Liyempo

walang buto at matabang hiwa ng karne mula tiyan ng baboy

Ang liyempo ay isang walang buto, matabang hiwa ng baboy[2] mula sa tiyan ng baboy. Sikat ang liyempo sa mga lutuing Pilipino, Hispano, Tsino, Danes, Noruwego, Koreano, Polako, Taylandes, at Amerikano.

Liyempo
Hilaw na liyempo
Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 gram (3.5 oz)
Enerhiya2,167 kJ (518 kcal)
0 g
53 g
9.34 g

Sanggunian: [1]

Mga putahe ayon sa rehiyon

baguhin

Dinamarka

baguhin

Sa tradisyonal na lutuing Danes, karaniwang kinakain ang flæskesteg (literal na 'litsong baboy') na hango sa buong tiyan ng baboy, tuwing Pasko. Tinatawag na ribbenssteg (literal na 'litsong tadyang') ang putahe kapag hinango ito sa liyempo. Tipikal na inihuhurno ito na may balat, at binubudburan ng asin at dahon ng laurel. Nagiging malutong ang balat na kinakain kasama ng laman. Kapag inihain ito sa mga indibidwal na hiwa bilang stegt flæsk, ito ang pambansang putahe ng Dinamarka.[3]

Estados Unidos

baguhin

Sa lutuing Amerikano, kadalasang gawa sa liyempo ang bacon.[4] Gawa rin sa liyempo ang salt pork na karaniwang isinasangkap sa mga sabaw.[5]

 
Samgyeopsal-gui (inihaw na liyempo)

Sa lutuing Koreano, tinatawag na samgyeop-sal (삼겹살) ang liyempo na tinanggalan ng balat, habang ogyeop-sal (오겹살) naman ang tawag sa liyempo na may balat. Ang literal na kahulugan ng samgyeop-sal ay 'tatlong suson na karne' dahil 'tatlo' ang ibig sabihin ng sam (; ), 'suson' ang ibig sabihin ng gyeop (), at 'laman' ang ibig sabihin ng sal (), na tumutukoy sa tila tatlong suson na nakikita sa karne. 'Lima' ang ibig sabihin ng salitang o (; ) sa ogyeop-sal, na tumutukoy sa limang-suson na liyempo na may balat.

Kinakain ang liyempo sa mga restoran at sa bahay, iniihaw sa samgyupan, o sinasangkap sa mga Koreanong putahe tulad ng bossam (pinakuluang balot-baboy) at kimchi-jjigae (estupadong kimchi).

Tumutukoy ang samgyeop-sal-gui (삼겹살구이) o ogyeop-sal-gui (오겹살구이) sa gui (inihaw) na liyempo. Karaniwan, iniihaw ang mga liyempo nang hindi ibinabad o tinimplahan. Kadalasan pinapalasa ito ng bawang at sinasabayan ng soju. Iniihaw ng mga kumakain mismo ang karne at kinakain nila direkta mula sa ihawan. Tipikal na ipinapares ito sa ssamjang (sarsa) at pang-ssam (balot) na gulay tulad ng letsugas at dahon ng perilya.[6][7]

Pilipinas

baguhin
 
Litsong kawali na nagtatampok ng malutong at makatas na liyempo

Sa lutuing Pilipino, ibinababad ang liyempo sa timpla ng dinurog na bawang, suka, asin, at paminta bago iniihaw. Pagkatapos, inihahain ito kasama ng toyo't suka o bawang at suka. Tinatawag na inihaw sa Filipino at sinugba sa Sebwano ang ganitong paghahanda ng liyempo. Ang Iitsong kawali naman ay liyempo na tinimplahan, prinitong-lubog, at inihain nang nakahiwa sa mga pira-piraso.

Sa lutuing Tsino, ang liyempo (Tsino: 五花肉; pinyin: wǔhuāròu) ay kadalasan dinadais at kinukulob na may balat pa, minamarinada, o niluluto nang buo. Sinasangkap ang liyempo sa hong shao rou (紅燒肉) at karneng Dongpo[8] (東坡肉) sa Tsina.

Sa Guangdong, sikat ang isang malalitson na baryante na tinatawag na siu yuk (脆皮燒肉). Iniluluto at iniihaw ang baboy para lumutong ang balat.[9] Isa sa mga karaniwang sinasangkap na karne rin ang liyempo sa char siu.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "FoodData Central". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-03. Nakuha noong 2024-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. [1]Naka-arkibo 2008-10-07 sa Wayback Machine. Smith et al "Factors Affecting Desirability of Bacon and Commercially-Processed Pork Bellies" [Mga Salik na Nakakaapekto sa Kakanais-naisan ng Bacon at Liyempo Komersyal na Pinoproseso] (sa wikang Ingles), J. Anim Sci.
  3. Lars Dahlager Politiken, 20 Nobyembre 2014
  4. Bilderback, Leslie (2016-09-06). Salt: The Essential Guide to Cooking with the Most Important Ingredient in Your Kitchen [Asin: Ang Esensiyal na Gabay sa Pagluluto gamit ang Pinakamahalagang Sahog sa Iyong Kusina] (sa wikang Ingles). St. Martin's Press. ISBN 9781250088727.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Ruhlman, Michael (2007-11-06). The Elements of Cooking: Translating the Chef's Craft for Every Kitchen [Ang Mga Elemento ng Pagluluto: Pagsasalin ng Kagalingan ng Kusinero para sa Bawat Kusina] (sa wikang Ingles). Simon and Schuster. ISBN 9781416579229.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Hansik, Must-Eat Foods" [Hansik, Mga Pagkaing Dapat Kainin] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. Visit Seoul
  7. "40 Korean foods we can't live without" CNN Travel
  8. Yoke, Wong Ah (Mayo 8, 2016). "Video: How to make braised Dongpo pork" [Bidyo: Paano gumawa ng kinulob na karneng Dongpo]. The Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Hunyo 24, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Siu yuk".