Kalye Zobel Roxas

(Idinirekta mula sa Eskinitang Zobel Roxas)

Ang Kalye Zobel Roxas (Ingles: Zobel Roxas Street) ay isang kalye na bumubuo sa timog-silangang hangganan ng Lungsod ng Maynila at hilagang hangganan ng mga lungsod ng Makati at Pasay sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito mula Kalye Tramo sa ligid ng Singalong ng Malate hanggang sa Kalye Tejeron sa Santa Ana. Mayroon itong maikling ekstensyon paglampas ng panulukan ng Kalye Tejeron–Abenida J.P. Rizal bilang Kalye Del Pan. Ang haba ng kalye ay 2.2 kilometro (1.4 milya).

Kalye Zobel Roxas
Zobel Roxas Street
Impormasyon sa ruta
Haba2.2 km (1.4 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluran N171 (Kalye Tramo) sa Malate
 
Dulo sa timogKalye Tejeron–Abenida J.P. Rizal sa Santa Ana
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Zobel Roxas at iba pang mga kalye sa ligid nito (tulad ng mga Kalye Jacobo, Consuelo, Don Pedro, at Ayala) ay pinangalanan sa Pamilyang Zobel de Ayala na nagpausbong ng mga subdibisyong para sa mga taong nakaluluwag sa buhay sa mga ligid ng Singalong at San Andres noong dekada-1930.[1] Ang mga ligid na ito ay bumuo sa bahagi ng malawak na Hacienda de San Pedro Macati na binili at pinaunlad ng pamilyang Ayala para gawing mga nayon pang-komersyal at panresidensyal sa Maynila at Makati.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ayala Land Group of Companies". RealEstateCagayan.com. Nakuha noong 28 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

14°34′5″N 121°0′19″E / 14.56806°N 121.00528°E / 14.56806; 121.00528