Engkanto

(Idinirekta mula sa Engkantado)
Tungkol ang artikulong ito sa mga nilalang ng kalikasan ayon sa mitolohiyang Pilipino. Para sa palabas sa telebisyon ng Pilipinas, tingnan ang Encantadia (seryeng pantelebisyon).
Mitolohiya ng Pilipinas
Malakas and Maganda, mga unang tao ayon sa paalamatan ng Pilipinas.

Mga diyos ng Paglikha

Iba pang mga diyos

Mga mitikal na nilalang

Maalamat na mga Hayop

Maalamat na mga Tao

Maalamat na mga Bagay

Kaugnay na mga Paksa

Ang engkanto ay isang uri ng nilalang sa mitolohiyang Pilipino na pinaniniwalaang may angking kakayahang naiiba sa mga ordinaryong nilalang gaya ng tao at hayop.[1] Sila ay inilalarawan na may mapuputlang balat, asul o luntiang mga mata at kung minsan ay hindi hamak na mas matangkad o mas maliit gaya ng sa ordinaryong Pilipino.[1] Pinaniniwalaan din silang naninirahan sa mga punungkahoy gaya ng mga baliti at sinasabing hindi gumagalaw ng mga tao maliban na lamang ay kung gagambalain ang kanilang pananahimik.[2] Karaniwan na ring iniuugnay sa mga engkanto ang ninuno ng mga Pilipino.[3][4][5] Sila rin ay inilalarawan bilang mga ispiritu ng kalikasan o mga maliliit na duwende.[6] Ang paniniwala sa kanilang eksistensiya ay nagtagal ng ilang siglo [5] at may ilan pang pamayanan sa Pilipinas ang naniniwala rito.[7]

Sa wikang Filipino, ang lalaking engkanto ay tinatawag ding engkantado, samantalang ang babaeng engkanto naman ay hindi tinatawag na engkanto kundi isang engkantada. Gaya ng mga tao, sila ay pinaniniwalaan ding may kasarian ngunit naiiba sa mga tao.[8]

Ang salitang engkanto ay nagmula sa salitang Kastila na encantar[8] na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "manggayuma"[9], "mambabalani"[10] o "mang-akit"[11]. Ito ay tinatawag din sa lokal na mga pangalan bilang tumao sa Cagayan at Misamis, meno sa Iligan, at panulay sa Siquijor.[8] Ang mga Bisaya[8] ay karaniwan nang isinalalarawan ang mga engkanto bilang:

Dili ingon nato, dili ta parehas

O sa Tagalog ay:

Sila [ang mga engkanto] ay mga taong hindi katulad sa atin.

Tingnan din baguhin

Mga sanggunian baguhin

  1. 1.0 1.1 "Engkanto". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-04-09. Nakuha noong 2009-04-18.
  2. "Encyclopedia Mythica". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-06-22. Nakuha noong 2009-04-18.
  3. Aguilar, Filomeno V. (1998). Clash of Spirits. University of Hawaii Press. ISBN 0-8248-2082-7.
  4. Gailyn Van Rheenen, Gailyn Van Rheenan (2006). Contextualization And Syncretism: Navigating Cultural Currents. William Carey Library. ISBN 0-87808-387-1. Nakuha noong 2008-06-21.
  5. 5.0 5.1 *Demetrio, Francisco (1969). "The Engkanto Belief: An Essay in Interpretation". Asian Folklore Studies. 28 (1): 77–90. doi:10.2307/1177781. Nakuha noong 2008-06-19.
  6. Ramos, Maximo D. (1971). Creatures of Philippine Lower Mythology. Philippines: University of the Philippines Press. pp. 55–56. OCLC 804797. {{cite book}}: Cite has empty unknown parameter: |coauthors= (tulong) ISBN 971-06-0691-3 (Quezon City Press, 1990)
  7. *Borchgrevink, Axel (2003). "Ideas of Power in the Philippines". Cultural Dynamics. 15 (1): 41–69. doi:10.1177/0921374003015001108. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-09-09. Nakuha noong 2008-06-19.
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 "Mysterious engkantos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-18. Nakuha noong 2009-04-18.
  9. Dictionary, sa Ingles: bewitched
  10. Dictionary, sa Ingles: spellbound
  11. Dictionary, sa Ingles: enchanted/enchanter