Daang Governor Pack

mahalagang kalye sa Baguio, Pilipinas
(Idinirekta mula sa Governor Pack Road)

Ang Daang Governor Pack (Ingles: Governor Pack Road) ay isang pangunahing lansangan sa Baguio sa hilagang Luzon, Pilipinas. Ang haba nito ay 0.17 kilometro (0.11 milya).

Daang Governor Pack
Governor Pack Road
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan – Tanggapang Inhinyero ng Distrito ng Lungsod ng Baguio
Haba0.17 km (0.11 mi)
Bahagi ng
  • N54 (rotonda ng Daang Kennon — tagpuan ng Daang Harrison)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilaga N231 (Daang Session)
 
Dulo sa timog N208 (Lansangang Aspiras–Palispis) / N54 (Daang Kennon)
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodBaguio

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Nag-uugnay ang daan mula sa isang rotonda ng Lansangang Aspiras-Palispis (dating Lansangang Marcos) at Daang Kennon papuntang Daang Session sa pusod ng kabayanan ng lungsod. Matatagpuan sa daan ang lumang Baguio Terminal ng Victory Liner, Bus Terminal ng Genesis Transport, Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Baguio City, at ang Unibersidad ng mga Cordillera.

Bilang ng ruta

baguhin

Sa ilalim ng pagpapatupad bagong sistemang pamilang ng ruta ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) noong 2014, isa ang Daang Governor Pack sa mga bahagi ng Pambansang Ruta Blg. 54 (N54) ng sistemang lansangambayan ng Pilipinas, na kinabibilangan din ng Daang Kennon, Daang Harrison, at Daang Naguilian. Lagpas ng tagpuan ng Daang Harrison hanggang sa Daang Session, ang daan ay walang bilang na ruta at tinukoy bilang isang pambansang daang tersiyaryo.

Tingnan din

baguhin

16°22′43″N 120°32′29″E / 16.3786°N 120.5414°E / 16.3786; 120.5414