Samgyeopsal

inihaw na liyempo sa lutuing Koreano

Ang samgyeopsal (Koreano삼겹살; lit. na 'tatlong-suson na karne') o samgyeopsal-gui (삼겹살구이 lit. na 'inihaw na tatlong-suson na karne') ay isang uri ng gui (inihaw na ulam) sa lutuing Koreano.

Samgyeopsal
Ibang tawagSamgyeopsal-gui
UriGui
LugarKorea
Kaugnay na lutuinLutuing Koreano
Pangunahing SangkapLiyempo
Samgyeopsal
Hangul삼겹살
Hanja三겹살
Binagong Romanisasyonsamgyeop-sal
McCune–Reischauersamgyŏp-sal
IPAsam.ɡjʌp.s͈al
Hangul삼겹살구이
Hanja三겹살구이
Binagong Romanisasyonsamgyeop-sal-gui
McCune–Reischauersamgyŏp-sal-gui
IPAsam.ɡjʌp.s͈al.ɡu.i

Etimolohiya

baguhin

Kapag direktang isinalin mula sa Koreano, "tatlong-suson na laman", na tumutukoy sa mga guhit-guhit ng karne at taba sa liyempo na nagmumukhang tatlong suson kapag hiniwa.[1][2]

Ito ang bahagi ng tiyan sa ilalim ng lomo mula sa ika-5 o ika-6 na tadyang hanggang sa likurang hita.[3] Sa Korea, madalas na tumutukoy ang salitang samgyeop-sal na nangangahulugang "liyempo" sa samgyeop-sal-gui (inihaw na liyempo), sa parehong paraan na madalas na tumutukoy ang salitang galbi na nangangahulugang "mga tadyang", sa galbi-gui (inihaw na tagiliran ng baka). Tumutukoy ang gui sa mga nilitson, inihurno, o inihaw na ulam.

Mayroon ding ogyeopsal (오겹살), kung saan "lima" ang kahulugan ng o at "suson" ang kahulugan ng gyeop. Sa ogyeop-sal, kasama ang balat ng liyempo, hindi katulad sa samgyeop-sal kung saan nakatanggal ang balat.

Kasaysayan

baguhin

Ang unang pagbanggit sa ulam na ito ay sa isang artikulo sa Donga-ilbo na inilathala noong Nobyembre 3, 1984 na pinamagatang How to Distinguish Between Good and Bad Meat ("Paano Matutukoy Ang Mabuti sa Masamang Karne"), kung saan tinatawag na "segyeopsal (세겹살)" sa halip na samgyeopsal ang ulam.[4] Nakapasok lang ang salitang samgyeopsal sa Standard Korean Language Dictionary pagkatapos ng 1994.[5]

Hanggang d. 1980, pinakagustong karne ng mga Koreano ang baka, ngunit hinikayat ang karne ng baboy at manok sa antas ng pambansang patakaran bilang magandang alternatibo dahil ginamit ang karamihan ng baka sa agrikultura kaya nagkulang ang suplay ng baka.[6] Bilang tugon sa mga patakaran ng pamahalaan, nagpatayo ang mga chaebol, lalo na ang Samsung, ng mga babuyan.[6] Sa kalaunan, ipinasara ng Samsung ang mga ito dahil sa matinding reaksiyon mula sa mga magsasaka na nag-aalala na sinusubukan ng Samsung ang espekulasyon sa pingkas.[6]

Noong patapos ng d. 1980 hanggang d. 1990, pumatok ang ulam kasama ng jokbal at sundae, dahil pumasok ang Samsung at Lotte sa industriya ng pagproseso ng karne.[6] Dati, nakatuon ang paggamit ng baboy sa tradisyonal na lutuing Koreano tulad ng bossam o jeyuk-bokkeum sa pagtatago ng amoy ng baboy sa pamamagitan ng matatapang na rekado na sumasangkap ng mga espesya tulad ng luya, bawang, at puwero. Matapos malutas ang problema sa amoy ng mga siyentipikong pamamaraan tulad ng pagkapon sa mga baboy sa proseso ng produksiyon, naging posible ang pagpapasikat ng samgyeopsal.[6] Noong 1996, naimbento ang daepae samgyeopsal, isang samgyeopsal na pinangalanan nang ganyan dahil hiniwa ito ng manipis na parang pinutol ng katam (na kilala bilang daepae sa Koreano).[5] Pinasikat din ang ulam ng kulturang Hoesik pagkatapos ng krisis sa pananalapi ng 1998 bilang bahagi ng lutuing opisina sa Timog Korea.[5] Noong d. 2000, lumitaw ang beoljip samgyeopsal na pinangalanan nang ganyan kasi malapanilan (beoljip sa Koreano) ang pagkahiwa sa karne.[7] Mula noong 2005, ang kultura ng samgyeopsal ay naiimpluwensiyahan ng kultura ng Pulo ng Jeju sa dalawang paraan: sa paghahain ng mas malalaking porsiyon ng karne, isang geun (isang tradisyonal na Koreanong yunit na katumbas ng 600 g) sa halip na 100 gramo, at sa pagsikat ng karne ng itim na baboy ng Jeju.[7]

