Tungkol ang artikulong ito sa mga nilalang ng kalikasan ayon sa mitolohiyang Pilipino. Para sa palabas sa telebisyon ng Pilipinas, tingnan ang Encantadia (seryeng pantelebisyon).

Ang engkanto ay isang uri ng nilalang sa mitolohiyang Pilipino na pinaniniwalaang may angking kakayahang naiiba sa mga ordinaryong nilalang gaya ng tao at hayop.[1] Sila ay inilalarawan na may mapuputlang balat, asul o luntiang mga mata at kung minsan ay hindi hamak na mas matangkad o mas maliit gaya ng sa ordinaryong Pilipino.[1] Pinaniniwalaan din silang naninirahan sa mga punungkahoy gaya ng mga baliti at sinasabing hindi gumagalaw ng mga tao maliban na lamang ay kung gagambalain ang kanilang pananahimik.[2] Karaniwan na ring iniuugnay sa mga engkanto ang ninuno ng mga Pilipino.[3][4][5] Sila rin ay inilalarawan bilang mga ispiritu ng kalikasan o mga maliliit na duwende.[6] Ang paniniwala sa kanilang eksistensiya ay nagtagal ng ilang siglo [5] at may ilan pang pamayanan sa Pilipinas ang naniniwala rito.[7]

Sa wikang Filipino, ang lalaking engkanto ay tinatawag ding engkantado, samantalang ang babaeng engkanto naman ay hindi tinatawag na engkanto kundi isang engkantada. Gaya ng mga tao, sila ay pinaniniwalaan ding may kasarian ngunit naiiba sa mga tao.[8]

Ang salitang engkanto ay nagmula sa salitang Kastila na encantar[8] na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "manggayuma"[9], "mambabalani"[10] o "mang-akit"[11]. Ito ay tinatawag din sa lokal na mga pangalan bilang tumao sa Cagayan at Misamis, meno sa Iligan, at panulay sa Siquijor.[8] Ang mga Bisaya[8] ay karaniwan nang isinalalarawan ang mga engkanto bilang:

Dili ingon nato, dili ta parehas

O sa Tagalog ay:

Sila [ang mga engkanto] ay mga taong hindi katulad sa atin.

Mga Uri Engkanto

baguhin

Mahomanay - Nangagalaga sa kalikasan. Ang Mahomanay ay Lalaking engkanto na maganda Ang itsura at wangis, magandang lalaki na may napakaputing balat at mahabang itim na itim na buhok. May matulis at hugis dahon na tenga. Amoy matamis na bulaklak Ang mga Mahomanay. Nangunguha ng mga babae na kanilangnapupusuan dadalhin sa kanilang daigdig. Inaalok nila ito ng kaning itim. Mag aanyong panget na lalake ang Mahomanay upang subukin ang kabaitan ng babaeng kanyang napupusuan. Kapag mabait ang babae kahit anyong pangit ang Mahomanay ay ginagantimpalaan niya ang babae ng biyaya at yaman. Kapag pangit Ang ipinakitang ugali ng babae sa pangit na anyo ng Mahomanay ay paparusahan ito ng engkanto. Magkakasakit ang babae at lalagnatin. At mamalasin sa buhay di lang sya pati buong pamilya nya ay mamalasin.

Tamalanhig - Ang Tamalanhig o Tahamaling ay Babaeng engkanto na katambal ng Mahomanay. Magagandang babae na may mapulang balat at mahabang itim na buhok. Matulis na hugis dahon ang tenga. Nangunguha ng mga binatang kanilang napupusuan. Inaakit ng Tamalanhig ang mga binatang mortal sa pamamagitan ng kanyang ganda at alindog, nag lalabas ng napakatamis ma amoy na nakaka humaling. Nalalasing sa bango at tamis Ang mga binatang nakaka langhap ng halimuyak ng engkantong Tamalanhig. Ang mabangong amoy ng babaeng Tamalanhig ay ayaw ng mga engkantong Mahomanay, para sa mga Lalaking Mahomanay ito ay matapang na kamandag.

