Estasyon ng Carmona

Ang estasyong San Pedro-Carmona Resettlement (San Pedro-Carmona Resettlement station), na pinaikli bilang Carmona, ay isang dating estasyon ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) na nagsilbing dulo ng dating linyang sangay ng San Pedro-Carmona. Matatagpuan ito sa bayan ng Carmona, Kabite.

San Pedro-Carmona Resettlement
Pambansang Daambakal ng Pilipinas
Pangkalahatang Impormasyon
LokasyonBrgy. Magsaysay, San Pedro, Laguna
Pilipinas
Pagmamayari ni/ngPambansang Daambakal ng Pilipinas
Linya     Linyang Carmona
Riles1 + 1 stabling
Konstruksiyon
Uri ng estrukturaNasa Lupa
Ibang impormasyon
KodigoCMA
Kasaysayan
NagbukasAbril 1, 1973
Nagsara2010
Serbisyo
Huling station   PNR   Susunod station
patungong Tutuban
Commuter Express
Carmona Line
Hangganan

Kasaysayan

baguhin

Itinayo ang linyang sangay ng San Pedro-Carmona upang maglingkod sa San Pedro-Carmona Resettlement Center. Binuksan ang estasyong Carmona noong Abril 1, 1973. Dalawampu't-anim na mga tren (labing-apat na mga lakbay sa bawat direksiyon) ay nagsilbi sa linya mula Maynila at Caloocan at gayundin naman papuntang Maynila at Caloocan. Dumating ang huling tren sa estasyon noong 2010 upang i-angat ang mga riles na nilalansag na sa mga oras na iyon.

Pagkakaayos

baguhin

Binubuo ang estasyon ng isang pangunahing riles at isang riles sa tabi. Inuugnay ng mga hagdan ang pasukang bulwagan, plataporma at pasukan ng estasyon sapagkat matatagpuan ang estasyon sa gilid ng burol.

Tingnan din

baguhin

Coordinates needed: you can help!