Tumutukoy ang pangalang "Hyatt 10" sa isang grupong binubuo ng pitong kalihim ng Gabinete at tatlong pinuno ng mga ahensiya ng pamahalaan sa Pilipinas na bumitiw mula sa kanilang mga puwesto noong 8 Hulyo 2005 dulot ng Iskandalong Hello Garci, kung saan hinihinalang sangkot si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pandaraya noong pangkalahatang halalan ng 2004 upang maging pabor ang resulta nito sa kaniya.[1]

Binansagang "Hyatt 10" ang grupo dahil inihayag sa Hyatt Regency Hotel sa Lungsod ng Pasay ang pagbitiw sa puwesto ng mga kasapi ng grupo. Maimpluwensiya (influential) pa rin ngayon ang grupo sa lokal na politika sa Pilipinas, kung saan ilan sa mga kasapi nito ay sumali sa pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III, na sumunod kay Arroyo bilang pangulo.

Mga kasapi

baguhin

Mayo 10 orihinal na kasapi sa Hyatt 10

Mga sanggunian

baguhin
  1. "How 'Hyatt 10' was formed". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. 9 Hulyo 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Pebrero 2012. Nakuha noong 24 Setyembre 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)