Ang bulgogi (불고기; /bʊlˈɡɡ/ bool-GOH-gee;[1] from Korean bul-gogi [pul.ɡo.ɡi]), literal na "karneng maapoy", ay isang gui (구이; Koreanong putahe na inihaw o binusa) na gawa ng mga maninipis at timpladong hiwa ng baka o baboy na inihaw sa ihawan. Kadalasang ginigisa ito sa kawali sa lutong bahay. Solomilyo, rib eye o punta't petso ang mga kadalasang ginagamit na hiwa ng baka para sa putahe. Ang ulam ay nagmula sa mga hilagang bahagi ng Tangway ng Korea, ngunit napakasikat ito sa Timog Korea kung saan mahahanap ito kahit saan, mula sa mga sosyal na restawran hanggang sa mga lokal na supermerkado bilang mga kit na handa na para sa kawali.[2]

Bulgogi
UriGui
LugarKorea
Kaugnay na lutuinLutuing Koreano
Pangunahing SangkapBaka
Mga katuladNeobiani, galbi, yakiniku
Korean name
Hangul불고기
Binagong Romanisasyonbulgogi
McCune–Reischauerpulgogi
IPA[pul.ɡo.ɡi]

Etimolohiya

baguhin

Nagmula ang salitang bulgogi mula sa salitang Koreano na bul-gogi (불고기), na binubuo ng bul ("apoy") at gogi ("karne"). Nagmula ang tambalang salita mula sa dayalektong Pyongan, dahil ang putahe mismo ay piling pagkain ng lalawigan ng Pyongan, Hilagang Korea.[3] Pagkalaya ng Tangway ng Korea mula sa sapilitang pagsakop ng mga Hapon noong 1945, sumikat ang putahe sa Seoul at mga iba pang bahagi ng Timog Korea, sa pamamagitan ng mga takas mula sa Pyongan.[4] Kalaunang nailista ito sa 1947 edisyon ng Dictionary of the Korean Language, bilang karne na direktang inihaw sa nagbabagang uling.[5]

Sa Standard Korean Language Dictionary na inilathala ng Pambansang Surian ng Wikang Koreano, naitala ang salita bilang karne tulad ng baka na hinihiwa nang manipis, minarinada, at inihaw sa apoy.[6] Mahahanap din ang salita sa mga diksyunaryo ng wikang Ingles tulad ng Merriam-Webster Dictionary at Oxford Dictionary of English.[7][1] Pinetsahan ng Merriam-Webster ang paglitaw ng salita sa leksiko ng Amerikanong Ingles noong 1961.[7]

Kasaysayan

baguhin

Pinaniniwalang lumitaw ang bulgogi noong panahon ng Goguryeo era (37 BK–668 PK), kung kailan maekjeok (맥적, 貊炙) ang tawag dito, at nakatuhog ang karneng baka habang iniihaw.[8][9] Noong Dinastiyang Joseon, Neobiani (너비아니) na nangangahulugang karneng "kinalat nang manipis",[10] ang tawag dito, at sa kaugaling inihanda para sa mga mayayaman at maharlika.[11] Sa edad medyang Koreanong aklat Donggooksesi (동국세시), naitala ang bulgogi sa pangalang yeomjeok (염적) na nangangahulugang 'apoy-karne'. Naihaw ito parang barbikyu sas isang iwahang hwaro habang nakatuhog, sa mga pirasong may 0.5 cm kapal. Kahit hindi na ito nakatuhog habang niluluto, bulgogi sanjeok (불고기 산적) ang tawag sa orihinal na bulgoging ito.

Paghahanda at paghahain

baguhin
 
Bulgogi, Koreanong inihaw na baka
 
Dwaeji-bulgogi (bulgoging baboy) na may kasamang kanin
 
Bassak-bulgogi (estilong-Eonyang na bulgogi)
 
Ttukbaegi-bulgogi (bulgogi sa kaldero)

Ang bulgogi ay gawa sa mga maninipis na hiwa ng solomilyo o iba pang primerang hiwa ng baka.[12] Ginagamit din ang punta't petso dahil sa kanyang lambot at kadalian sa paghiwa. Bukod sa baka, ang bulgoging manok at baboy ay ang mga pinakakaraniwang uri na ginagamit para ihanda ang ulam. Ang liempo, o samgyeopsal sa Koreano, ay popular na hiwa para sa bulgoging baboy. Tulad ng punto't petso, malambot at mataba ito na nakabibigay ng mas magandang lasa. Bago niluluto, tintimpla ang karne para pasarapin at palambutin ito sa halo ng toyo, asukal, mantika ng linga, bawang, paminta, at iba pang sangkap tulad ng iskalyon, luya, sibuyas, o kabute, lalo na ang Agaricus bisporus o matsutake. Kadalasan sa pagluluto ng bulgogi, ito ang mga karaniwang kasangkapan. Gayunman, maaaring umiba ang mga kasangkapang panimpla ng karne sa bawat kusinero at kahit sa bawat pamilya ayon sa kanya-kanyang kagustuhan at tradisyon. Madalas gamitin ang mga katas ng peras, pinya, kiwi, at sibuyas bilang pampalambot. Maaaring gamitin ang asukal o iba pang uri ng pampatamis tulad ng Coca-Cola upang patamisin nang kaunti. Nag-iiba rin kung gaano katagal iniiwan ang karne sa timpla ayon sa pagkiling. Karaniwan na iniiwang manimpla ang karneng bulgogi nang wala pang isang oras ngunit iiwanan ng mga punong kusinero nang magdamag para sa pinakamasarap na lasa. Paminsan-minsan, idinaragdag ang pansit sotanghon sa putahe na nag-iiba ayon sa rehiyon at reseta.[9][10]

Ang pinakakaraniwang paraan ng paghanda ng bulgoging baka ay nagdudulot ng habing maitim na timplado at pinalasa nang mabuti. Karaniwan din ang mga maanghang na uri kung saan idinaragdag ang masang maanghang tulad ng gochujang na gawa sa pinulbos na sili, kanin, pinakasim na balatong, sebada, at asin sa timpla para paanghangin ang karne. Pinakamadalas itong gawin sa mga uring baboy.