Tamawo - Uri ng sinaunang engkanto na tila anak araw. Maputi ang balat at kulay ginto o puti ang buhok. Anyong magagandang lalaking anak-araw, napakaputi at payat ang pangangatawan at ang tenga ay hugis dahon. Sinasalarawan bilang mga magagandang lalaki napakaputi, naka bahag at balot ng gintong alahas. Pinaniniwalaang nandudukot sila ng mga babae at dalaga upang magparami ng kanilang lahi dahil walang babaeng Tamawo ang kanilang lipi. Kailangan ng mga tamawo manguha ng mortal na babae upang sila ay makapagparami. Pinaniniwalaang sa mga batis o talon ang pintuan pantungo sa kanilang dimensyon. Ibig sabihin ng "Tamawo" sa wikang Hiligaynon ay "Mula sa ibang Mundo" o "Mula sa ibang Daig-dig".

Banwaanon - Ang mga kinakatakutang Engkanto sa Kabisayaan. Matatangakad at maputi na kulay marmol ang balat at ang buhok ay kulay puting-puti o pilak. Pinaniniwalaang magkakamukha o masyadong magkakahawig ang lahat ng mga lalaking Banwaanon. Ang mga Engkantadong Banaanonay Kinakatakutan dahil nagdudulot ng sumpa at sakit sa mga taong hindi nila nagugustuhan ang itsura, at nangdudukot ng mga bata at babaeng magaganda. Sa mga makabagong kwentong bayan ang mga Banwaanon ang pinaniniwalaang masasamang engkanto na nag haharing uri sa siyudad ng Biringan. Bagamat masama Ang mga lalakeng Banwaanon kabalitaran Ang mga engkantadang Banwaanon. Angga babaeng engkantong Banwaanon ay kaawain at matulungin sa mga tao. Magkabaliktad ang ugali ng lalaki at babaeng Banwaanon.

Itim na Engkanto - Mga engkanto na nagpapakita bilang mga anino o mga itim na nilalang. Mga maligno na mapanakit at mapaminsala. Sila ay tinatawag na Engkanto Negro o mga itim na elemento. Nagpapkita sa mga tao at nanahan Ang mga engkantong itim sa malalaking bahay. Mapanakit at nakakatakot. Ang mga itim na Espiritu ay minsan sumasapi sa mga taong kanilang napupusuan. Ang mga tunay nilang katawan ay nasa Mundo ng mga engkanto tanging mga anino lamang nila ang nanahan sa mundo ng mga tao.

Anggitay - Ang mga Anggitay ay magagandang babaeng engkantada na ang pang itaas na bahagi ng katawan ay magaganda at mapuputing dilag. Maganda, maputi at kulay puti o pilak ang buhok, habang ang pang ibabang bahagi ng katawan ay tila sa putting kabayo o di kaya ay sa puting  usa. Nakatayo sa apat na paa ng kabayo ang iba ay usa. Pinaniniwalaang lahat ng anggitay ay babae, kung kayat nagpapalahi lamang sila sa mga Tikbalang Kahit kinasusuklaman nila ang mga ito. Kailangan lamang ng mga anggitay ang punla ng mga tikbalabg. Ayon sa mga kwentong bayan mababait nguint napaka ilap ng mga anggitay. Sila ay naakit at nahahalina sa mga makikinam o makikintab na mga bagay.

Dalaketnon - Masamang uri ng engkanto, ang mga Lalaking Dalaketnon ay magagandang lalaki na may mapuputing balat at mahabang itim na buhok. Inaakit nila sa kanilang Mundo Ang mga tao upang maging asawa o di kaya ay alipin. Hinhandaan ng Dalaketnon ang biktima ng itim na kanin, kapag itoy kinain ng tao hindi na siya makakaalis sa mundo ng engkanto. Pinaniniwalaang puno ng Balete ng pinto sa patungo sa kanilang daigdig o dimensyon. Ang ibig sabihin ng Dalaketnon ay "Nagmula sa Dalakit" o puno ng Dalakit, na puno ng Balete sa Tagalog.

