Enerhiyang heotermal

(Idinirekta mula sa Geothermal energy)

Ang enerhiyang heotermal ay isang uri ng enerhiyang galing sa init, na nakatago at nabubuo sa ilalim ng lupa. Ang enerhiya ng init ay ang nagtatakda ng temperatura ng isang bagay. Ang enerhiyang heotermal ng crust ng mundo ay galing sa orihinal na pagkakabuo ng planeta (20%), at mula sa bulak na radyoaktibo ng mga bagay (80%). Ang pagkakaiba ng temperature ng karayagan (ibabaw) ng mundo at ng gitna nito, na tinatawag na geothermal gradient, ang siyang nagbibigay ng tuloy-tuloy na init enerhiya sa uri ng init, mula sa gitna hanggang ibabaw ng mundo. Ang salitang heotermal ay galling sa mga salitang Griyego na γη (ge), mundo, at θερμος (thermos), mainit.

Enerhiyang heotermal sa Nesjavellir Geothermal Power Station sa Iceland.

Ang enerhiyang heotermal mula sa mga maiinit na bukal ay ginagamit na panligo simula pa noong panahong Paleolitiko, at bilang pampainit ng mga kwarto simula pa noong panahon ng mga Romano, ngunit sa kasalakuyan ay ginagamit ito sa pagbuo ng kuryente. Sa buong mundo, 11, 700 megawatts (MW) ang nakuha mula sa enerhiyang heotermal noong 2013. May 28 gigawatts na kapasidad para sa direktang pampainit mula sa enerhiyang heotermal ang idanagdag nuong 2010 para sa pampainit ng mga bahay, spa, prosesong pang-industriyal, desalination, at sa mga gamit pang-agrikultura.

Ang enerhiyang heotermal ay sulit, maaasahan, at malinis sa kapaligiran, ngunit nalilimitahan lamang ang distribusyon nito malapit sa mga hangganan ng tectonic plate. Ang kasalukuyang pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ay nagpalago sa lawak at dami ng gamit ng nasabing rekurso, lalo na bilang pampainit ng mga tahanan, na nagbukas sa potensyal sa malawakang gamit ng enerhiyang heotermal. Ang mga heotermal na balon ay nagpapakawala ng mga nakabaong mga gas na greenhouse sa ilalim ng lupa, ngunit ang polusyong dulot nito ay di hamak na mas mababa kaysa sa ibinubuga ng mga panggatong na fossil. Kung gayon, ang enerhiyang heotermal ay may potensyal na pagaanin ang epekto ng pag-init ng globo kung ito ay malawakang gamitin bilang kapalit ng panggatong na fossil.

Mga sanggunian

baguhin