Gabriel Daza

Pilipinong inhenyerong elektrikal, tagataguyod ng PLDT, PT&T, at PEMCO

Si Don Gabriel A. Daza, KGCR, KC*SS (Pebrero 6, 1896 – Mayo 18, 1994) ay ang unang Pilipinong inhenyerong elektrikal at isa sa mga kartang miyembro ng Kapatirang Scout ng Pilipinas (BSP). Kasama niyang itinatag ang Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT), Philippine Telegraph and Telephone Co. (PT&T), Philippine Electric Manufacturing Company (PEMCO), Phelps Dodge Philippines. Siya ang inhenyerong nangangasiwa at tagatulong na pangunahing tagapamahala ng Visayan Electric Company (VECO) at pinangunahan ang pagpapalawak nito palabas ng Lungsod ng Cebu. Naging pangulo at punong tagamanman ng BSP noong 1961–68. Noong 1945, hinirang ni Pangulong Sergio Osmeña si Daza na maging miyembro ng lupon ng mga direktor ng Manila Railroad Company at Philippine Charity Sweepstakes Office. Noong 1950, siya ay ginawang biseng tagapangulo ng National Power Corporation at sa lupon ng mga direktor ng Manila Hotel Company. Noong 1951, si Daza ay hinirang ni Pangulong Elpidio Quirino bilang isang miyembrong tagataguyod ng lupon ng mga direktor ng National Shipyard and Steel Corporation. Siya rin ay naging pangulo at direktor ng National Economic Protection Agency (NEPA) noong 1956.

Don, Ginoong

Gabriel Daza

Si Daza noong 1921
Personal na detalye
Isinilang
Gabriel Amando Cinco Daza

6 Pebrero 1896(1896-02-06)
Borongan, Samar, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas
Yumao18 Mayo 1994(1994-05-18) (edad 98)
Lungsod ng Quezon, Pilipinas
KabansaanPilipino
Amerikano
AsawaAngeles Ortega (k. 1922)
Anak7
Tingnan ang mga anak
Beatriz Daza Orendain
Gabriel Daza Jr.
David Daza
Rodolfo Daza
Elena Daza Valenzuela
Teresa Daza Baltazar
Francisco Daza
MagulangEugenio Daza (ama)
Carolina Cinco (ina)
Alma materWestinghouse Electric Co.
Ateneo de Manila
PropesyonNegosyante
Inhenyerong Elektrikal
Kilala bilangMiyembro ng Charter ng BSP
Unang Pilipinong inhenyerong elektrikal
Tagataguyod ng PLDT
RelihiyonRomano Katoliko
Serbisyo sa militar
Katapatan Pilipinas
Sangay/Serbisyo Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Ranggo Kapitán