Harry Tañamor
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Harry Tañamor (ipinanganak noong 20 Agosto 1977) ay isang baguhang boksingero mula sa Lungsod ng Zamboanga, Pilipinas na kinikilala nang lubos sa medalyang paulit-ulit sa pandaigdigang tribuna sa timbang-lipad na magaan.
Tala ng medalya | |||
---|---|---|---|
Harry Tañamor | |||
Panlalaking Boksing | |||
Manlalaro mula sa Pilipinas | |||
Pandaigdigang Kampeonato | |||
Tanso | 2001 Belfast | Timbang-Lipad na Magaan | |
Tanso | 2003 Bangkok | Timbang-Lipad na Magaan | |
Pilak | 2007 Chicago | Timbang-Lipad na Magaan | |
Palarong Asyano | |||
Pilak | 2002 Busan | Timbang-Lipad na Magaan |
Karera
baguhinAng kaliweteng boksingero ay lumalaban sa dibisyong Timbang-Lipad na Magaan (– 48 kg), at nanalo ng mga tansong medalya sa 2001 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing at 2003 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing. Nakipagpaligsahan siya sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004, subali't itinumba sa sa yugto ng 16 ni Hong Moo-Won ng Korea. Sa 2007 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing sa Chicago tinalo niya ang namamayaning Luis Yanez nguni't natalo kay Zou Shiming sa huling laro. Itinakda siyang maglaro sa 2008 Olimpikong Beijing. Sa pahayagang Sports Illustrated Maagang Paglilimbag Pang-Olimpiko, siya lamang ang nahulaan bilang manlalarong Pilipino ng magasin na mananalo ng medalya.