Babaeng Dalaketnon - Ang mga babaeng Dalaketnon ay mga magagandang engkanto na may ginintuang kayumanging balat. Inaakit nila ang mga lalaki ay binata gamit ang kanilang ganda, aalukin ang binata ng itim na kanin kapag kinain ito ng tao hindi na siya makakaalis sa dimensyon ng engkanto.

Abyan - Mga Engkanto na tila anak araw na napaka puti Ang mga buhok ay puti o ginintuan. Bulaw o Bulawan ang ibang tawag sa Abyan dahil sa kulay ng buhok. Tila mga bata o Hindi tumatanda, Ang matandang Abyan ay tila binatilyo o dalagita parin. Gumagabay sa mga mabubuting tao ang Abyan. Ang lalaking Abyan pag umibig sa mortal ay dadalawin at liligawan nya ito sa panaginip. At sa panaginip maaring mabuntis ang babae, na parating kambal ang anak o ipagbubuntis. Ang Isang anak ay ipapanganak ng tila anak araw o napaka puti sa Mundo ng mga tao habang ang kambal nito ay kasabay na ipapanganak sa mundo ng mga engkanto.

Tawong Lipod - mga di nakikitang espiritu at masasamang maligno na kung nagpapakita ay mga itim na anino o taong itim. Mga dating mababait at magagandang diwata ng hangin, bago sila naging itim na maligno ng kasamaan. Ang mga Tawong Lipod ay magaganda at mapuputing diwata ng hangin at ulap na bumaba sa lupa. Ang mga hindi nakakabalik agad sa langit ay nagiging itim na Engkanto at nagiging masamang maligno nagdudulot ng sakit at karamdaman.

Lambana - Mga nilalang na nangangalaga ng kalikasan. Mga maliliit na uri ng lumilipad na nilalang na may pakpak ng tutubi o paru-paro. Maliliit na uri ng diwata. Maykapangyarihan silang magpalit anyo na sing laki at wangis tao. Kapag anyong tao pansamantalang nawawala ang kanilang mga pakpak. Dahil sa taglay nilang ganda mapa babae man o lalaking lambana Kadalasang napagkakamalang Diwata ang mga Lambana. Ayon sa mga kwentong bayan ang mga Lambana ay abay o tagapanglingkod ng mataas na uri ng Diwata. Ang konsepto ng lambana ay may pagkakatulad sa diwata, bagamat ang lambana ay karaniwang itinuturing na mas maliit at may pakpak, habang ang diwata naman ay kadalasang inilalarawan bilang mas makapangyarihang mga nilalang. Pareho silang tagapangalaga ng kalikasan, at ang kanilang mga kwento ay nagpapakita ng pagpapahalaga at respeto ng sinaunang kulturang Pilipino sa kalikasan.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Engkanto". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-09. Nakuha noong 2009-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Encyclopedia Mythica". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-22. Nakuha noong 2009-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Aguilar, Filomeno V. (1998). Clash of Spirits. University of Hawaii Press. ISBN 0-8248-2082-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gailyn Van Rheenen, Gailyn Van Rheenan (2006). Contextualization And Syncretism: Navigating Cultural Currents. William Carey Library. ISBN 0-87808-387-1. Nakuha noong 2008-06-21.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 *Demetrio, Francisco (1969). "The Engkanto Belief: An Essay in Interpretation". Asian Folklore Studies. 28 (1): 77–90. doi:10.2307/1177781. Nakuha noong 2008-06-19.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Ramos, Maximo D. (1971). Creatures of Philippine Lower Mythology. Philippines: University of the Philippines Press. pp. 55–56. OCLC 804797.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) ISBN 971-06-0691-3 (Quezon City Press, 1990)
  7. *Borchgrevink, Axel (2003). "Ideas of Power in the Philippines". Cultural Dynamics. 15 (1): 41–69. doi:10.1177/0921374003015001108. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-09. Nakuha noong 2008-06-19.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 "Mysterious engkantos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-04-18. Nakuha noong 2009-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Dictionary, sa Ingles: bewitched
  10. Dictionary, sa Ingles: spellbound
  11. Dictionary, sa Ingles: enchanted/enchanter