Estonya

(Idinirekta mula sa Estoniano)

Ang Estonya (Estonyo: Eesti), opisyal na Republika ng Estonya (Estonyo: Eesti Vabariik) ay isang bansa sa silangang baybayin ng Dagat Baltiko sa Hilagang Europa. Ito ay napapaligiran sa hilaga ng Golpo ng Pinlandiya sa ibayong Pinlandiya; sa kanluran ng Dagat Baltiko sa ibayong Suwesya; sa timog ng Letonya; at sa silangan ng Lawang Peipus & Rusya. Ang teritoryo nito ay binubuo ng pangunahing lupa & ng 2,222 isla sa Dagat Baltiko[8], sumasaklaw sa isang kabuuang lugar na 45,2272 km2 (17,462 mi2) at nakakaranas ng klimang mahalumigmig-kontinental. Sina Tallinn, ang kabisera ng Estonya; at Tartu ay ang mga pinakamalaking siyudad at pook-urban sa bansa. Ilan sa mga kilalang siyudad ay: Narva, Pärnu, Kohtla-Järve, at Viljandi. Ang opisyal na wika ng bansa, Estonyo, ay ang ikalawang-pinakasalitang wikang-Pinnik.

Republika ng Estonya
Eesti Vabariik (Estonyo)
Watawat ng Estonya
Watawat
Eskudo ng Estonya
Eskudo
Awitin: Mu isamaa, mu õnn ja rõõm
"Amang bayan ko, aking ligaya at galak"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Tallin
59°25′N 24°45′E / 59.417°N 24.750°E / 59.417; 24.750
Wikang opisyal
at pambansa
Estonyo
KatawaganEstonyo
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Alar Karis
Kristan Michal
LehislaturaRiigikogu
Kasarinlan 
mula sa Rusya Rusya and Imperyong AlemanAlemanya
24 February 1918
2 February 1920
1940–1991
20 August 1991
1 May 2004
Lawak
• Kabuuan
45,339[1] km2 (17,505 mi kuw) (129thd)
• Water
2,339 km2 (903 mi kuw)
• Katubigan (%)
5.16 (2015)[2]
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
Neutral decrease 1,331,796[3]
• Senso ng 2021
1,331,824[4]
• Densidad
30.6/km2 (79.3/mi kuw) (148th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2022
• Kabuuan
$59.557 billion[5] (114th)
• Bawat kapita
$44,778[5] (39th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2022
• Kabuuan
$37.202 billion[5] (97th)
• Bawat kapita
$27,971[5] (42th)
Gini (2021)30.6[6]
katamtaman
TKP (2021)Decrease 0.890[7]
napakataas · 31st
SalapiEuro () (EUR)
Sona ng orasUTC+02:00 (EET)
• Tag-init (DST)
UTC+03:00 (EEST)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+372
Internet TLD.eeb
  1. According to the Constitution of Estonia, Estonian is the sole official language.
  2. Also .eu, shared with other member states of the European Union.

Ang teritoryo ng Estonya ay tinitirhan mula noong mga 9,000BC. Ang mga sinaunang Estonyo ay naging ilan sa mga huling paganong Europeo na naging Kristyano pagkatapos ng Krusadang Lebonya sa ika-13ng siglo[9]. Pagkatapos ng mga siglo ng sunud-sunod na pamumuno ng mga Aleman, Danes, Suweko, Polako, at Rusyo, unti-unting umusbong ang kakaibang pambansang pagkakakilanlan sa ika-19 & maagang-ika-20ng siglo. Ito ay humantong sa pagkaroon ng kasarinlan mula sa Rusya sa 1920 pagkatapos ng maikling Giyera ng Kalayaan pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, kung saan ang mga Estonyo, sa ilalim ni Heneral Laidoner, ay kailangang lumaban para sa bagong kalayaan. Paunang demokratiko bago dumating ang Malawak na Kahirapan, ang Estonya ay nakaranas ng pamumunong-awtoritaryan mula 1934 sa Panahon ng Tahimik. Sa ilalim ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), ang Estonya ay paulit-ulit na inaagaw ng Alemang Natsi & ng Komunistang Rusya (USSR), na nagdulot sa pag-angkin ng USSR nito bilang isang Republikang Sobyet: ang Sobyetikong Sosyalistang Republika ng Estonya. Pagkatapos ng pagkawala ng di-opisyal na kalayaan para sa USSR, ang opisyal na pagpapatuloy ng estado ay napanatili ng mga delegadong diplomatiko & ang pamahalaang-patapon. Sa 1987, ang mapayapang Rebolusyong Pagkanta ay nagsimula laban sa pamumunong-Sobyet, na nagdulot sa pagbalik ng de facto na kalayaan sa 20 Agosto 1991.

