Ang Flitto (Hangul: 플리토) ay isang pandaigdigang crowdsourcing platform ng pagsasalin (iOS, Android, web), kung saan ang mga users ay bumibili o kumikita ng mga puntos para mag-request ng mga pagsasalin.

Flitto Inc.
UriPubliko
IndustriyaPagsasalin, Social
Itinatag1 Setyembre 2012
NagtatagSimon Lee CEO, tagapagtatag
Dan Kang CTO, Co-founder
Jin Kim CFO, Co-founder
Punong-tanggapanGangnam-gu, Seoul, South Korea
ProduktoCrowdsourced Translation services
Websiteflitto.com

Ang serbisyo ay sumusuporta sa pagsasalin ng teksto, imahe, at boses sa 18 iba’t ibang mga wika (Aleman, Arabe, Biyetnames, Espanyol, Hapones, Hindi, Indones, Ingles, Italyano, Koreano, Portuges, Pranses, Ruso, Tagalog, Thai, Tsino (Pinasimple), Tsino (Tradisyonal), Turko).

Sa kasalukuyan, tinatayang mayroong higit sa 4.5 milyong users ang gumagamit ng Flitto sa 210 mga bansa, at mayroong 300,000 na isinusumiteng pagsasalin araw araw.

Kasaysayan 

baguhin

Ang Flitto ay na-incorporate noong 1 Setyembre 2012 ng founder na si Simon Lee, kasama ng mga co-founder na sina Dan Kang at Jin Kim. Ang kumpanya ay napili bilang kauna-unahang Asyanong kumpanya na nakasali sa programang SpringBoard incubation sa London (kilala ngayon bilang Techstars London) sa parehong taon.[1] Ang unang opisyal na tanggapan ng Flitto ay sa MARU180, isang start-up center, na matatagpuan sa Yeoksam-dong, Seoul. Ang kasalukuyang tanggapan ay matatagpuan sa Samseong-dong, Seoul. Simula ng maitatag ito, ang Flitto ay nagtatrabaho katuwang ang iba pang pandaigdigang kumpanya gaya ng Microsoft, JYP, Google, at Naver.

Puntos

baguhin

Ang mga puntos ay kinakailangan upang mag-request ng pagsasalin. Ang mga puntos ay maaaring bilhin sa pamamagitan ng credit card (sa Korea lamang), PayPal, AliPay, o kinita sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga pagsasalin at pagkakapili ng mga ito. Ang mga puntos ay maaari ring gamitin upang mag cash-out, gumawa ng donasyon o mamili sa Flitto Store.

Maaaring gamitin ng mga user ang mga puntos na kanilang nakuha sa Flitto Store upang bumili ng mga item, mag-donate, o mag cash-out. Ang mga donasyon ay maaaring ibigay sa ilang mga proyekto gaya ng donasyon para sa mga bata mula sa grupong Moken, o para sa edukasyon ng mga kababaihan sa ilang mga papaunlad na mga bansa. Ang mga mamahaling item gaya ng tiket sa eroplano at Apple Watches ay ilan sa mga produktong madalas na itinatampok tuwing mayroong mga event.

Pagsasalin

baguhin

Maikling Pagsasalin

baguhin

Ang mga user ay maaaring mag-request ng mga pagsasalin ng teksto, imahe at boses na mayroong mas mababa sa 250 character, sa 18 iba’t ibang mga wika (Arabic, Tsino (Pinasimple), Tsino (Tradisyonal), Ingles, Pranses, Aleman, Indonesian, Italiano, Hindi, Hapon, Koreano, Portuguese, Ruso, Espanyol, Thai, Turkish, Vietnamese). Ang mga request ay ipapasa sa iba’t ibang mga user na mayroong kakayahang magsalin sa hiniling na wika, upang kumita ng mga puntos bilang kabayaran sa kanilang pagsasalin.

Mahabang Pagsasalin

baguhin

Ang Flitto ay nagbibigay ng mahabang pagsasalin ng hanggang sa 10,000 character sa 8 iba’t ibang mga wika (Koreano, Tsino (Pinasimple), Tsino (Tradisyonal), Hapon, Ingles, Thai, Espanyol, at Indonesian). Ang mga ini-upload na teksto ay hinahati sa mas maikling mga request ng pagsasalin, at ipinapasa sa iba’t ibang mga user na tagasalin. Upang mapanatili ang kalidad ng mga pagsasalin, maaaring mag-iwan ang mga nag-request ng memo para sa mga tagasalin. Maaaring basahin ng mga tagasalin ang buong teksto, gayundin ang mga pagsasaling ginawa ng mga ibang user sa iba pang bahagi ng teksto.

