Fernando Poe, Sr.
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Hulyo 2009)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Si Fernando Poe, (27 Nobyembre 1916 – 23 Oktubre 1951) ay isang Pilipinong Aktor noong bago pa magkadigmaang Pandaigdig. Ipinaganak si Poe noong 27 Nobyembre 1916. Siya ang ama ng isa pang hari ng aksiyon na si Fernando Poe, Jr. (Ronald Allan K. Poe), at mga aktor na sina Andy Poe (Fernando K. Poe II) at Freddieboy Poe (Fredrick K. Poe). Siya ay ikinasal kay Elizabeth Kelly. Kilala rin si Poe sa pangalang Fernando Poe, Sr., dahil sa kasikatan ng anak na Fernando Poe, Jr. Ang tunay na pangalan ni Poe ay ibinigay ng mga taga-balita bilang Allan Fernando Poe (or Allan F. Poe)[1][2], Fernando Reyes Poe (Fernando R. Poe)[3], o Allan Fernando Reyes Poe.
Fernando Poe, Sr. | |
---|---|
Kapanganakan | 27 Nobyembre 1916
|
Kamatayan | 23 Oktubre 1951
|
Libingan | Sementeryo Norte ng Maynila |
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | artista, direktor ng pelikula, prodyuser ng pelikula, manunulat |
Anak | Fernando Poe Andy Poe Conrad Poe |
Nagka-anak rin si Fernando Poe kay Patricia Mijares, ang aktor na si Conrad Poe
Una niyang pelikula ay ang Ang Birheng Walang Dambana na nasundan ng isang katatakutang pelikulang Bakas ng Kalansay.
Naging bida siya at iyon ay ang pelikula noong 1937 ang unang bersyon ng Zamboanga. Gumawa rin siya sa X'Otic Pictures at iyon ay ang mga Punit na Bandila, Leron-Leron Sinta at Hatol ng Mataas na Langit.
Noong 1938 ginawa niya ang isang Musikal na Ang Maya kung saan ginamit niya ang sariling boses sa pelikula.
Unang pelikula niya sa LVN Pictures ay ang Giliw ko kung saan nakatambal niya si Mona Lisa na nasundan ng Mabangong Kandungan at kasama rin siyang gumawa ng isang pelikula sa kasagsagan ng Digmaang Hapones ang Liwayway ng Kalayaan.
Taong 1941 ng una niyang itatag ang sarili niyang produksiyon ang Palaris Pictures na ang unang pelikula ay Palaris na nagkaroon ng karugtong ang Awit ni Palaris noon namang 1946.
Una niyang idinihe ang Dugo ng Bayan na isang Pelikulang Digmaan at itinatag din niya sa ikalawang pagkakataon ng kanyang sariling produksiyon ang Royal Films kung saan pinagbidahan ni Rosa del Rosario ang Darna.
Siya ay namatay noong 23 Oktubre 1951, dahil sa inpeksiyong dulot ng Rabis.
Pelikula
baguhin- 1936 -Ang Birheng Walang Dambana
- 1937 -Bakas ng Kalansay
- 1937 -Zamboanga
- 1938 -Ang Maya
- 1938 -Hatol ng Mataas na Langit
- 1939 -Punit na Bandila
- 1939 -Leron-Leron Sinta
- 1939 -Giliw ko
- 1939 -Hanggang Langit
- 1939 -Mabangong Bulaklak
- 1939 -Biyak na Bato
- 1940 -Dilim at Liwanag
- 1940 -Puso ng Isang Filipina
- 1940 -Dalagang Filipina
- 1940 -Tinig ng Pag-ibig
- 1940 -Alaalang Banal
- 1940 -Datu-Talim
- 1941 -Bayani ng Buhay
- 1941 -Paraluman
- 1941 -Ang Viuda Alegre
- 1941 -Palaris
- 1941 -Puting Dambana
- 1942 -Princesa Urduja
- 1944 -Liwayway ng Kalayaan
- 1946 -Awit ni Palaris
- 1946 -Dugo ng Bayan
- 1946 -Intramuros
- 1947 -Limbas
- 1947 -Hacendera
- 1947 -Anak-Pawis
- 1948 -Callejon
- 1949 -Carmencita Mia
- 1949 -Sagur
- 1949 -The 13th Sultan
- 1949 -Kumander Mameng
- 1950 -Kilabot ng San Nicolas
- 1950 -Bertong Balutan
- 1950 -Kami ang Sugatan
- 1950 -Bella Vendetta
- 1950 -Sigaw ng Bayan
- 1951 -Nanay ko!
- 1951 -Mag-inang Ulila
- 1951 -Anak ko!
- 1951 -Darna
- 1951 -Walang Kapantay
Sangunnihan
baguhin- ↑ "...indicated that (Ronald Allan Poe's) parents are Allan F. Poe and Bessie Kelley". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-04. Nakuha noong 2008-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "...no available information could be found in the files of the National Archives regarding the birth of Allan F. Poe....records of birth in (the City Civil Registrar of San Carlos City, Pangasinan) during the period of from 1900 until Mayo 1946 were totally destroyed during World War II..." Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-15. Nakuha noong 2008-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The document (Affidavit for Philippine Army Personnel, 22 Disyembre 1947), signed by “Fernando R. Poe” states, among others, the names of the signatory’s children, namely Elizabeth, Ronald Allan, and Fernando II[patay na link]