Manny Pacquiao
Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao Sr. o Pacman, (isinilang noong 17 Disyembre 1978), ay isang Pilipinong propesyunal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon,[1] nanalo ng sampung titulo at unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon[2].
Manny Pacquiao | |
---|---|
Senador ng Pilipinas | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 30 Hunyo 2016 | |
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng mga Kinatawan mula sa Nag-iisang Distrito ng Sarangani | |
Nasa puwesto 30 Hunyo 2010 – 30 Hunyo 2016 | |
Nakaraang sinundan | Erwin L. Chiongbian |
Sinundan ni | Roel D. Pacquiao |
Personal na detalye | |
Isinilang | Emmanuel Dapidran Pacquiao 17 Disyembre 1978 Kibawe, Bukidnon, Pilipinas |
Kabansaan | Pilipino |
Partidong pampolitika | PDP-Laban (2012–2014, 2016–kasalukuyan) People's Champ Movement (2010–kasalukuyan) |
Ibang ugnayang pampolitika |
|
Asawa | Jinkee Pacquiao (m.2000–kasalukuyan) |
Anak |
|
Magulang | Rosalio Pacquiao (tatay) Dionisia Mommy D Dapidran Pacquiao (nanay) |
Tahanan |
|
Alma mater |
|
Trabaho | Atleta Pulitiko |
Propesyon | Professional boxer Businessperson |
Kilala bilang | Eight-division boxing world champion |
Websitio | www.congress.gov.ph |
Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.[3]
Si Pacquiao ay may titulong Kampeon ng IBO World Junior Welterweight, Kampeon ng WBC World Lightweight, Kampeon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampeon ng WBC World Super Featherweight, Kampeon ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World Junior Featherweight at Kampepn ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion.
Pinatumba at tinalo na ni Pacquiao ang mga boksingero na sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Márquez, Érik Morales, Óscar Larios, Jorge Solís, David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito at Shane Mosley.
Kasalukuyang nanunungkulan si Pacquiao bilang senador sa bansang Pilipinas.
Ang kanyang buhay
baguhinSi Manny Pacquiao ay ipinanganak noong 17 Disyembre 1978 sa Kibawe, Bukidnon, Pilipinas. Siya ay anak ni Rosalio Pacquiao at Dionisia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang magulang ay nahiwalay noong siya ay ika-anim na baitang, matapos nadiskubre ang kanyang ina na ang kanyang ama ay namumuhay sa ibang babae. Siya ay ika-apat sa pitong magkapatid. Dalawa sa kanila ay isa ring pulitiko at dating professional boksingero Alberto Bobby Pacquiao at ang beteranong brodkaster Rolando Rolly Pacquiao.[4]
Si Pacquiao ay pinakasalan si Jinkee Jamora noong 10 Mayo 2000. Sila ay nagkasama na may limang anak. Sa kasalukuyan, siya ay tumira sa General Santos City, South Cotabato.[5] Gayunman, bilang kongresista ng kaisa-isang distrito ng Sarangani, siya ay opisyal na naninirahan sa Kiamba, Sarangani kung saan ang kanyang asawa na si Jinkee ay tirahan niya.
Edukasyon
baguhinNakumpleto ni Pacquiao ang kanyang edukasyong pang-elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General Santos City, pero first year high school pa lang sa General Santos City National High School at siya ay nag-drop out dahil sa sukdulan at matinding kahirapan. Iniwan nya ang kanyang tahanan sa edad na 15 dahil sa ina na hindi magawang sapat ang pera para suportahan ang kanyang pamilya.
Karera sa palakasan
baguhinBoksing
baguhinSa edad na 16, si Pacquiao ay lumipat ng Maynila para sumali sa boksing bilang amateur. Noong 1995, ang pagkamatay ng kanyang minimithi at malapit na kaibigan na si Eugene Barutag ang nag-udyok sa kanya para ipagpatuloy ang kanyang propesyonal na karera sa boksing. Sa kasalukuyan panahon kinilala si Pacquiao bilang isa sa pinakamahusay na boxingero sa kasaysayan na may kamangha-manghang tagumpay naging kampeon siya sa walong dibisyon, nag retiro si Pacquiao noong 2021.
