Himno ng Bangsamoro
Regional Himno ng Bangsamoro | |
Ilinathala | Enero 30, 2020 |
---|---|
Ginamit | Pebrero 13, 2020 |
Ang Himno ng Bangsamoro ay ang pangrehiyong himno ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao na isang rehiyong maaaring gumabay sa sarili sa katimugang Pilipinas .
Pangyayari
baguhinSa ilalim ng Batayang Batas para sa Bangsamoro , ang karta ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (Ingles: Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao; BARMM) na pumapalit sa dating Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao (Ingles: Autonomous Region in Muslim Mindanao; ARMM) ay may karapatang magkaroon ng sariling panrehiyong himno . Bago ang pagpapatibay ng Batayang Batas para sa Bangsamoro, ang Bangsamoro na mayroon nang sariling panrehiyong himno ay pinagdedebatihan. Ang Kinatawan ng Buhay Partylist na si Lito Atienza ay nagsasabi na ang isang hiwalay na "awit" para sa rehiyon ng Bangsamoro ay hindi naghihikayat sa pambansang pagkakaisa at kung ang awit ay katulad ng mga himno na ginagamit ng ibang mga yunit ng pamahalaang lokal, iginiit niya ang pagmungkahi ng isang batas na malinaw na nagsasaad ng "himno" sa halip na "awit. ".
Noong Pebrero 2019, ang Bangsamoro Transition Authority ay naglunsad ng kumpetisyon para sa pagbuo ng isang bagong himno para sa Bangsamoro, kasama rin sa kumpetisyon ang disenyo para sa isang bagong watawat at selyo ng rehiyon.
Ang isang iminungkahing batas na nagpapatibay sa isang opisyal na panrehiyong himno para sa Bangsamoro na inihain sa harap ng Parlamento ng Bangsamoro ay ang Batas sa Parlyamento Blg. 2 na kilala rin bilang "Isang Batas na Nagpapatibay sa Opisyal na Himno ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao" ; (Ingles:"An Act Adopting the Official Hymn of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)". Pagsapit ng Agosto 29, 2019, ang panukala ay nasa ikalawang pagbasa na. Tatlong bersyon ng himno sa wikang Ingles, Filipino at Maguindanaon ay iminungkahi ayon sa miyembro ng parlyamento na si Romeo Sema, isang tagapagtaguyod ng panukala. Ang kasamahan ni Sema ay nagmungkahi ng mga pagbabago sa panukalang batas tulad ng pagdaragdag ng isang itinalagang bahagi ng himno na aawitin ng isang babae para sa balanse ng kasarian at pagdaragdag ng mga karagdagang bersyon ng himno sa bawat wikang panrehiyon ng Bangsamoro.
Inaprubahan ng Parlyamento ng Bangsamoro ang iminungkahing bersyon ng Himno ng Bangsamoro sa ilalim ng Cabinet Bill No. 39 noong Enero 30, 2020. Ang panukalang batas ay nilagdaan bilang batas noong Pebrero 13, 2020 ng Punong Ministro na si Murad Ebrahim bilang Bangsamoro Autonomy Act No. 7 .
Titik
baguhinFilipino | Di-opisyal napagkasulat sa Jawi ng Filipinong Titik | Di-opisyal na Salin sa Ingles | Di-opisyal na Salin sa Arabe |
---|---|---|---|
I |
١ |
I |
١ |
Paggamit
baguhinAng himno ay dapat awitin sa mga seremonya ng pagtaas ng watawat ng Bangsamoro . Ang pag-awit ng himno ng Bangsamoro ay ipinag-uutos ng batas, partikular na ang Batayang Batas para sa Bangsamoro, na mauna bago ang pambansang awit ng Pilipinas . Pinahihintulutan din ng Bangsamoro Autonomy Act No. 7 na ang bersyon ng himno sa Arabe, Filipino o anumang iba pang mga katutubong wika ng Bangsamoro ay opisyal na gamitin sa pag--apruba ng Punong Ministro.