Imbudo

(Idinirekta mula sa Embudo)

Ang imbudo ay isang tubo na mayroong maluwang, madalas korteng konong bunganga at makitid na tangkay. Ito ay ginagamit sa paglilipat ng mga likido o mga pinong bagay sa mga lalagyang mayroong maliliit na pasukan. Kung walang imbudo, mayroong matatapon.

Isang tipikal na imbudo sa kusina

Ang mga imbudo ay madalas na gawa sa bakal na hindi kinakalawang, aluminyum, salamin o plastik. Ang mga materyales sa paggawa nito ay dapat mayroong sapat na tibay upang kayanin ang bigat ng mga bagay na inililipat at dapat hindi ito magkaroon ng reaksyon sa mga bagay na inililipat. Sa kadahilanang ito, bakal na hindi kinakalawang o salamin ang makatutulong sa paglilipat ng diesel, samantalang plastik na imbudo naman ang para sa kusina. Minsan, mga imbudong papel na itinatapon agad ang ginagamit sa ga kasong mahirap linising mabuti ang imbudo pagkatapos gamitin (halimbawa, sa paglagay ng langis sa sasakyan.) Ang dropper funnels, tinatawag ring dropping funnels o tap funnels, ay mayroong gripo upang pahintulutan ang kontroladong paglabas ng likido.

Ang terminolohiyang imbudo ay minsang ginagamit upang tukuyin ang tsiminea o ang mataas na tsimenea sa makinang gumagamit ng singaw at madalas itong ginagamit upang tukuyin ang kagaya ng sa barko. Ang terminolohiyang imbudo ay aplikado rin sa mga kakaibang bagay tulad ng pipang para sa paninigarilyo o basurahang ginagamit sa kusina