Basketbol
baguhinNoong April 2014, inanunsyo ni Pacquiao ang kanyang balak na sumali sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang manlalaro at coach ng Kia Motors 2014-2017.
Karera sa pulitika
baguhinNoong Pebrero 2007, opisyal na inanunsyo ni Pacquiao na gustong tumakbo bilang miyembro ng Bahay Kongresista (House of Representatives) para sa halalan sa Mayo 2007, kumakatawan sa unang distrito ng South Cotabato. Siya ay tumakbo bilang Partido Liberal (Liberal Party). Pero natalo siya ng kanyang kalaban na si Darlene Antonino-Custodio.
Noong 2009, kinumpirma ni Pacquiao na tumakbo muli bilang kongresista, pero sa oras na ito ay sa Sarangani. Noong May 13, 2010, si Pacquiao ay opisyal na prinoklama bilang kongresista ng kaisa-isang distrito ng Sarangani. Siya ay nakakuha ng 120,052 boto laban sa kanyang kalaban na si Roy Chongbian na nakakuha ng 60,899 na boto.
Noong 2013, si Pacquiao ay nanalo sa ikalawang termino niya sa pagka-kongresista sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na pinangunahan ni Bise-Presidente Jejomar Binay.[6] At noong 2015, idineklara ni Pacquiao na tumakbo bilang Senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) sa pamumuno ni Binay.[7]
Noong Setyembre 2021, inihayag ni Manny Pacquiao ang kanyang kandidatura para sa halalan sa pagka-2022 sa pagkapangulo.[8]
Kontrobersiya
baguhinSi Pacquiao ay nahaharap ng iba't ibang kontrobersiya tulad ng kasong pag-iwas ng buwis (tax evasion case) at pahayag sa LGBTQ at same-sex marriage.
Noon Pebrero 2016, nagbigay si Pacquiao ng kanyang pahayag sa TV5 Network tungkol sa same-sex marriage. Inilarawan ni Pacquiao ang same-sex marriage na "mas masahol kaysa sa mga hayop" dahil ang mga hayop sa pangkalahatan ay hindi sila nagkaroon ng pagsasama sa parehong kasarian. Kinondena nina Vice Ganda, Aiza Seguerra, Boy Abunda at ang grupong Ladlad ang pahayag niya.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Mark Lamport-Stokes (2010-11-14). "Eighth world title gives Pacquiao unique status". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-17. Nakuha noong 14 Nobyembre 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bryan Armen Graham (2009-05-04). "Beatdown of Hatton lifts Pacquiao into pantheon of all-time greats". CNN Sports Illustrated. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-23. Nakuha noong 15 Marso 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Himmer, Alastair (5 Hunyo 2010). "Pacquiao named fighter of the decade". Reuters.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Robbie Pangilinan (Nobyembre 9, 2009). "Manny Pacquiao's Mom and Dad Reunited?". Doghouse Boxing. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 11, 2015. Nakuha noong Marso 15, 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "canadastarboxing.com, Profile and Bio". Canadastarboxing.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 29, 2010. Nakuha noong Mayo 9, 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pacquiao bolts Aquino's LP for Binay's PDP-Laban". gmanetwork.com. GMA News. Abril 16, 2012. Nakuha noong Abril 17, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Espejo, Edwin (Oktubre 5, 2015). "It's official: Pacquiao running for senator". Rappler. Nakuha noong Pebrero 9, 2016.
{{cite news}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines: le boxeur Manny Pacquiao candidat à la présidentielle de 2022". Radio France International. Setyembre 19, 2021. Nakuha noong Setyembre 19, 2021.
{{cite news}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na kawing
baguhin- Manny Pacquiao Naka-arkibo 2009-02-13 sa Wayback Machine., bidyo at balita.
- Youtube, bidyo at balita.
- Ang workout o ehersisyong pangsanay ni Manny Pacquiao Naka-arkibo 2017-07-30 sa Wayback Machine. (Ingles), inilathala ng Men'sHealth UK