Ang soberanong estado ng Estonya ay isang demokratikong unitaryong republikang parlamentaryo na hinahati sa 15 lalawigan (counties, Estonyo: maakond). Na may populasyon ng 1.3 milyon, ito ay isa sa mga di-malaking-populasyong miyembro ng Unyong Europeo, ang Eurozone, ang OECD, ang Shengen Area, NATO, at ang Kapulungang Pangkatiwasayan ng Mga Nagkakaisang Bansa.[10]

Ang Estonya ay isang bansang-unlad na may masulong at mayamang ekonomiya na isa sa mga pinakabilis-na-umuusbong sa UE mula sa pagpasok nito rito sa 2004[11]. Ito ay nasa malaking ranggo sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao,[12] at ihinahambing nang maayos sa aspeto ng kalayaang-ekonomika, kalayaang-sibil, edukasyon,[13] at kalayaang-pamamahayag[14]. Ang mga mamamayang Estonyo ay nakakatanggap ng unibersal na pangangalaga sa kalusugan, libreng edukasyon, at ang pinakamahabang ibinayad na maternity leave sa OECD.[15] Bilang isa sa mga pinakamaunlad sa aspetong digital na bansa sa mundo[16], ang Estonya ay ang pinakaunang estado na nagsagawa ng halalan gamit ng Internet noong 2005; at ang pinakaunang estado na magbigay ng e-residency noong 2014.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Information About Estonia 2021". {{cite web}}: Missing or empty |url= (tulong)
  2. "Surface water and surface water change". Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD). Nakuha noong 2020-10-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Population Figure". Statistics Estonia. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2022. Nakuha noong 28 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Population census: Estonia's population and the number of Estonians have grown". Statistics Estonia. Hunyo 1, 2022. Nakuha noong 5 Hunyo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "World Economic Outlook Database, April 2022". International Monetary Fund. International Monetary Fund. Nakuha noong 21 Abril 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Gini coefficient of equivalised disposable income". EU-SILC survey. Eurostat. Nakuha noong 22 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Estonia discovers it's actually larger after finding 800 new islands. Matthew Holehouse. The Telegraph, 28 August 2015 https://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/europe/estonia/11830643/Estonia-discovers-800-new-islands.html
  9. Estonia Country Profile. LegaCarta. Isinangguni noong 8 Enero 2021. https://legacarta.intracen.org/country/est/
  10. Gallery: Estonia gains non-permanent UN Security Council seat. ERR News. 7 Hulyo 2019. Isinangguni noong 8 Enero 2021. https://news.err.ee/950290/gallery-estonia-gains-non-permanent-un-security-council-seat
  11. Estonian Economic Miracle: A Model for Developing Countries. Global Politician. Inarkib mula sa orihinal sa 28 Hunyo 2011. Isinangguni noong 8 Enero 2021. https://web.archive.org/web/20110628230137/http://www.globalpolitician.com/2614-baltic-eu-expansion-estonia
  12. 2020 Human Development Report (PDF). United Nations Development Programme. 2019. Isinangguni noong 8 Enero 2021. http://hdr.undp.org/sites/default/files/hdr2020.pdf
  13. Asian countries dominate, science teaching criticized in survey. Yahoo. https://www.yahoo.com/news/asian-countries-dominate-science-teaching-criticised-survey-101202488.html Naka-arkibo 2020-08-15 sa Wayback Machine.
  14. Press Freedom Index 2016. Reports Without Borders. Isinangguni noong 8 Enero 2021. https://rsf.org/en/ranking
  15. Which countries are most generous to new parents? The Economists. Isinangguni noong 8 Enero 2021. https://www.economist.com/graphic-detail/2016/10/18/which-countries-are-most-generous-to-new-parents
  16. Welcome to E-stonia, the world's most digitally advanced society. Wired. Isinangguni noong 8 Enero 2021. https://www.wired.co.uk/article/digital-estonia