Hukbong lakad

(Idinirekta mula sa Hukbong-lakad)

Ang hukbong lakad[1], impantirya[2], impanteria[2], o impanteriya ay mga sundalong lumalaban sa kalupaan, at madalas na gumagamit ng mga baril at iba pang uri ng sandatang puwedeng hawakan ng kamay. Sila ay gumagalaw ayon sa pagtakbo ng kanilang hukbo o sandatahan. "Impanteriya" din ang tawag sa sangay ng militar kung saan sila naglilingkod.

Impanteriya ng Royal Irish Rifles o "Maharlikang Ripleng Irlandes," noong Unang Digmaang Pandaigdig.

Kasaysayan

baguhin

Maliban sa mga iilang grupo, karamihan sa mga hukbo ng ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas ay nagsimula sa sangay ng impanteriya. Datapwat nagbago ang kanilang mga sandata, ang nag-iisang pagkakapareho nila ay ang paggamit ng kanilang mga paa upang marating ang patutunguhan o layunin (lalo na nung sinaunang panahon).

Noong una, ang impanteriya ay di lalaki sa isang pulutong ng mga armadong sundalo, lumalaban sa magkabilang panig sa utos ng isang nakatataas na pinuno. Subalit, sa benepisyo ng magkakaparehong kagamitan, uniporme, sandata at higit sa lahat magandang pagsasanay ang nagdulot ng iba't ibang uri ng pagsalakay at paglupig sa kalaban.

Katulad din ng ibang labanan at digmaan, ang kasaysayan ng impanteriya ay isang kuwento ng pagkakabalanse sa pagitan ng isang armadong hukbo (Griyego phalanx) na lumalaban sa pamamagitan ng digit-digit na pagkakahanay ng mga tauhan, at di masyadong armadong hukbo ngunit mabilis gumalaw katulad ng lehiyong Romano, na kayang maglagay ng tauhan kahit saan naiisin ng pinuno nito at gamitin ang anumang paraan upang lupigin ang isang malaking hukbo.

Kaliksihan, kasandatahan, at pagdedepensa ang tatlong naglalaban-laban ngunit nagdadamayang mga sangkap na kailangang patasin upang ika'y makagawa ng isang matatag at malakas na impanteriya.

Panahong Klasikal

baguhin

Halimbawa ng mga hukbong impanteriya ng mga palange o phalanx of sinaunang Gresya at ang mga lehiyong ng Imperyong Roma. Salungat sa mahigpit na pagkakaayos ng mga palange at lehiyon, karamihan sa mga hukbo ng sinaunang mundo ay tumanggap din ng mga maliliit na labanan (kadalasan mga mersenaryo o mga alila) na minsan ay mahina ang baluti na suot at may dalang sari-saring uri ng mga kagamitang pandigma, mula sa espada't sibat hanggang sa mga tirador at pana. Ang impanteriya ang pangunahing hukbong pandigma ng mga panahong yaon, marahil na rin sa resulta ng pabago-bagong panahon at paraan ng pakikidigma, isama mo pa dito ang mga bagong taktikang natutunan upang gamitin ang kanilang mga sandata.

Malalaki, ngunit disiplinadong mga pangkat ng impoanteriya ay madalas sa mga digmaan ng sinaunang mundo. Bagama't, sa pagbagsak ng imperyo ng mga Roman sa mga tribong Hermanio kagaya ng mga Bandalo, Godo, and Visigodo noong ikalimang siglo AD, ang pampolitika at militar na katatagan ng nasabing pangkat ay unti-unting nawala hanggang sa kalagitnaan ng Gitnang Panahon sa pagdating ng monarkiya at burokrasya.

Gitnang Panahon

baguhin

Sa kabuuan ng Gitnang Panahon, pakikidigma at lipunan ay pinakinang ng mga kabalyero, pinaganda sa pamamagitan ng mga kabalyero. Ang mga Kabalyero ay kinuha sa mga dugong bughaw, habang ang impanteriyang kanilang pinamunuan ay kinukuha sa mga karaniwang tao at magsasaka. Dito nagbago ang pamamaraan ng pakikidigma ng impanteriya na pinalakas ng mga bagong teknolohiya at taktikang militar. Kadalasan, may mga sinaunang taktika na ginagamit pa rin ng mga panahong iyon.

 
Depikto ng Impanteriya sa isang pader ng Museo ng Sining sa Olomouc, Republikang Tseko.

