Tukulti-Ninurta I
'Si Tukulti-Ninurta I' na nangangahulugang "Ang aking tiwala ay sa mandirigmang Diyos na si Ninurta" ay hari ng Gitnang Imperyong Asirya mula 1243 hanggang 1207 BCE. Siya ang kaun-unahang hari na gumamit ng pamagat na "Hari ng mga Hari". Kanyang hinalinhan ang kanyang amang siShalmaneser I sa trono at nagwagi laban sa Imperyong Hiteo sa Labanan ng Nihriya sa unang kalahati ng kanyang paghahari at sinakop ang teritoryong Hiteo sa Asya menor at Levant. Napanatili niya ang kontrol ng Asirya sa Urartu at kalaunang tinalo ang haring Kassite ng Babilonya na si Kashtiliash IV. Kanyang binihag ang katunggaling Lungsod ng Babilonya upang masiguro ang buong kontrol at supremasya ng Asirya sa Mesopotamiya. Kanyang inilagay ang kanyang sarili bilang hari ng Babilonya na gumawa sa kanyang ang unang katutubong Mesopotamiyo na mamuno roon dahil ang mga nakaraang hari nito ay hindi katutubong mga Amoreo o Kassite. Kinuha niya ang pamahat na "Hari ng Sumerya at Akkad" na unang ginamit ni Ur-Nammu. Nagsumami si Tikulti-Ninurta I sa Diyos na si Shamash bago simulan ang kanyang kontra opensibo. Nabihag niya si Kashtiliash IV at tinakilaan tungo sa Asirya. Winasak niya ang mga dingding ng Babilonya at pinaslang ang mga mamamayan at ninakaw at inubos ang mga ari-aran nito sa templong Esagila at kinuha ang rebulto ni Marduk. Pagkatapos sakupin ang Babilonya, kanyang sinakop ang Arabian Peninsula at sinakop ang mga estadong Arabeng Dilmun at Meluhha.[2] Ang mga tekstong Asiryo na nakuha sa sinaunang Dūr-Katlimmu na naglalaman ng liham mula kay Tukulti-Ninurta sa kanyang sukkal rabi'u, o dakilang vizier na si Ashur-iddin na nagpapayo sa kanyang laptan ang kanyang heneral na si Shulman-mushabshu na samahan ang bihag na si Kashtiliash, asawa nito at mga tagapayo na kasama ang malaking bilang ng kababaihan sa pagpapatapon nito pagkatapos matalo. Sa proseso, tinalo niya ang mga Elamita na hinangad kunin ag Babilonya. Sumulat rin si Tukulti NInurta I ng isang tulang epiko na nagtatala ng kanyang mga digmaan laban sa Babilonya at Elam. Pagkatapos ng himagsikan sa Babilonya, sinalakay niya at ninakawan ang mga templo sa Lungsod ng Babilonya na isang kalapastangan para sa mga Mesopotamiyo kabilang sa mga Asiryo. Sa pagguho ng ugnayan sa Dakilang Saserdote sa Assur, itinatag ni Tukulti-Ninurta I ang isang bagong kabisera na Kar-Tukulti-Ninurta. Gayunpaman, ang kanyang mga anak na lalake ay nagrebelede at sinalakay ang lungsod at sa proseso ay pinatay. Ang isa sa mga anak na ito na si Ashur-nadin-apli ang humalili sa kanya sa trono. Pagkatapos ng kamatayan ni Tukulti-Ninurta , ang Imperyong Asirya ay humina. Ang Epiko ni Tukulti-Ninurta ay naglalarawan ng digmaan niya kay Kashtiliash IV.[3]
Tukulti-Ninurta I | |
---|---|
Paghahari | c. 1243–1207 BCE[1] |
Sinundan | Shalmaneser I |
Kahalili | Ashur-nadin-apli |
Supling | Ashur-nadin-apli, Enlil-kudurri-usur |
Ama | Shalmaneser I |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Chen, Fei (2020). "Appendix I: A List of Assyrian Kings". Study on the Synchronistic King List from Ashur. Leiden: BRILL. ISBN 978-9004430914.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ J. M. Munn-Rankin (1975). "Assyrian Military Power, 1300–1200 B.C.", in I. E. S. Edwards (ed.) Cambridge Ancient History, Volume 2, Part 2. Cambridge University Press. pp. 287–288, 298.
- ↑ The Cambridge Ancient History, I. E. S. Edwards, C. J. Gadd, N. G. L. Hammond, (ed) I. E. S. Edwards, C. J. Gadd, N. G. L. Hammond, Edition 3, revised, Cambridge University Press, 1975, ISBN 0-521-08691-4, ISBN 978-0-521-08691-2, pg. 284-295