Mga Pagsasalin sa SNS

baguhin

Ang mga kilalang account sa SNS gaya ng mga celebrity o media group ay isinasalin sa iba’t ibang wika. Ilan sa mga sinusuportahang SNS platform sa kasalukuyan ay: Twitter, Instagram, at Weibo. Ang mga celebrity, tulad ng K-pop star na si Psy at manunulat na si Paulo Coelho ay inindorso sa publiko ang serbisyong ito.[2]

Iba Pang Mga Serbisyo

baguhin

Star Voice

baguhin

Ang mga Twitter-certified na celebrity ay maaaring mag log-in sa Flitto sa pamamagitan ng kanilang mga account sa Twitter at mag-iwan ng voice message na isasalin sa 17 iba’t ibang wika. Ilang mga K-pop star gaya ng mga miyembro ng Super Junior na sina Henry at Siwon, Teen Top, Block B, G.NA atbp. ay gumagamit ng Flitto upang mag-iwan ng mensahe sa kanilang mga tagahanga sa iba’t ibang panig ng mundo.

Global Contents

baguhin

Ang ‘Content’ section ng Flitto ay araw-araw na ina-update ng mga nakakaaliw na mga artikulo mula sa buong mundo. Ang mga nilalaman ay maaaring tungkol sa mga katatawanan o tips sa pakikipag-date, at isinalin ng mga user.

QR Code

baguhin

Ang mga user ay maaaring gumawa ng mga QR codes para sa kanilang mga request. Sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code, maaaring makita ang request at pagsasalin nang hindi naglo-log in. Ang mga QR code ay madalas na ginagamit ng mga may-ari ng tindahan at restaurant sa mga pangunahing distrito ng Seoul, kabilang ang Myeongdong, Hongdae, at Insadong.

Mga Nakamit

baguhin

2012.09 – Natanggap ang $500,000 halaga ng seed investment mula DSC Investment

2012.09 – Napili upang lumahok sa TechStars London incubation program (Kauna-unahang kumpanyang Asyano na naging bahagi ng TechStars network)

2012.12 – Kauna-unahang kumpanyang Asyano na napili bilang Silicon Valley IR Company

2012.12 – Napili bilang isa sa 5 picks mula sa 2012 Springboard Demo Day sa Silicon Valley

2012.12 - Kauna-unahang kumpanyang Asyano na gumawa ng IR presentation sa Facebook HQ

2013.03 – Napili upang maging bahagi ng Korean Pavilion sa SXSW 2013

2013.05 – Napili bilang isang kumpanyang kumakatawan sa creative economy ng Ministry of Science, ICT and Future Planning

2013.07 – Nagtakda ng tanggapan sa Silicon Valley

2013.08 – Napili upang maging kinatawan ng Seoul sa Seedstars World Competition (Swiss)

2013.09 – Napili upang maging bahagi ng Korean Pavilion sa TechCrunch SF 2013

2013.09 – Opisyal na inilunsad ang Flitto sa TechCrunch Disrupt

2013.12 - Napili bilang “Best Startup” sa Global K-Startup Program na inorganisa ng Korea Internet Security Agency at Plug and Play

Mga Karangalan

2012.10 – Unang gantimpala sa Innovative Tech Startup, na inorganisa ng Morrison & Foerster (London)

2013.05 - Unang gantimpala sa Mobile Start-up Korea Superstar, na inorganisa ng MK News

2013.10 – Napili ng pamahalaan ng bansang Israel bilang kinatawan ng Korea para sa Start Tel Aviv (Championship)

2013.12 – Nanalo sa huling round ng Golden Pentagon (KBS)[3]

2013.12 - Nanalo sa paligsahang Startup 2013 na inorganisa ng Ministry of Science, ICT and Future Planning

2014.02 - Nanalo sa Seedstars World Competition (Swiss)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Gangnam (style) SpringBoard Startup Flitto Is THE Translation App" http://seriousstartups.com/2013/03/25/gangnam-style-techstars-startup-flitto-translation-app,
  2. "Gangnam: The Silicon Valley of South Korea" https://www.entrepreneur.com/article/229054
  3. 황금의 펜타곤 https://ko.wikipedia.org/wiki/%ED%99%A9%EA%B8%88%EC%9D%98_%ED%8E%9C%ED%83%80%EA%B3%A4

Mga kawing panlabas

baguhin