Paliparang Pandaigdig ng Iloilo

(Idinirekta mula sa Iloilo International Airport)

Ang Paliparang Pandaigdig ng Iloilo (Hiligaynon: Pangkalibutan nga Hulugpaan sang Iloilo) IATA: ILOICAO: RPVI, tinaguriang Hiligaynon Airport, ay isang paliparang pandaigdig na naglingkod sa pangkalahatang kalakhan ng Lungsod ng Iloilo, ang kabisera ng lalawigan ng Iloilo sa Pilipinas at ang sentrong panrehiyon ng Kanlurang Kabisayaan, o Rehiyon VI. Ang paliparan ay isang kahalili para sa lumang Paliparan ng Mandurriao na nasa poblasyon ng Lungsod ng Iloilo at bumukas ito noong 14 Hunyo 2007. Dahil sa pagsara ng Paliparan ng Mandurriao, minana ng Paliparang Pandaigdig ng Iloilo ang mga kodigong pampaliparang IATA at ICAO nito.

Paliparang Pandaigdig ng Iloilo

Pangkalibutan nga Hulugpaan sang Iloilo
Buod
Uri ng paliparanPubliko
NagpapatakboPangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas
PinagsisilbihanLungsod ng Iloilo
LokasyonCabatuan at Santa Barbara, Iloilo
Sentro para saCebu Pacific
Elebasyon AMSL51 m / 168 tal
Mga koordinado10°49′56.7″N 122°29′35.2″E / 10.832417°N 122.493111°E / 10.832417; 122.493111
Mga patakbuhan
Direksyon Haba Ibabaw
m tal
02/20 2,500 8,203 Aspalto
Estadistika (2009)
Mga pasahero1,324,148
Mga kilos ng eroplano16,880
Toneladang metriko ng kargamento9,330
Mga estadistika mula sa Pangasiwaan ng Abyasyon Sibil ng Pilipinas.[1]

Nakalapag ang paliparan labinsiyam na kilometrong hilagang-kanluran ng Lungsod ng Iloilo sa isang dakong may kalakihan ng 188 ektarya sa pagitan ng mga bayan ng Cabatuan at Santa Barbara, kung saan ang pangunahing pasukan at daang pang-abot ng paliparan ay nasa Santa Barbara at ang iba pang bahagi ng imprastruktura ng paliparan ay nasa Cabatuan. Ito ay isa sa tatlong paliparang pandaigdig sa Kabisayaan, kasama ng Paliparang Pandaigdig ng Mactan-Cebu sa Lungsod ng Cebu at ang paliparan ng Bacolod-Silay sa Lungsod ng Bacolod, ang unang paliparang pandaigdig sa Kanlurang Kabisayaan, at ang unang paliparang pandaigdig na itinayo sa pulo ng Panay.

Mga kompanyang panghimpapawid

baguhin

Ang mga sumusunod na kompanyang himpapawid ay naglilingkod sa Paliparang Pandaigdig ng Iloilo::

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Philippine Aircraft, Passenger and Cargo Statistics 2009" (PDF). 1 Marso 2010. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-06-01. Nakuha noong 25 Mayo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 1 June 2010[Date mismatch] sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

baguhin