) ay isang yunit ng Unibersidad ng Pilipinas na matatagpuan sa may paanan ng Bundok Makiling sa Los Baños, Laguna. Itinalaga ito ng Amerikanong botanista at agrikulturistang si Edwin Copeland noong 6 Marso 1909 bilang Kolehiyo ng Agrikultura, isa sa unang dalawang yunit ng Unibersidad ng Pilipinas.

Unibersidad ng Pilipinas Los Baños
University of the Philippines Los Baños
SawikainHonor and Excellence
Itinatag noong6 Marso 1909
UriPambansang Unibersidad
KansilyerFernando C. Sanchez, Jr.
PanguloDanilo L. Concepcion
Lokasyon, ,
Kampus14,665 hektarya (147 km²)
university town, land grant university
Hymn"U.P. Naming Mahal"
Kulay Maroon at Forest Green
ApilasyonAssociation of Pacific Rim Universities (sa pamamagitan ng UP System)
Websaytwww.uplb.edu.ph
Ang dating pasukan (gate) sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos

Naging maka-impluwensiya ang Unibersidad sa Asia sa larangan ng Agrikultura at Biotechnology, ito'y dahil sa pagsisikap nilang mapabuti ang plant breeding at bioengineering, lalo na sa pagpalaganap ng high-yielding at pest-resistant na tanim. Noong 1977 pinarangalan ang Unibersidad ng Gawad Ramon Magsaysay para sa Sabansaang Pag-uunawa bilang pagkilala sa kanilang mga ambag sa larangang Agrikultura. Ang UPLB ang tumatanaw sa iba't ibang lokal at pandaigdigang sentrong pananaliksik, kabilang na ang International Rice Research Institute (IRRI), ASEAN Center for Biodiversity, World Agroforestry Center, at ang Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA).

Ang UPLB ay nag-aalok ng mahigit 100 mga degree programs sa iba't ibang larangan sa ilalim ng kanilang siyam na kolehiyo at dalawang paaralan. Ang unibersidad ay binigyan ng walong Centers of Excellence para sa walong akademikong yunit at dalawang Centers of Development.

Kilala ang alumni ng UPLB sa iba't ibang larangan, nabibilang dito ang 13 Pambansang Dalub-agham ng Pilipinas, miyembro ng United Nations Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC), isang nagwagi ng 2007 Nobel Peace Prize, mga nagwagi sa Gawad Palanca at iba't ibang mga politiko at negosyante.

Kasaysayan

baguhin

Unang itinatag ang UPLB bilang Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Agrikultura (o sa Ingles bilang University of the Philippines College of Agriculture, UPCA) noong 6 Marso 1909 ng UP Board of Regents. Isang Amerikanong botanist at Tomasayt - si Edwin Copeland, na mula Normal na Pamantasan ng Maynila ay naging unang dekano nito. Nagsimula ang klase noong Hunyo 1909 na may limang propesor at 12 na mag-aaral lamang. Ang Paaralang Palagubatan (Forestry School) ay itinatag sa sumunod na taon.

Ang UPCA ay nagsira nang nagsimula ang Pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas, at ang paaralan ginawang punong tanggapan ng mga Hapon. Sa mahigit ng tatlong taon, ang unibersidad ay naging tahanan ng mahigit 2,000 sibilyan, karamihan ay Amerikano, na dinakip ng mga Hapon.

Akademiko

baguhin

Ang UPLB ay nag-aalok ng 27 undergraduweyt at 82 graduweyt na mga degree program sa ilalim ng siyam ng kolehiyo at dalawang paaralan. Karamihan ng mga progamang kolehiyo ay ginagawad sa mga degree ng agham. Ginagawaran din ng unibersidad ng mga hayskul diploma ang mga graduweyt ng Unibersidad ng Pilipinas Rural Hayskul, na isang sub-yunit sa ilalim ng Kolehiyo ng College of Arts and Sciences.

Kawing Panlabas

baguhin