Galbi
Ang galbi[1] (Koreano: 갈비), kalbi o galbi-gui[1] (갈비구이) ay isang uri ng gui (inihaw na pagkain) sa lutuing Koreano. "Galbi" ang salitang Koreano para sa "tadyang", at karaniwang ginagamit ang tagiliran ng baka sa ulam na ito. Kapag tadyang ng baboy o iba pang karne ang ginamit, pinangangalanan nang naaayon ang ulam. Inihahain ang galbi nang sariwa, at niluluto sa ihawan sa lamesa kadalasan ng mga kakain mismo.[2] Maaaring ibabad ang karne sa isang matamis at malinamnam na timpla na nilalaman ng toyo, bawang, at asukal. Karaniwang itinatampok ang di-timplado at timpladong galbi sa mga sampgyupan.[3] May impluwensiya ito at iba pang ulam sa samgyupan sa yakiniku na makikita sa paggamit ng galbi (kilala roon bilang karubi).
Ibang tawag | Galbi-gui |
---|---|
Uri | Gui |
Lugar | Korea |
Rehiyon o bansa | Silangang Asya |
Kaugnay na lutuin | Lutuing Koreano |
Pangunahing Sangkap | Tagiliran ng baka o tadyang ng baboy |
Mga katulad | Dak-galbi, tteok-galbi |
Karagdagan | Karaniwang itinatampok sa mga samgyupan |
|
Pangalang Koreano | |
Hangul | 갈비 |
---|---|
Binagong Romanisasyon | galbi |
McCune–Reischauer | kalbi |
IPA | [kal.bi] |
Paghahanda
baguhinMga hiwa at timpla
baguhinAyon sa tradisyon, hinihiwa ang galbi upang ilantad ang isang makinis na buto sa may maikling gilid, at nakapilete nang pantay-pantay ang karne. Mayroon ding alternatibong hiwa, ang "LA galbi" na nagtatampok ng mga putol na buto na nakasilip sa may mahabang gilid. Binuo itong paraan ng paghiwa ng mga imigranteng Koreano sa Los Angeles dahil mas gusto ng mga Amerikanong magkakarne ang manipis na hiwang rib-eye.[4][5] Mula noon, ang baryasyon na iyon, na nakakasipsip ng timpla nang mas mabilis, ay nakarating na sa Timog Korea. Tinatawag na saeng-galbi (생갈비; "sariwang tadyang") ang di-timpladong galbi; habang tinutukoy ang timpladong galbi bilang yangnyeom-galbi (양념갈비; "timpladong tadyang"). Karaniwang timplado ang galbing baboy, ngunit sikat sa Jeju ang di-timpladong dwaeji-saeng-galbi (돼지생갈비; "sariwang tadyang ng baboy"), na gawa sa itim na baboy ng Pulo ng Jeju.[6] Dahil mas maliit ang mga tadyang ng baboy, karaniwang binubuo ang timpladong dwaeji-galbi ng tadyang ng baboy na hinalo sa mga balikating karne.[7]
Baka
baguhinMas kanais-nais ang mga malalambot na hiwa ng baka, gaya ng karne mula sa dalagang baka, sa pag-iihaw ng galbi.[8][9] Kapag inihaw nang mabuti, ang ulam ay makintab, matingkad-pulang kayumanggi na may mausok at matamis na lasa.[8] Dapat madaling tanggalian ang karne mula sa mga buto.[8]
Karaniwang nilalaman ang timpla para sa so-galbi-gui (소갈비구이; "inihaw na tagiliran ng baka") ng toyo, asukal, tinadtad na bawang at tanduyong, katas ng luya, paminta, tinosta at giniling na linga, at langis ng linga. Karaniwang iskinoskor ang baka sa rabaw bago ibabad sa timpla, at pinapahiran ang katas mula sa Koreanong peras bago iniihaw.[9]
Baboy
baguhinPara sa dwaeji-galbi-gui (돼지갈비구이; "inihaw na tadyang ng baka"), maaaring de-ganjang (toyo) o de-gochujang (masang sili) ang timpla: kahawig ng timpla ng bakang galbi ang de-ganjang habang maanghang naman ang de-gochujang.[10][11] Karaniwang ginagamit ang cheongju sa dalawang uri ng timpla para matanggal ang anumang di-kanais-kanis na amoy ng baboy.