Kinaugaliang ihawin ang bulgogi, ngunit sumikat na rin ang pagluto sa kawali. Malimit ihawin o piniprito ang mga buong butil ng bawang, hiniwang sibuyas, at hinapak na silang-pula kasama ng karne.[10] Inihahain ang bulgogi sa ibabaw ng o kasama ng kanin at mga iba't ibang pamutat tulad ng sopas-itlog, at kimtsi (binurong repolyo). Paminsan-minsan, inihahain ang ulam kasama ng litsugas o mga iba pang madahong gulay na ginagamit bilang pambalot ng nalutong karne, malimit kasama ng dampi ng ssamjang, kanin, o mga iba pang pamtuat, at sama-samang kinakain.[13]

Sa maraming restawran ng Koreanong BBQ, nakaupo ang mga mamimili sa mesa na mayroong ihawang nakakabit sa gitna. Hilaw at timpladong bulgogi ay isa sa mga popular na karne na maaaring i-order at lutuin nila mismo sa lamesa. Karaniwan para sa bawat tao na pumili ng karne nang direkta mula sa ihawan o magpakain sa iba habang kumakain. Kinakain ang bulgogi sa anumang oras ng taon subalit, pangkaraniwan sa mga Koreano na mag-ihaw ng timpladong karne sa mga pantanging okasyon o sa mga pagtitipon. Ang mga restawran ng Koreanong BBQ, kung saan karaniwang inihahain ang bulgogi, ay kadalasang isang pinagbibisitahang lugar ng mga mamimili kasama ng kaibigan o pamilya upang ipagdiwang ang isang pantanging okasyon o tamasahin ang isang gabi sa labas. Maraming Koreano ang may kani-kanilang ihawang panloob na ginagamit nila para lutuin ang bulgogi at iba pang timpladong ulam sa mga pista. Mahalaga ang mabuting kasama at masarap na pagkain sa kulutrang pista ng mga Koreano.

Sa kulturang tanyag

baguhin

Inihahain ang bulgogi sa mga restawran ng barbikyuhan sa Korea, at mayroong mga hamburger na may lasang-bulgogi na ibinebenta sa mga fast food ng Timog Korea. Tinitimplahan ang hamburger patty sa sarsang bulgogi at inihahain kasama ng litsugas, kamatis, sibuyas, at minsan keso.[14][15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "bulgogi". Oxford Dictionary of English. Oxford University Press. Nakuha noong 8 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link][patay na link]
  2. Kim, Violet (2015-08-13). "Food map: Eat your way around South Korea". CNN. Nakuha noong 2017-02-27.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 이, 기문 (Taglamig 2006). "'bulgogi' iyagi" ‘불고기’ 이야기 (PDF). The New Korean Language Life. 16 (4): 77–83.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gim, Girim (Hulyo 1949). "Saemarui imojeomo" 새말의 이모저모. Hakpung (sa wikang Koreano). 2 (5): 19–33.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Korean Language Society (1947). Joseon mal keun sajeon 조선말큰사전 [Dictionary of the Korean Language] (sa wikang Koreano). Seoul, Korea: Eulyoo Publishing. p. 1449. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-08-21. Nakuha noong 2020-02-18. 불-고기【이】숯불에 얹어서 직접 구워 가면서 먹는 짐승의 고기.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "bulgogi" 불고기. Standard Korean Language Dictionary (sa wikang Koreano). National Institute of Korean Language. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Nobiyembre 2018. Nakuha noong 4 May 2017. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  7. 7.0 7.1 "bulgogi". Merriam-Webster Dictionary. Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 4 Mayo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. The origin of bulgogi Naka-arkibo 2010-02-01 sa Wayback Machine., official site of the Ministry of Culture, Sports and Tourism, South Korea.
  9. 9.0 9.1 (sa Koreano) Bulgogi Naka-arkibo June 10, 2011, sa Wayback Machine. at Encyclopedia of Korean Culture
  10. 10.0 10.1 10.2 (sa Koreano) Bulgogi at Doosan Encyclopedia
  11. "Archived copy" (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-11. Nakuha noong 2011-05-03.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Bulgogi Naka-arkibo 2012-03-08 sa Wayback Machine., Korean Spirit and Culture Project
  13. (sa Koreano) Bulgogi Naka-arkibo July 22, 2011, sa Wayback Machine., Hanwoo Board
  14. (sa Koreano) Bulgogi burger, Asia Today, 2009-09-11. Retrieved 2010-06-27.
  15. (sa Koreano) Upgrade burgers Naka-arkibo August 11, 2010, sa Wayback Machine., Hankook Ilbo, 2010-06-17.Retrieved 2010-06-27.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.