Paghahanda

baguhin
 
Samgyeopsal sa ihawang de-uling
 
Lutong samgyeopsal na ginugupit gamit ang gunting

Iniihaw ang mga makapal, matabang hiwa ng liyempo,[8] minsan may balat pa rin at minsan nakaiskor nang dayagonal,[1] sa isang dahilig, de-metal na ihawan o parilya sa hapag-kainan na may ihawang de-uling o bitbiting kalan.[2][9] Karaniwan, ang mga kumakain mismo ang nag-iihaw ng karne. Ibinabaliktad at ginugupit nila ang karne gamit ang mga panipit at gunting, at kumakain sila mula sa ihawan.[1][2][8]

Karaniwang walang timpla ang karne, ngunit mula noong patapos ng d. 2000, sumikat na rin ang mga samgyeopsal na timplado sa ginseng, bino, bawang, yerba, kari, doenjang, at gochujang.[2][10] Kadalasang iniihaw rin ang mga hiniwang bawang, sibuyas, berdeng sili, kabute, at kimchi, at naluluto sila sa mantikang tumutulo mula sa liyempo.[1][2][9]

Kabilang sa mga karaniwang ipinapares sa samgyeopsal ang mga gulay na pang-ssam (pambalot) tulad ng letsugas, kkaennip (dahon ng perilya), ssammu (inatsarang labanos) at mga sawsawan tulad ng ssamjang (halo ng gochujang at doenjang) at gireum-jang (gawa sa mantika ng linga, asin, at paminta), jangajji (mga gulay na inatsara sa toyo) tulad ng myeongi-jangajji (inatsarang allium ochotense) o yangpa-jangajji (inatsarang sibuyas), kimchi, pati na rin ang hiniwang bawang, sibuyas, at tanduyong na tinimplahan at ginutay-gutay.[1][2][11] Maaaring ihawin ang bawang, sibuyas, at kimchi kasabay ng karne o kainin nang hilaw kasabay ng lutong karne. Iniihaw rin ang mga kabute tulad ng button mushroom at oyster mushroom kasabay ng karne.[12]

Pagkonsumo

baguhin

Inilalagay ang inihaw na karne at ssamjang sa sariwa o inatsarang dahon na gulay, at ibinabalot para mabuo ang ssam na kinakain sa isang subo.[9] Maaaring idagdag ang anumang kombinasyon ng mga ibinanggit na kapares sa itaas sa balot ayon sa kagustuhan, pinakasikat ang hiniwang bawang.[2]

Maaaring isabay sa karne ang kanin, mga istu tulad ng kimchi-jjigae at doenjang-jjigae, at pati naengmyeon (malamig na pansit).[1] Minsan, hinahalo ang tirang karne sa kanin, gim-garu (taliptip na damong-dagat), at mga pampalasa para makabuo ng bokkeum-bap (sinangag) kapag patapos na ang kainan.

Kadalasan, pinpulutan (anju) ang samgyeopsal kapag umiinom ng soju.[2][8][9][11][13] Sikat din ang pagpares ng somaek, isang simpleng kaktel na nabubuo sa paglaglag ng isang tagay ng soju sa isang baso ng bir, sa samgyeopsal.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Sula, Mike (26 Oktubre 2016). "Delight in the belly of the beast at Pro Samgyubsal" [Kasiyahan sa tiyan ng halimaw sa Pro Samgyubsal]. Chicago Reader (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Pebrero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 Gold, Jonathan (28 Hulyo 2011). "Jonathan Gold Reviews Palsaik Samgyeopsal". LA Weekly. Nakuha noong 16 Pebrero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "삼겹살". terms.naver.com (sa wikang Koreano). Nakuha noong 2021-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "[백 투 더 동아/11월3일]삼겹살과 한국 사람은 언제부터 사랑에 빠졌을까". date=2017-11-02. 2 Nobyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 "삼겹살" (sa wikang Koreano). tongyeong sinmun. 5 Pebrero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 "[팜역사속으로]우리는 언제부터 삼겹살을 먹게 되었을까?". farminsight. 2018-10-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "[이춘호 기자의 푸드 블로그] (상)삼겹살 이야기". yongnamilbo. 2014-07-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 Whitten, Richard (8 Pebrero 2017). "Tour Guide: Seoul, South Korea" [Giya sa Turista: Seoul, Timog Korea]. Paste (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2018. Nakuha noong 16 Pebrero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 Chandler, Michael Alison (29 Abril 2011). "Smart Mouth: A marathon of Seoul food, just the way Koreans do it" [Smart Mouth: Isang maraton ng pagkain sa Seoul, gaya ng ginagawa ng mga Koreano]. The Washington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Pebrero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Tan, Karen-Michaela. "The new colour thing: Korean rainbow pork" [Ang bagong nakakulay: bahagharing baboy ng mga Koreano]. The Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Setyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Kim, Violet (13 Hulyo 2017). "Best Korean dishes: 40 foods we can't live without". CNN Travel (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Pebrero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Catan, Patricia May P. (2018-03-06). "Somac's samgyeopsal and more" [Samgyeopsal ng Somac at higit pa]. SunStar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-03-30. Nakuha noong 2018-03-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Cumming, Ed; Fox, Killian; Grundy, Gareth; Hayward, Tim; Tait-Hyland, Molly; Jenkins, Allan; O'Neill, Holly; Madigan, Andrew; Williams, David; Granleese, Bob; Allen, Lisette; Missing, Sophie; Rayner, Jay; Fowler, Alys; Barton, Laura. "The 5th annual OFM 50: What we love about food in 2017" [Ang Ika-5 taunang OFM 50: Ang mga gusto namin tungkol sa pagkain sa 2017]. The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Pebrero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)