Makabagong Panahon

baguhin

Bago pa man naimbento ang tren noong ika-19 na siglo, ang impanteriya ay nakararating sa kanilang patutunguhan sa pamamagitan ng paglalakad, o di kaya'y sa pamamagitan ng mga barko. Noong mga taon sa dekada 1890, may mga bansang gumamit ng mga impanteriyang naka-bisikleta, ngunit ang talagang pagbabago ay nangyari noong dekada 1920 kung saan ang impanteriya ay gumamit ng de-makinang sasakyan sa kauna-unahang pagkakataon, at pinanganak ang de-motor impanteriya. Mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang nagudyok sa mga siyentipiko upang pahalagahan ang kaligtaasan ng mga sundalo habang sila'y naglalakbay, nagresulta ito sa pagkakagawa ng de-makinang impanteriya. Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig din ang unang nakasaksi sa malawakang paggamit ng mga paratropa, na naging susi sa ilang kampanya sa Europa. Noong Digmaang Biyetnam, pinangunahan ng Hukbong Katihan ng Amerika ang paggamit ng mga helikopter upang dalhin ang isang malaking grupo ng impanteriya ng mas mabilis at mahirap na lokasyon sa gitna ng labanan.

Ang makabagong de-makinang impanteriya ay tinutulungan ng mga nakabaluting sasakyang panlaban, artileriya, at mga sasakyang panghimpapawid, kaagapay nito ang impanteriyang magaan, na di gumagamit ng mga nakabaluting sasakyang panlaban, ay nananatiling isang matatag na puwersang militar na kayang sumakop at magbantay ng isang lugar, kaya ito'y nananatiling isang mahalagang sangkap ng taktikang pakikidigma.

Organisasyon

baguhin
 
Makalumang kampo militar - ang impanteriya.

Ang impanteriya ay natatangi dahil sa kaayusan at katatagan nito sa pakikidigma sa lupa. Ito ay nagbago sa pagdaan ng panahon, ngunit nanatiling isang mahalagang elemento sa pagkakatatag ng makabagong impanteriya. Mula sa pagsapit ng ika-20 siglo, ang mga impanteriya ay ipinapadala sa isang maayos ngunit saradong porma hanggang sa huling oras ng digmaan. Ito'y mahalaga upang magkaroon ng gabay ang mga pinuno nito, lalo na sa paggalaw at pag-atake, gayun na rin ay nagbibigay puwang para sa mga pinuno nito na mapanatili ang disiplina sa kanyang mga hanay.

Sa pagdating ng mga makabagong sandata, naging mahalaga ang pagpapakalat ng impanteriya sa mas malawak na lugar. Ito'y nagbigay daan upang hindi sila matamaan ng armas ng kalaban. Mula Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanatiling matagumpay ang impanteriya sa paglupig sa kanilang kalaban sa pamamagitan ng paggamit ng mga sasakyang pandigma. Nagkaroon din ng mas malawak na lugar kung saan pwedeng ipadala ang mga ito sa pamamagitan ng mga radyo at makabagong paraan ng komunikasyon.

Misyon

baguhin

Ang pangunahing trabaho ng impanteriya ay ang maging pangunahing lakas ng isang hukbo. Ang kanilang mga paggalaw ang nagdedesisyon kung ang isang kalaban ay kayang talunin o hindi, at ang presensiya ng impanteriya ang nagbibigay palatandaan ng pagkakasakop sa isang lupain.

Mga yunit

baguhin

Henisaro

baguhin

Ang mga janissary[* 1] o henisaro[* 2] (Turkong Otomano: یڭیچری‎, romanisado: yeŋiçeri, [jeniˈtʃeɾi], lit. na 'bagong sundalo'), mula sa wikang Kastila jenízaro, ay mga yunit ng impantriya na bumubuo sa mga tropang pampamamahay at mga tanod ng Sultang Ottomano. Ang puwersang ito ay nilikha ni Sultan Murad I noong 1383 at binuwag ni Sultan Mahmud II noong 1826 noong panahon ng Kaganapang Mapalad.[3]

Talababa

baguhin
  1. Ingles; nagiging janissaries kapag maramihan
  2. kung hihiramin ang salitang Espanyol na Jenízaros

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hukbong lakad, infantry Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Impanteria, Impantirya, infantry, soldiers who fight on foot". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kinross, pp. 456–457.
baguhin