Harry Tañamor

(Idinirekta mula sa Harry Tanamor)

Si Harry Tañamor (ipinanganak noong 20 Agosto 1977) ay isang baguhang boksingero mula sa Lungsod ng Zamboanga, Pilipinas na kinikilala nang lubos sa medalyang paulit-ulit sa pandaigdigang tribuna sa timbang-lipad na magaan.

Tala ng medalya
Harry Tañamor
Harry Tañamor
Panlalaking Boksing
Manlalaro mula sa  Pilipinas
Pandaigdigang Kampeonato
Tanso 2001 Belfast Timbang-Lipad na Magaan
Tanso 2003 Bangkok Timbang-Lipad na Magaan
Pilak 2007 Chicago Timbang-Lipad na Magaan
Palarong Asyano
Pilak 2002 Busan Timbang-Lipad na Magaan

Karera

baguhin

Ang kaliweteng boksingero ay lumalaban sa dibisyong Timbang-Lipad na Magaan (– 48 kg), at nanalo ng mga tansong medalya sa 2001 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing at 2003 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing. Nakipagpaligsahan siya sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2004, subali't itinumba sa sa yugto ng 16 ni Hong Moo-Won ng Korea. Sa 2007 Pandaigdigang Kampeonato ng Pambaguhang Boksing sa Chicago tinalo niya ang namamayaning Luis Yanez nguni't natalo kay Zou Shiming sa huling laro. Itinakda siyang maglaro sa 2008 Olimpikong Beijing. Sa pahayagang Sports Illustrated Maagang Paglilimbag Pang-Olimpiko, siya lamang ang nahulaan bilang manlalarong Pilipino ng magasin na mananalo ng medalya.

Tingnan din

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin