Gitnang Imperyong Asirya

Ang Gitnang Imperyong Asirya ang ikatlong yugto sa kasaysayan ng Asirya mula sa pag-akyat sa kapangyarihan ni Ashur-uballit I (naghari noong 1363 BCE at pag-akyat ng Asirya bilang isang kahariang teritoryal[1] hanggang sa kamatayan ni to Ashur-dan II noong 912 BCE.

Gitnang Imperyong Asirya
māt Aššur
c. 1363 BCE–912 BCE
Mapa ng Gitnang Imperyong Asirya noong ika-13 siglo BCE.
Mapa ng Gitnang Imperyong Asirya noong ika-13 siglo BCE.
KabiseraAssur
(c. 1363–1233 BCE
Kar-Tukulti-Ninurta
(c. 1233–1207 BCE)
Assur
(c. 1207–912 BCE)
Karaniwang wikaWikang Akkadiyo, Wikang Hurriano, Amoreo, Aramaiko at Wikang Elamita
Relihiyon
Sinaunang relihiyong Mesopotamiyo
PamahalaanMonarkiya
mga kilalang hari 
• c. 1363–1328 BCE
Ashur-uballit I (first)
• c. 1305–1274 BCE
Adad-nirari I
• c. 1273–1244 BCE
Shalmaneser I
• c. 1243–1207 BCE
Tukulti-Ninurta I
• c. 1191–1179 BCE
Ninurta-apal-Ekur
• 1132–1115 BCE
Ashur-resh-ishi I
• 1114–1076 BCE
Tiglath-Pileser I
• 934–912 BCE
Ashur-dan II (huli)
PanahonPanahong Bronse at Panahong Bakal
• Pag-akyat sa kapangyarihan ni Ashur-uballit I
c. 1363 BCE
• Unang Panahon ng Paglawak
c. 1305–1207 BCE
• Unang Panahon ng Paghina
c. 1206–1115 BCE
• Ikalawang panahon ng paglawak
1114–1056 BCE
• Ikalawang yugto ng paghina
1055–935 BCE
• Kamatayan ni Ashur-dan II
912 BCE
Pinalitan
Pumalit
Lumang Panahon ng Asirya
Mitanni
Imperyong Neo-Asirya
Bahagi ngayon ngIraq
Syria
Turkey
Iran

Kasaysayan

baguhin

Si Ashur-uballit I ang kauna-unahang katutubong pinuno ng Asirya na nag-angkin ng pamagat na sar(Hari). Pagkatapos makamit ang kasarinlan, karagdagan niyang inangkin ang dignidad ng isang dakilang hari gaya ng mga paraon ng Sinaunang Ehipto at mga haring Hiteo. Ang pag-akyat sa kapangyarihan ng Asirya ay kaugnay sa pagbagsak ng Kahariang Mitanni na pumayag sa mga hari ng Gitnang Imperyong Asirya na palawaking ang kanilang mga teritoryo sa hilagang Mesopotamiy.[2] Sa ilalim ng mga haring mandirigmang sina Adad-nirari I (naghari noong 1305–1274 BCE), Shalmaneser I (naghari noong 1273–1244 BCE) at Tukulti-Ninurta I (naghari noong 1243–1207 BCE), nakamit ng Asirya ang hangarin nitong maging isang Imperyong Asirya. Sa ilalim ni Shalmaneser I, ang mga huling labi ng Kahariang MIttani ay isinama sa Asirya.Ang pinakamatagumpay na haring Asiryo ay si Tukulti-Ninurta I na nagpalawak sa Gitnang Imperyong Asirya.[3] Ang kanyang pinakatanyag na nagawa sa military ang pagkapanalo sa Labanan ng Nihriyac. 1237 BCE na nagmarka sa pagsim ula ng wakas ng impluwensiyang Hiteo sa hilagaang Mesopotamiya]] at ang kanyang pananakop sa Babilonya na naging basalyo ng Asirya noong 1225–1216 BCE. [4][5] Si Tukulti-Ninurta rin ang unang haring Asiryo na naglipat ng kabisera nito mula sa Assur at naglunsad ng bagong lungsod ng Kar-Tukulti-Ninurta bilang kabisera nito noong [6] c. 1233 BCE.[7] Ang kabisera ng imperyo ay muling ibinalik sa Assur pagkatapos ng kanyang kamatayan.[6]

Ang asasinasyon ni Tukulti-Ninurta I noong 1207 BCE ay sinundan ng alitan ng mga dinastiya at humantong sa pagbagsak sa kapangyarihan ng Asirya. Hindi nagawa ng kanyang mga kahalili na panatilihin ang kapangyarihan ng Asirya at namuno lamang sa lupaing sentro ng Asirya na isang panahon na kasabay ng Huling Pagguho ng Panahong Bronse. Bagaman tinangka ng mga haring Asiryo sa panahong ito gaya nina Ashur-dan I (naghari noong c. 1178–1133 BCE), Ashur-resh-ishi I (naghari noong 1132–1115 BCE) at Tiglath-Pileser I (naghari noong 1114–1076 BC) na palakasin ang Asirya sa pamamagitan ng pananakop, ito pananakop ay hindi matatag at panandalian lamang. Mula sa panahon ni Eriba-Adad II (naghari 1056–1054 BCE), patuloy na humina ang Imperyong Asirya.[8] Sa panahong ito, hindi lamang ang Asirya ang humina ngunit muling nasakop ng mga hukbong asiryo na sakupin ang malalaking bahagi ng Imperyo. Sa ilalim ni Ashur-dan II (naghari noong 934–912 BCE), ang paghina nito ay bumaliktad. Ang wakas ng kanyang paghahari ang pasimula ng pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Neo-Asirya.(911–609 BCE).[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Düring 2020, p. 43.
  2. Jakob 2017a, p. 117.
  3. Düring 2020, p. 45.
  4. Jakob 2017a, pp. 125, 129–130.
  5. Chen 2020, pp. 199, 203.
  6. 6.0 6.1 Düring 2020, p. 57.
  7. Gerster 2005, p. 312.
  8. Frahm 2017b, p. 165.
  9. Frahm 2017b, pp. 165–168.