Hangganan ng Pilipinas
Bilang isang arkipelago, ang Pilipinas ay walang kabahaging mga hangganan sa kalupaan ng anumang bansa, ngunit maliban ito sa pag-aangkin sa isang malaking piraso ng lupa sa Malaysia bilang resulta ng pagtatalo sa teritoryo nito sa silangang bahagi ng estado ng Sabah .
Ang mga hangganan sa dagat ng bansa ay naging kumplikado dahil sa pagtatalo sa Dagat Timog Tsina at ang kawalan ng anumang konkretong kasunduan sa paghihigpit ng mga hangganan sa pagitan ng bansang Palau.
Mga hangganan sa dagat
baguhinAng Pilipinas ay mayroong sari-saring anyong tubig na nakapalibot sa bansa. Matatagpuan sa kanluran nito ang Dagat Timog Tsina. Sa silangan ay ang Karagatang Pasipiko kung saan matatagpuan din dito ang mga maliliit na islang-bansa tulad ng Palau at Guam. Sa timog ay ang Dagat Sulawesi at Dagat Sulu. Sa hilaga ay ang Bashi channel. Saklaw ng Pilipinas ang 1,850 km lawak ng mga katubigan mula sa hilagang teritoryo nito hanggang sa timog. Ang arkipelago ay may layong 800 km mula sa kontinenteng Asya. Ang kabuuang haba ng baybayin ng dagat ay 36,289 km.[1][2]
Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) noong 1982, ang pagpapalawak ng mga teritoryal na tubig ng bansa ay itinatag sa 100 milyang nautikal mula sa mga baybayin ng islang inaangkin sa isang tuwid na linya. Ang mga limitasyon ay tinukoy rin ng isang kontrata noong 1898, na sumasaklaw rin sa Dagat Timog Tsina noong huling bahagi ng 1970 sa layong 285 nm.[3] Ang exclusive economic zone ay itinakda sa distansya na 200 milyang nautikal (370.4 km) mula sa baybayin. Ang continental shelf sa ilalim ay posibleng mapagagamitan at makuhanan ng mga likas na yaman.[4][3]
Ang sumusunod ay ang mga bansang kabahagi ng Pilpinas sa mga hangganan nito sa dagat.
Bansa | Mga tala |
---|---|
China | Ang Pilipinas ay may kabahaging hangganan sa Dagat Timog Tsina bagaman ang lawak ng hangganan ay pinagtatalunan ng dalawang bansa.[5] |
Japan[6] | |
Indonesia | |
Malaysia | |
Palau | Ang eksaktong hangganan sa pagitan ng Palau at Pilipinas ay nananatiling tukoy pa sa mga delimitasyon na pag-uusap. Ang pangwakas na kasunduan ay hindi pa nagiging epektibo patungkol sa isyu.[7] Ang dalawang bansa ay nagbabahagi ng mga hangganan sa dagat ng Palau na matatagpuan sa timog-silangan ng Pilipinas.[8] |
Taiwan (Republika ng Tsina) | Kabahagi ng Pilipinas sa Bashi Channel. |
Vietnam |
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ The Philippinas: [Ingles]: [Sininop noong Abril 11, 2019] // The World Factbook. - Washington DC. : Central Intelligence Agency, 2017. - 5 Abril. - Nakuha noong: Pebrero 21, 2019. - ISSN 1553-8133.
- ↑ Atlas of the world / head. ed. IS Rudenko; head ed. VV Radchenko; resp. ed. OV Vakulenko. - 2005. - 336 с. - ISBN 9666315467.
- ↑ 3.0 3.1 Part II // United Nations Convention on the Law of the Sea. — New York : United Nations. — Nakuha noong 21 Pebrero 2017
- ↑ Part VI // United Nations Convention on the Law of the Sea. — New York : United Nations. — Nakuha noong 21 Pebrero 2017
- ↑ Shen, Wenwen (Marso 1, 2012). "China and its Neighbours: troubled relations Naka-arkibo 2020-11-01 sa Wayback Machine.". EU-Asia Centre. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017
- ↑ "Limits in the Seas No. 128 Maritime Boundaries of the World" (PDF). Bureau of Oceans and International Environmental and Scientific Affairs. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017
- ↑ "Palau president appeals to President Noynoy Aquino to keep embassy". Sun.Star. Enero 25, 2012. Nakuha mula sa orihinal noong Pebrero 3, 2016. Nakuha noong Hunyo 2, 2012
- ↑ Tan, Kimberly Jane (Hunyo 22, 2008). "RP talks with Palau, Indonesia over maritime issues". GMA News. Nakuha noong Nobyembre 30, 2017