Kapag ginamit, mas mahaba ang mga hiwa sa balikating karne ng baboy, mga 2.5 centimetro (1 pulgada) sa lapad.[7] Mas malalim ang pag-iiskor sa rabaw para mas masipsip ng karne ang timpla.[7]
Pag-iihaw at paghahain
baguhinTipikal na iniihaw ang galbi ng mga kumakain mismo, sa ihawan sa kani-kanilang lamesa. Mabilis ang pagluto ng karne sa katamtamang mataas na init sa parilyang minantika nang banayad sa ibabaw ng namumulang uling. Pinapahiran ang natitirang timpla sa karne habang iniihaw para kumintab ang itsura.[8]
Kapag naluto na, ginugupit ang karne sa mga pira-piraso sa ibabaw ng ihawan gamit ang gunting,[12] at binabalot sa loob ng dahon ng letsugas, kkaennip (dahon ng perilya), o iba pang gulay na dahon. Itong mga dahong binabalot doon mismo, na tinatawag na ssam, ay karaniwang pinapalamanan ng inihaw na karne, ssamjang, hilaw o inihaw na bawang, at isang sarsa na gawa sa doenjang at gochujang.[12] Tulad ng mga iba pang ulam sa lutuing Koreano, kadalasan ipinapares ang galbi sa bap (kanin) at mga pamutat na kilala bilang banchan.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 (sa Koreano) "주요 한식명(200개) 로마자 표기 및 번역(영, 중, 일) 표준안" [Mga Estandardisadong Romanisasyon at Salinwika (Ingles, Tsino, at Hapones) ng (200) Pangunahing Ulam ng Korea] (PDF). National Institute of Korean Language. 2014-07-30. Nakuha noong 2017-02-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)- 주요 한식명 로마자 표기 및 표준 번역 확정안 공지. National Institute of Korean Language (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Koreano). 2014-05-02.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- 주요 한식명 로마자 표기 및 표준 번역 확정안 공지. National Institute of Korean Language (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Koreano). 2014-05-02.
- ↑ Tanis, David (2013-02-15). "Korean Short Ribs - City Kitchen" [Koreanong Tadyang - Kusina ng Lungsod]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-02-26.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Viggiano, Brooke (2016-11-14). "Dish of the Week: Galbi (Korean-Style Short Ribs)". Houston Press. Nakuha noong 2017-02-26.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Walters, April V. (2014). "25. Galbi". The Foodspotting Field Guide. San Francisco, CA: Chronicle Books. ISBN 9781452119878.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Michael, Dikeman; Devine, Carrick, mga pat. (2014). Encyclopedia of Meat Sciences [Ensiklopedya ng Agham sa Karne] (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). London: Academic Press. p. 547. ISBN 9780123847317.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16 Marso 2017. "제주를 제대로 즐기는 법, 중문에서 흑돼지 맛집 따라 인심 느낄 수 있어". Sport Chosun (sa wikang Koreano). Nakuha noong 18 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 월간외식경영 (9 Pebrero 2017). "콘셉트에 따라 객단가 올릴 수 있는 아이템, 양념돼지갈비". Maeil Business Newspaper (sa wikang Koreano). Nakuha noong 18 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 8.2 8.3 (sa Koreano) 정, 순자. "갈비구이" [galbi-gui]. Encyclopedia of Korean Culture. Nakuha noong 8 Marso 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 (sa Koreano) "소갈비구이" [so-galbi-gui]. Doopedia. Doosan Corporation. Nakuha noong 8 Marso 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "돼지갈비구이" [dwaeji-galbi-gui]. Doopedia. Doosan Corporation. Nakuha noong 8 Marso 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ro, Hyo-sun (4 Abril 2014). "Dwaeji galbi (pork ribs)". The Korea Herald. Nakuha noong 18 Mayo 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 Yoon, Howard (Agosto 10, 2005). "A Hard-to-Kick Habit: Korean Barbecue Short Ribs" [Isang Gawi na Mahirap Tigilan: Tadyang sa Samgyupan]. NPR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2008-04-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhinHoward Yoon (Agosto 10, 2005). "A Hard-to-Kick Habit: Korean Barbecue Short Ribs". National Public Radio. Nakuha noong 2008-04-20.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)